14

12.9K 344 7
                                    

Ang lungkot ko.

Sobrang lungkot. Gusto ko pang maiyak sa laki ng disappointment ko. Nagising akong hindi na katabi si Ole. Nang bumalik ako kagabi sa kwarto ng tulog na Ole ang nadatnan ko. Ngayon naman ay nagising akong nag iisa na naman sa kama.

Wala sa sarili akong tumayo at sinilip si baby Kiko. Mahimbing itong tulog kaya bumalik ulit ako sa kwarto. Mabilis akong naligo at marahan kong kinuha si baby Kiko.

Luminga ako sa kusina o sa salas kung nandoon si Ole, pero wala. Nakaramdam ako ng tampo. Sino ba naman hindi, eh, halos gahasain ko na siya kagabi pero tinulugan ako at hindi ko na siya katabi pag gising ko.

Baka hindi niya nagustuhan ang ginawa ko kagabi? Inilagay ko muna sandali sa crib si Kiko ay sumilip sa kusina, labas at office. He's nowhere to be found. Nang bumalik ako sa kusina ay napagtanto kong may nakahanda na ang agahan.

Gusto kong umirap sa hangin. Alam ko na kapag ganito ang tagpo, umalis si Ole, nasa gyera na naman. Naiinis ako, ni hindi niya man lang nagawang magpaalam. Kumuha ako nang tubig sa ref, napansin kong my note doon.

Love,

Breakfast is ready. Let's talk when I'm home.
Take care.

Sumimangot ako. Ganito naman palagi eh. Ilang araw na ba naman siyang mawawala? Iniisip niya din ba ang baby namin? O ako? Pinigilan ko nalang ang umiyak. Gusto kong magalit sa kaniya pero bakit ganito? Di ko na kayang magalit sa kaniya. Mahal ko na talaga siya.

Binalikan ko si baby at kinarga. Sinimulan ko siyang painitin sa bakuran. Habang marahan kong hinahaplos ang likod nang baby ay nagpag isip ako.

Nasaan na naman kayang bansa si Ole ngayon? Ang akala ko kasi ay tumigil na siya sa serbisyo at nag focus nalang sa kompanya niya. Mayaman naman na siya pero bakit mas ginugusto niya makipag bakbakan sa gyera.

Napailing ako nang maalala yung bitch na babaeng naghatid sa kaniya dito. Papaano nalang kung may ganoong babae din sa trabaho niya?! I sigh. Wala din naman kasi akong karapatan. Kasama niya kaya si Kira? Pumasok agad sa isip ko si Via. Kapag ganoon ay walang kasama ang bata. Sana binalik niya nalang dito si Via. Hindi naman ako galit sa kaniya.

Siguro nagawa niya iyon dahil sa selos.

Ang sama kasi nang ama niya eh. Napaka tigas nang puso, talaga.

Nagitla ako nang may mag door bell. Gusto kong ngumiti. Sabi na eh, hindi siya umalis!

''Wait lang anak ha?''

Mabilis akong pumunta nagbukas nang pinto. Pero napalitan nang pagtataka nang makilala ang nasa labas.

''Doc Swerto?''

Napamaang ako. Bakit siya nandito? Paano niya nalamang dito kami nakatira.

Ngumiti siya nang makita niya ako.

''Goodmorning Misis Cazepien. Tatanungin ko lang kung kumusta na ang baby mo.''

Marahan akong tumango at pinagbuksan siya nang mallit naming gate.

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now