5

14.9K 375 17
                                    

I don't know what was happening. Bigla nalang akong nakadama ng kaba nang makitang iyak ng iyak si Via. Hindi rin naman siya magawang patahanin nang kaniyang yaya. I was about to calm her pero kapag lalapit naman ako sa kaniya ay nagsisigaw siya at tinatawag ang pangalan nang mommy niya.

''Get out! All of you!''

Nasa ganoong sitwasyon kami nang dumating si Ole. Agad akong bumaba sa salas at lumapit sa kaniya at sinabi ang nangyari. He's furiously worried. Kitang kita ko yun sa mga mata niya.

''Baby? Shit! Olivia!''

Mabilis ang hakbang niya at nakasunod lang ako. Gusto ko na ring maiyak, hindi kasi halos makahinga ang bata at hindi namin magawang lumapit dito. Pati lamp shade at kung ano ang hawakan niya ay hinahagis nito sa amin. Pulang pula na ang kaniyang mukha.

''Sshh.. Baby, it's daddy. Calm down. Breath.. Slowly..''

Marahan lang ang boses ni Ole na ni minsan ay di ko pa narinig dito.

''Daddy? How dare you hurt mom! I hate you! I hate you!''

Natigilan ako. Ano ba ang pinagsasabi niya? Sinong mom ba ang tinutukoy nang bata. Napatingin sa akin si Ole, agad akong umiling. Hindi ko naman alam ang nangyari, wala akong sinabi sa bata. Nilingon naman niya ang yaya nang bata, umiling din ito.

''Baby, mom is dead. Remember? I didn't hurt her.''

Lalong umiyak ang bata. Naalarma ako. So ang tunay na nanay pala nito ang ibig sabihin. Battered wife din?

''Via, anak. Si mommy Ellai mo ito.''

Tumingin sa akin si Via. May kung anong lungkot sa mata niya. Pero patuloy pa rin ang pagluha nito. Mahina akong bumuntong hininga.

''Mommy, dad hurt you right? I saw it.''

Nanigas ang likod ko. Hindi ako makaimik. Iyak pa rin nang iyak ang bata. Nang tingnan ko si Ole ay nakakuyom ang kamao niya. Nagtatagis ang kaniyang bagang. Humahangos ang paghinga niya na tila nagpipigil.

''No, baby. I didn't hurt her.''

Sinungaling! Gusto kong isigaw. Takot pala sa anak.

''Liar! I hate you! Leave me alone! Leave!!''

Tumayo ito at tumakbo sa gilid nang bintana. Malaki ang bintana. Purong salamin lang iyon. Kinabahan ako sa maaring pwedeng gawin nang bata.

''Via! Please, listen to us! Your dad didn't hurt me! Mali ang nakita mo.''

Nangilid ang luha ko. Alalang alala ako kay Olivia. Baka kung mapano siya.

Nahinto sa pagtakbo ang bata at napaupo sa carpet. Kahit si Ole ay natigil din sa paghakbang.

''Please. Stay still, Via. Ssshhh..''

Humakbang ako papalapit sa kaniya. Nakikiusap ang tingin ko at kahit masama ang tingin nya sa akin ay lumapit pa rin ako. Niyakap ko siya nang mahawakan ang kaniyang kamay.

I never felt like this before. Takot na takot akong mapano siya. Umagos ang luha ko sa pisngi at hinalikan ang ulo niya. Umiiyak pa rin ito pero hindi na hysterical.

''Thanks God.''

Napaupo sa gilid nang kama ni Via si Ole. He was just looking at us. Hindi pa ako makapaniwalang ipinagtanggol ko pa siya. Ilang sandali lang nang nasa ganoong posisyon kami ni Via at nakatulog siya sa dibdib ko. Nakayakap pa rin siya sa akin at may bakas pa rin nang luha ang kanyang mata.

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now