17

12.8K 323 24
                                    

''Love..''

Umatungal ako habang nasa bisig ko si Kiko. Hindi ko alam kung bakit may wayfarers siyang sout gayong madilim naman na ang kalangitan. At ang malanding Kira the bitch ay grabe naman kung makadikit sa asawa ko. Sana naman ay kilabutan siya. Napatingin ako sa gawi ni Via na nasa likod ni Kira. Nakatingin lang ito sa daddy niya. Pero hindi siya tiningnan man lang nang ama niya.

Nang umangat ang mukha ni Ole sa akin ay napangiti ako. He doesn't know how much i missed him. Gusto ko pang maluha dahil sa sobrang saya. Na kahit may iba siyang kayakap, at least ngayon ay nakikita ko siya.

Buhay at gwapo pa rin.

Tinanggal niya ang sout niyang wayfarers at tumingin sa akin. I gasps at dagling lumapit sa gawi niya. May pasa ang gilid nang mata niya.

''Sweetheart, suntukan na ba ang gyera ngayon?'' Ani Kira the bitch.

Nang makalapit ako sa kaniya ay binitiwan niya si Kira. Gusto ko siyang irapan. Ang kapal nang mukha, ako tuloy ang nagmukhang kabit dito ngayon.

''Love..'' Niyakap ko ang asawa kong mabango at sobrang gwapo.

Ewan ko ba, malabong naglilihi na naman ako eh. Wala pa namang nangyari sa amin, pero kung mapanabikan ko siya ay kulang pa ang salitang 'tara Love! Dogshow na tayo!' Pero syempre hindi na muna ngayon mamaya na.

Inisang hakbang niya ako at hinalikan sa labi. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Pero agad naman niya iyong tinapos nang pumikit ako at damhin ang labi niya.

''Ready to to explain yourself, Ellaiza?''

Kumurap ako sa mahinang bulong ni Ole sa akin. Nang tingnan ko siya ay kitang kita ko ang namumula niyang mata. My lips bit parted when he suddenly lick his lips.

Pero teka, ano? Explain myself? For what?

Unang naglakad si Ole papunta nang kotse. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin sa akin. Agad na sumunod si Kira sa kaniya. Nanatili lang akong nakatayo habang bitbit ang anak ko and I feel so much disappointment.

Nabigla nalang ako nang hawakan ni Via ang kamay ko. She gently pressed her hand into mine. Nang tingnan ko siya ay biglang napawi ang bigong pakiramdam ko.

''It's okay, mom.''

She said with smiles. Kahit papano ang napangiti na rin ako. Sabay kaming pumasok na sa kotse. Inayos ko si Kiko sa front seat. Kahit nga sa anak namin ay halatang hindi siya sabik. Pumwesto na agad ako sa drivers seat. Nang tingnan ko sila sa rear mirror ay napairap ako. I looked like a newly hired driver here. Nasa labas ang tingin ni Ole, habang si Kira naman ay nakangising nasa akin ang tingin. Bwesit na babaeng 'to!

Nagsimula akong mag drive nang mabigat ang dibdib. Naiisip kong paano kami natitiis nang ganito ni Ole? Kung sa akin ay okay lang naman pero kahit nga sa anak man lang namin.

Gusto ko siyang mapaamo sa akin. Gusto kong maramdaman niyang nandito lang ako at handang makinig sa mga problema niya. I want him to voice it out. Alam kong may mga pinagdaanan siyang dinidibdib niya kaya galit siya sa mundo.

Nagisip ako nang pwedeng gawin mamaya sa dogshow time namin. Kada nababanggit iyon nang isip ko bigla nalang akong napapangiti.

Umibis na ako nang kotse nang makarating kami ay kinuha si baby Kiko. Tulog na tulog ito. Hindi ko binigyan nang pansin ang iba ko pang kasama. Mabilis akong pumasok sa bahay at marahang nilagay si Kiko sa crib niya.  I dialed the telephone for a food delivery. Nang matapos ay kinuha ko ulit si Kiko at umakyat na rin sa kwarto. May ngiti sa labi ko na hindi maalis alis. Nakakainis! It made me more excited this time! God! Binihisan ko si Kiko at pinagtimpla nang gatas niya. Nang pinapalamig iyon ay mabilis kong naligo. I shaved everywhere. I want to be clean, soft and smells good tonight.

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Où les histoires vivent. Découvrez maintenant