7

13.9K 332 12
                                    

Four weeks and five days. Ito yung mga araw na lumuluha ako habang binababoy niya ako. Hindi ko alam ang gagawin o ang dapat na isipin. I hate him. Hinihiling ko pang mamatay na siya, pero akalain mo yun? Hinihiling kong mamatay na siya samantalang may binou siyang buhay sa sinapupunan ko. May karapatan pa ba akong humiling nang ganoong bagay?

Buntis ako at si Ole ang ama. Buntis ako kaya ko pinaghahanap ang amoy ng lalaking yun. Buntis lang ako kaya ko siya namimis. Bunis lang ako kaya gusto ko siyang yakapin at amuyin.

Dalawang araw palang ang nagdaan mula ng umalis siya. May tatlong araw pa akong hihintayin bago kami mag uusap ulit. Hindi ko alam kung kaya ko siyang patawarin, pero susubukan ko alang alang sa anak ko

Anak namin ni Ole.

Hinihintay ko ang tawag niya pero mag- aapat na araw na ay wala pa rin akong balita tungkol sa kaniya. Napailing pa ako nang maisip na baka namatay na talaga siya doon. Pero ang alam ko ay magaping siya at hindi pa siya kailan man natalo sa bakbakan. Sana nga ay hanggang ngayon.

Palagi kong hinahatid si Via sa school at taga sundo niya naman si Kira. Minsan din ay sa kaniya ito natutulog. Habang nag iisa lang ako sa malaking bahay na ito at walang ginagawa kundi ang umiyak nalang.

Lumipas ang araw ay hindi pa rin nakakabalik si Ole. Lampas limang araw na pero wala pa rin siya. Nang magtanong ako kay Kira ay naiirita lang din itong umiiling. Civil lang ang pansinan namin ni Kira. Pero mas madalas kaming walang pansinan.

Mag iisang buwan na at hindi pa rin nakakabalik ang asawa ko. Gusto kong mag alala, ni hindi sumapit sa isip ko dati na makakaramdam ako nang ganito ngayon. Kinakabahan na ako. Wala pa rin kaming balita.

---

''You look fat. Buntis ka ba?''

Bigla akong napatingin kay Kira nang minsang ihatid ko si Olivia. Di ko mabasa ang hitsura niya pero walang ngiti sa mukha nito. Nilampasan ko siya. Wala ako sa mood na makipag usap sa babae. Ayokong paglihian siya. Pero pinigilan niya ako sa braso. Marahas niya akong hinila pabalik sa kaniya.

''Buntis ka? Kanino?!''

Mariin at puno nang hinala ang boses niya. Bigla akong nakaramdam nang takot pero mas nanaig ang inis ko dito.

''Edi si Ole! Ang magaling kong asawa na hanggang ngayon ay di pa bumabalik!''

Binawi ko ang aking kamay saka nagmartsa pauwi. Nasa ganoong mood ako ng may mabangga ako tao. Hindi ako umimik, ni hindi ko siya tinapunan nang tingin.

''Ellai..''

Biglang lumipad ang tingin ko sa taong yun. Tumibok ang puso ko.

''Julo Liam.''

Ngumiti siya na nagpagaan sa dibdib ko.

''How are you?''

Di ko din naman maiwasang ngumiti. Kinapa ko ang aking dibdib, wala na iyong dating kakaibang tibok. Wala na ang kilig.

''Okay lang naman Liam. Ikaw?''

''Malalim yata ang iniisip mo? -- I'm fine with my family. I'm sorry Ellai.''

Sincere ang mata niya. Ngumiti lang ako at lihim na magpapasalamat kasi ngayon ko masasabing, moved on na ako. Wala na ang hinanakit sa aking dating kasintahan. Wala na iyong pag ibig ko sa kaniya noon. Naglahad ako nang kamay at tinanggap niya naman.

''Let's forget and forgive, Liam. Masaya akong nakita kita ngayon. Sege mauna na ako, Liam.''

Binitiwan ko ang kamay niya pero niyakap niya ako. Mabilis, kaya napatawa naman ako. May ginhawa na ako sa dibdib.

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now