8

14.1K 324 11
                                    

Sumisikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya. Totoong napakasarili niya, ni hindi niya naisip ang maaring maramdaman ko. Binitiwan niya ako saka ginulo ang buhok. Hinagis niya ang phone kay Kira na may ngisi pa rin sa mukha. Halos mapatalon pa ako nang itumba ni Ole ang nakahilerang barbels. Lalo akong naiyak.

Akala ko matatapos na ang ganitong eksena. Hindi niya ba pakikinggan ang paliwanag ko? Oo nga naman siya si Ole Cazepien, My heartless husband. Nilinis ko ang aking mukha, total naman wala naman din akong karapatang ipagtanggol ang sarili, mas mabuti nang umalis nalang sa kwartong ito.

Pero bago iyon ay inilang hakbang ko muna si Kira at kahit mas matangkad siya, kahit mas malaki ang muscles niya ay di ako nagdalawang isip na sampalin siya gamit ang tsinelas kong sout.

''Ouch! Bitch! Fuck you!''

Agad akong umatras. Hindi ko hahayaang makakaganti siya sa akin. Pero mahaba ang kamay niya, alam kong maabot niya ako kaya pumikit ko.

A-aray na sana ako nang may maramdaman akong kamay sa bewang ko.

''You don't even try to lay your filthy hands on her, Kira!''

Humahangos kaming lahat. Masama ang tingin ko sa babae habang nasa bewang ko pa rin ang kamay ni Ole. Napahinga pa ako nang malalim nang masiguradong hindi ako nagantihan nang babae.

''Fuck you, Ole! I'm gonna rip her neck!''

Malagkit na pawis ang tumulo sa noo ko. Pero paki ko ba! Walang hiya siya!

''Then try and you'll see what can I cab really do!''

''Ahhh!!!''

Humiyaw sa tindi nang inis ang babae. Gusto kong ngumisi. Hinintay ko pa siyang tumingin sa akin at di naman ako nagkamali nang magtama ang tingin namin ay benelatan ko siya buti nga sayo!

''Putang ina! Halika dito!''

She screams so good. Mabilis akong umalis sa kwarto at nakasunod sa akin si Ole.

''Ellaiza! -- Ellai!''

''What?!''

''I'm sorry.''

Nek nek mo. Mabilis akong humakbang paakyat pero bigla naman akong nahinto nang may maramdamang likido sa aking binti. Mainit at malagkit. Biglang akong nanginig and look back where Ole's standing.

''O-Ole? God! Please don't! Please!''

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Natatakot ako. Kinakabahan. Bakit ba ito nangyayari ulit? Naramdaman kong naka angat na ako. Lahat nang pangyayari ay tila wala akong marinig. Lakas nang tibok nang puso ko lang ang aking naririnig. Ramdam ko rin ang masasaganang luha sa aking pisngi. Nanlalamig ang boung pagkatao ko. Tagos sa boto ko ang panginginig nang aking kalamnan. I closed my eyes to calm my self and silently prayer for my baby's safety.

---

Malamig ang paligid. Nagmulat ako nang mata and there i found mom sleeping in the couch. Nakahiga din sa gilid ko ang aking asawa. He seems so tired. Galing siya sa gyera, naiintindihan ko yon. Gumalaw ako at napatingin sa aking tyan.

''Love, hey -- slowly, you need to rest. He's okay.''

Napatitig ako sa mata ni Ole. Puno iyon nang pag aalala at takot. Hinalikan niya ako at nilapit iya ang kaniyang mukha sa akin. Nakaramdam ako nang  awkwardness. Hindi ko alam pero hindi ko magawang magalit sa kaniya ngayon. Siguro, gustong gusto siya nang anak ko. Tumikhim ako at nag iwas nang tingin dito. Kampante na din naman ako dahil walang nangyari sa anak ko.

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon