#MGDCWhenSheCries

9.1K 468 114
                                    

|Rhian|

We're both still enjoying the view when the rain started to pour in. Mabilis kaming sumilong sa ilalim ng punong mangga pero parang balewala din naman dahil nabasa pa din kami sa lakas ng buhos ng ulan.

"Are you ok?" She asked me after awhile.

"Yeah. I'm fine. I-ikaw, ok lang ba?" I asked hesitantly.

Tumango lang sya.

"Pasensya ka na, I really have no idea that it will rain today. Should I know, I will not bring you here."

I smiled gently.

"It's fine, really. Nag enjoy din naman ako. Besides, it's been years nung huli akong naligo sa ulan. Hindi ko na nga halos maalala." I chuckled.

"You wanted to experience it again?" She asked.

"Ang alin?" Kunot noong tanong ko.

"Maligo sa ulan."

"Bakit, hindi pa ba pagligo sa ulan ang ginagawa natin ngayon? Look at us, we're both soaking wet." I chuckled then looked up at the branches of mango tree above us. "Actually, hindi naman talaga nakatulong 'tong pagsilong natin dito sa puno."

Tiningnan nya ako ng matiim pagkatapos ay ngumiti ng makahulugan.

"Let's go, I have an idea." She grab my hand and pulled me away from the tree.

"Where are we going?" Nagtatakang tanong ko habang nakasunod lang sa kanya dahil hatak nya ang isang kamay ko. She didn't respond, sa halip ay mas lalo pang binilisan ang paglakad. "Glaiza ang lakas ng ulan!" I said in protest because I have no idea where she's taking me.

Huminto kami sa mismong gitna ng talampas kung saan patag ang lupa. Sa paligid namin ay mga maliliit na bulaklak na humalo sa mga pinong damong hindi lalampas sa mga tuhod namin. I can't recognized the flower's names but it's varieties of colors are indeed beautiful, from red to orange to palest of yellow. Kung naisip kong paraiso ang kinatatayuan namin kanina, masasabi kong higit pa sa isang paraiso ang pinagdalhan sa'kin ni Glaiza ngayon. Hindi natatanaw ang bahaging ito ng talampas mula sa pinagpahingahan namin kanina.

Hindi pa kami natatagalan sa kinatatayuan namin ng biglang tumigil ang malakas na buhos ng ulan. And to my amazement, the sun rose up as if nothing happened. Ang kaninang madilim na paligid ay biglang nagliwanag kaya lalong tumingkad ang kagandahan ng mga bulaklak.

"My God, this place is ... amazing." I blurted out as my eyes went to Glaiza. I frowned when I saw the sheer disappointment on her face.

"Hey, what's wrong? Is there a problem?"

She sighed.

"Wala naman, inisip ko lang na ..." Ibinitin nya ang huling salita.

"Iniisip mo na?..."

"Oh, forget it, it's just a silly thought." She said in a dismissing manner.

"Come on, I insist to know." I said.

"It's nothing, really. Ang mabuti pa bumaba na tayo bago pa tayo mapulmonya dito sa basa nating mga damit." She said coldly. Tumalikod na sya at nagsimulang humakbang pabalik sa pinanggalingan namin kanina.

I'm so confused with her mood swings. Awhile back she's laughing with me and now she's back to being aloof again.

Ugh! I can't take this anymore.

Kahit mahal ko sya, hindi ko naman kaya na palaging kaming ganito. Na kapag sinusumpong sya ng kasungitan ay babalewalain nya na lang ako.

Mabilis akong humabol sa kanya at humarang sa daraanan nya.

Marrying Glaiza De Castro (Book 1)Where stories live. Discover now