27

12.2K 335 18
                                    

Magdadalawang buwan na mula ng makalabas kami nang ospital. Mabuti naman na si Ole, masigla at malakas kahit may saklay pa ring umaalalay sa paglakad niya.

Hindi pa rin matigil tigil ang paghahanap sa taong may gawa noon sa amin. Ang sabi niya kasi ay Hindi pa daw niya nasubukan ang ma- stay sa hospital nang ganoon katagal dahil lang sa isa o dalawang bala. Palagi ngang pinag aawayan nila ni Monsour ang bagay na iyon. Ang akala niya kasi ay si Mon na ang bahala doon subalit nakalabas na kami nang ospital ay di pa rin nahahanap ang may sala.

Kahit naman papaano ay masaya na rin ako. At least, nag uusap na yung dalawa, yun nga lang ay palaging nag aaway. Nagbago na rin ang pakikitungo ni Ole sa mommy niya, kahit minsan ay mas inuuna nito ang pride.

Maraming nagbago mula noong makalabas kami nang ospital. Mabait na si Ole kahit Hindi man siya nagsasalita ay okay na rin sa amin. Kapag linggo kasi ay sa amin kumakain ang kapatid at mommy niya.

Masaya ako, kahit paminsan minsan ay napipikon pa rin si Ole. Ang saya ko kahit mas madalas niyang napagseselosan si Mon dahil close kami. Sobrang saya ko dahil nagk-kwento na siya sa akin.

Pero lahat ng saya ay may hangganan. Lahat nang ngiti ay may kapalit na pagluha at lungkot.

Nang bumalik kami para sa huling check up ni Ole ay sobrang lungkot noon sa akin, sa kaniya.

Dahil sa tama ng bala sa buto niya ay malabong babalik sa dati ang paglakad niya. I know it was hard for him. Masama ang loob niya kaya pati na naman kami ay nadadamay. Hindi niya iyon matanggap. Hindi na siya pwedeng makabalik sa kaniyang trabaho at lalong lalo na at hindi na siya pwedeng makalakad o takbo tulad noon.

Hindi niya ako kinakausap. Lumamig ulit ang pakikitungo niya sa akin. Galit na galit siya at naggigigil siyang gusto nang mahanap ang taong iyon.

Ni hindi na siya masyadong lumalabas nang kwarto namin. Pero puno nang pag intindi pa rin akong nagpapakumbaba sa asawa ko.

Pero isa lang naman ang palagi Kong naiisip na paraan para kumalma siya. I am just giving him a pleasure and we're good again. Mahal na mahal ko si Ole, handa kong magtiis kahit ano pa yan.

Kaya nga hindi pa nag aanim na buwan ang Kiko ko ay Kuya na agad siya. And I am two months pregnant today.

''Ikaw kasi eh — ''

''Me? Ikaw ang ikaw kasi. You seduced me, again and again. What do you want me to do? Get rid of that baby?!'''

''Hoy. Ang oa mo. Masaya ako kasi binigyan mo ulit ako nang baby. — ses! Gusto mo namang sine- seduce ka.''

We were in the middle of the bed. I am resting into his chest when I told him the good news. Tapos ang dami agad sinasabi.

''Papanagutan naman kita, ah.''

I can't help myself but smile. Gusto ko kapag ganito kami pagtapos naming mag sex. Bumalik na ang dating masalita niya, kasi nga lang ay nauunahan pa rin siya nang pride. Ayaw niyang kinakaawaan kasi.

''Love, eight months palang si Kiko tapos may two months fetus na ngayon sa tummy ko, di ba ang bilis non? — gusto ko girl na.''

''I want it a boy. Francisco should be the one who'll manage the company. The second one will be named after me, he will become strong soldier like me. At kapag nakabou ulit lalaki pa rin,  ayaw ko nang babae baka makapatay pa ako nang taong inosente.''

Napasinghap ako. Ang galing! Ang galing nang plano. Sundalo nga. Ngumiti ulit ako.

''What if naging babae ito?''

Gusto ko siyang kausap kapag ganitong maganda ang mood nya.

''Home schooled. Hindi pwedeng lumabas nang bahay kung hindi ako kasama. But I still want it to be a boy.''

I giggled. Best dad ba?

''Okay, I love you.''

''Love you too.''

Yun lang ay kontentong kontento na ako.

Si Mon ang bisita namin kinaumagahan. Ang sabi niya ay nahuli na daw ang gun man. Hindi maipinta ang mukha ni Ole sa sobrang galit. Hindi siya nagsasalita nang nasa kotse kami ni Mon. Kinakabahan ako.

Wala namang nabanggit si Mon kung sino ang taong yun. Halos paliparin niya ang sasakyan papuntang presinto. Mabuti nalang at dumating si mommy kaya may napag iwanan kami Kay Kiko.

Nakahawak lang ako sa braso ni Ole. Malalim ang buntong hininga niya palagi. Alan kong gusting gusto niya nang mapatay ang taong yun. Pero kinakabahan talaga ako. Malakas ang kabog nang puso ko. Malamig at pinagpapawisan na ang kamay ko sa kaba.

Nang makababa kami nang kotse at naka alalay lang ako sa braso ni Ole. Mabilis ang hakbang niya kasama ang saklay.

Pero laking gulat ko nang madatnan naming nandoon si Olivia.

She's crying.

Miserable.

''V—via?'' I whispered.

Masaya ang tinging pinukol niya sa akin.

Sa tabi niya ay isang nakaputing babae. Blond at kakaiba ang kulay nang mata. May kaparehas iyon nang mata ni Julo Liam.

Nang magtagpo ang mata namin ay naningkit ito. Hindi ko siya kilala pero kung tingnan siya ay kilalang kilala niya ako. Kagagaling lang nito sa iyak.

Nilampasan niya ako nang tingin. Dumako at napako ang tingin nito sa asawa ko. At nang tingnan ko si Ole ay nanigas siya.

Naestatwa.

Nanginginig ang braso niya habang parang hindi makapaniwala sa nakikita.

Tumayo ang babae habang umiiyak.

Naguguluhan ako. I never met the woman.

''V-Viatrice....''

Ole whispered.

Viatrice, his ex wife —— the legal wife.

——

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now