1

24.7K 433 15
                                    

"--- I- I do."

"You may now kiss your bride!"

Inangat ko ang aking tingin sa malalim niyang mata. Walang emosyon, isang ngisi lang ang pinakawalan niya. At isang mabilis na halik lang ang idinampi niya sa labi ko.

Magarbong palak pakan ang sunod kong narinig. Ni hindi ko kilala ang mga taong nasa loob nang maliit na simbahang yun. Tanging si mom at dad lang ang mga kilala ko at alam ko, malungkot sila. Nakita ko pang umiiyak si mom, ang lungkot nang pakiramdam ko. Ito ba ang kabayaran nang ginawa Kong pagtaksil kay Shiba?

Isang simpleng kasal kasama ang mga taong hindi ko kilala. Kasal na pilit at walang pagmamahal. Kasal na hindi ko naman ginusto. 

"Mama, congratulations!"

Napangiwi ako sa  boses nang batang nasa tabi ko. She's adorable and bright girl, when I was kljust sitting in the corner of the reception hall just eying the British people who walking and talking around.

Tiningnan ko lang siya, ngumiti siya na mas lalong nag glow sa maganda niyang mukha. I really don't know what's the real story between Ole and her mother. Well everything about him, is I don't know naman talaga and I really don't care.

She's a british girl at nakuha niya siguro lahat nang ganda sa ina niya.

Ole is a pure Pilipino pero mas nakikita ang Spanish aura nito na galing daw sa lola niya. Sinong nag kwento? Edi yung  bestfriend and yet katrabaho niyang kung makadikit sa kaniya ay parang linta, Kira Martinez.

''Can I call you, mama?"

She has those chocolate brown eyes, pointed tiny nose and little thin lips. Ang puti nang kutis niya, kasing puti nung labanos. Isang beses ko pa lang siyang nakita nung unang dating ko pa lang dito sa London. Mabait naman siya and she's inlove with her father. Kitang kita ko naman Kay Ole na mahal na mahal niya ang anak niya yun nga lang ay nawawalan siya nang oras para sa bata.

"Pretty please?" Nag puppy eyes pa siya.

I smiled. Magaan ang loob ko sa kanya kaya why not treated her good?

"Ellai would be nice." I said instead.

Sumimangot siya.

"Gusto ko po nang mama."

See? Nagtatagalog pala siya. Why not? Purong pinoy naman si Ole.

"Hey, sweetheart..bakit mo ba ako iniiwan?" Bulong ni Ole sa huli.

I just rolled my eyes. Plastik din nang taong ' to! Eh siya lang yung mukhang masaya eh?

''Papa! You're so pogi talaga! I love you!"

Mas lalo akong napangiwi sa sinabi nang anak niya. Pogi okay na pero yung may 'so' pa? Hay naku!

"Go to your tita Kira for now, baby." Bulong nito sa bata na ikina simangot naman nito.

Hinawakan ni Ole ang isang braso ko at hinila sa bawat grupong nadadaanan namin. Puro tango at ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila. I don't care naman talaga.

Hinanap nang mga mata ko sina mom at dad pero hindi ko na sila makita. For sure ay bumalik na ang mga ito sa hotel room nila.

Bakit ba kasi dito pa ginanap ang kasalang ito? Pwede namang sa Pinas nalang! Nalungkot ako sa isiping kinasala na ako.

I am married now, sa taong hindi ko mahal. I am sad, I miss my Liam. Gusto kong maiyak sa sinapit nang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko matatakasan ang kalagayan ko.

I already lost Liam. I just lost my child. I feel weak.

"Sweety, --" napalingon ako bigla dun sa tumawag sa lalaking nakahawak sa kamay ko. Gusto kong mapataas nang kilay. "-- Opps! Sorry." 

Ni head to foot ko siya. Gusto kong matakot sa kaniya, hindi siya naka heels pero ang tangkad niya. Perpekto ang kurba nang kanyang katawan kaso nga lang malaki at bakas ang muscles sa kaniyang braso at malapad ang kaniya likod. Kitang - kita sa katawan niya ang pag eehersisyo.

Umiwas ako nang tingin sa kaniya. Kinabahan ako, paano kung may relasyon pala sila tapos pagseselosan niya ako? Naku! Isang suntok lang siguro ako sa kaniya.

Oh my god! Ngayon palang nagsi sisi na ako. Bigla ko hinablot ang kamay ko sa kamay ni Ole na ikinabigla niya. Matalim niya agad akong tiningnan.

"I --- I'm sorry." Sabi ko at napayuko agad.

Bakit ganito ang tinanggap kong kapalit sa lahat? Ang tapang ko pero wala namang panama sa mga taong nasa harap ko.

Gusto ko nang umuwi kay Liam! I don't deserve this!

---

AN:

Sinong gustong maging karakter sa storyang ito? Just comment your names lang po. Kailangan ko din po nang pangalan ng lalaki.

Salamat sa help po.

Correction and opinion are still highly appreciated po.

#prayfordavao
#barugdabaw
#tindogdabaw.

-batch

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now