6

14.6K 368 13
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko na katabi si Ole. Nang bumaba ako ay nakahanda na ang agahan. Nagtataka pa ako nang hindi ko siya matagpuan sa kusina. Sinilip ko ang kwarto ni Via pero wala din siya doon.

Tiningnan ko lang ang ham, egg at hotdog sa mesa. Hindi naman iyon sunog o hilaw. Tamang tama ang luto noon. Nilampasan ko ang pagkain at kumuha nang kamatis sa ref. Kinagat ko iyon nang mahugasan.

Nakapagtataka kasi alas sais na ay napakatahimik nang bahay. Dapat kasing ganitong oras ay may naririnig na akong kaluskos sa maliit na gym ni Ole.

Umalis na kaya siya? Nang maubos ko ang tatlong kamatis ay naglakad ako papuntang labas, baka kako nandoon lang siya at nag si- sit up pero wala. Nagkibit balikat ako, sana nga ay wala na siya.

Bumalik akong kusina at kumuha nang ice cubes sinubo ko iyon at ginawang candy sa bibig.

Nag iisip ako kung sino ang naghanda nang agahan. Ang yaya kaya ni Via? Si Ole? Oh yung Kira na yun? Umiling ako at umakyat sa kwarto nang bata. Marahan ko siyang ginising. Pungas pungas siyang bumangon. Tila wala na sa isip niya ang nangyari kagabi.

''I dreamed about dad. He's kissing me a good bye. ---'' nakunot ang noo ko pero nang makahuma ay agad naman akng ngumiti. Umalis na ang damuhong yun nang walang pasabi, pero okay lang. Buti naman, sana hindi na siya babalik. ''He said, I'll take care of you. When i asked why, he said because he loves you.''

Napakurap ako. Kumandong sa akin si Via at hiniga niya ang kaniyang ulo sa dibdib ko.

''Mommy, you love me right?''

''H-Huh? Of course! Syempre naman.''

Hinalikan ko siya sa ulo. Totoo naman kasi iyon, kahit papano ay malapit na siya sa puso ko.

''I love you too. Dad loves you too. You love me, do you love dad?''

''Via, you should take a bath. The breakfast is ready.''

I want to change the era. Ayoko sa topic nang bata, tama na ang mga pagsisinungaling ko sa kaniya. Umibis siya mula sa pagkandong ko saka ngumiti. She cupped my face and kiss my lips. Nagitla ako, weird din ang batang ito.

''Ako pa rin ang baby mo, mommy?''

Ngumiti ako at tumango. Tumakbo siya sa banyo. May kakaiba sa mag ama. I shooked my head, si Ole lang ang sira ulo.

Nang maihanda ko na ang damit nang bata ay bumaba ulit ako. Hinintay kong dumating ang yaya nang bata. Stay out kasi ito, pero hindi pa rin ito dumadating. Kaya nagbihis na ako at hinatid na siya sa school.

Nang magsimula na ang klase nito ay nag abang nalang ako sa may waiting area. Apat na oras lang naman ang klase nito. Pero nakita kong paparating si Kira.

Nakita ko agad siya dahil kakaiba ang pustura niya, matangkad at matikas. Naipilig ko ang aking ulo. Bakit siya nandito? Diba dapat sasabak sila ngayon? Ngumiti siya sa akin pero di ko iyon sinuklian. Nagbeso pa siya sa akin na ikinayamot ko.

''So, i will be picking Olivia. sa akin siya ibinilin ni Ole, bago siya sumabak.''

Slang ba o sadyang maarte lang?

''Okay na ako dito Kira. Ako na ang bahala sa anak ni Ole.''

Nagtaas siya nang kilay.

''Ellaiza, i am the girl best friend. You are just a wife, so if i were you, you will just stay in the corner were you belong.''

Napabuga ako nang hininga. Ang kapal talaga nang isang to!

''Best friend ka lang, asawa ako. Kaya ikaw ang dapat na marunong lumugar.''

Nakakainis. Bagay na bagay talaga sila ni Ole nang ugali! Ngumisi siya at nilapit ang mukha akin.

''As if, i don't know everything. Hindi ka niya mahal. Kasal lang kayo sa papel. Don't you feel it, Ellaiza?'' Ngumisi siya nang mas malawak.

Napipikon na ako, kasi kahit saang parte ko iyon tingnan, iyon naman talaga ang totoo. Hindi niya ako mahal. Kung ano man ang mga pinag usapan namin kagabi ay walang katotohanan iyon.

Nag walk out ako. Wala akong pakialam kung pagatawanan niya man ako. Mas maganda nga iyon, pag nandyan siya mapapadali ang paghihiwalay namin ni Ole, may kakampi pa ako sa plano .

Papasakay na sana ako sa kotse nang mamataan ko si Liam sa labas nang main gate nang school. Kasama niya ang kaniyang anak, bigla akong nalungkot.

Napakasaya ng mukha niya habang kausap ang bata. Nakamasid lang ako sa kanila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. I sigh. Kailangan ko nang mag move on.

Nang makarating ako nang bahay ay umakyat agad ako sa kwarto. Plano kong maglaba ngayon total naman ay wala na akong gagawin. Nag change ako nang kobre kama at kurtina.

Di pa rin mawala sa isip ko ang sinabi nang bata kanina.  Hindi si Ole ang klase nang taong magmamahal. Nanaginip lang ang bata.

Nilagay ko din sa basket ang pillow case. Pero agad naman akong natigilan nang may makitang maliit na note sa may gilid nang telepono.

Love,

The breakfast is ready. I'll be away for five days. I just wanna say I'm sorry for everything. Let's talk when I'm home. Please pray for me, safe.
I love you.

Ole

Sa di ko malamang dahilan ay tumulo ang luha ko. Biglang may uusbong nang kung anong emosyon sa dibdib ko. Nang mahagilap nang mata ko ang damit niyang sout kagabi ay kinuha ko iyon at inamoy. Lalo akong napaiyak.

Hindi naman ako iyakin talaga pero bakit ganito?

Sininghot singhot ko ang amoy niya doon. Napakawalang hiya niya talaga. Walang puso. Pwede naman niya akong gisingin eh. Kung sana ay nag usap pa kami kahit konti. Kung di sana ay naasikaso ko pa siya bago siya lalayas.

Bumaba ako at dumeretso sa kusina. Kumuha ulit ako nang ice cube at nginuya iyon. Ilang ulit ko pang ginawa iyon bago nahimasmasan.

''Bakit hindi niya ako tawagan? Alam naman niya ang number ko.''

Nakabulong lang ako sa hangin.

Di pa ako nagsisimulang maglaba ay nakaramdam na ako nang antok. May kakaiba sa akin ngayon.

Pa'no kaya kung...oh no.

No! Hindi pwede!

----

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now