12

13.8K 351 19
                                    

Kabang kaba ako. Sobrang takot ako. Bakit nangyayari ito sa akin? Bakit ako pa, sa dinami dami nang tao sa mundo bakit ako pa? Bakit kailangan kong magdusa nang ganito?

Lahat kami ay nasa labas lang nang kwartong iyon. Iyak ako nang iyak habang umaasam nang pag asa. Naririnig ko ring umiiyak sa kabilang dulo si Olivia. Naalala ko pa noon ang sinabi niyang masusunog ang baby ko. Hindi ko naman alam bakit siya nagkakaganito.

Nang tingnan ko siya ay nakatingin lang din siya sa akin. Ayoko munang kausapin siya. Hindi naman ako galit sa kaniya, pero dahil sa ginawa niyang iyon sa anak ko ay di ko pa kayang kausapin siya.

Ilang oras na lumipas pero hindi pa rin lumalabas ang doctor. Si Ole ay di napapakaling lakad paroo't parito.

Niyakap ko ang aking sarili nang makaramdam ako nang lamig. Naaalala ko na naman ang itsura nang anak ko kanina. Ang sabi ni Ole ay naandoon pa naman daw ang pulso nang bata.

Ano ba ang laban niya sa malaking unan na yun? Maliit pa si Kiko. Ni hindi niya pa naiimulat ang kaniyang mata. Dios ko.

''D- daddy..''

Napatingin ako kay Via. Lumuluha siyang nakatingala sa lalaki. But the next scene really made me shock. Mariin nitong hinawakan ang mukha nang bata at pinandilatan nang mata.

''Don't you ever call me a daddy, Olivia! I. Am. Not. Your daddy! If ever what will happen to my baby, I'll swear to God -- ''

''Ole! Pwede ba! Stop talking nonsense to Olivia. Baby, uwi na tayo.''

Si Kira iyon. Masama ang tingin niya kay Ole. Hindi ko na sila tiningnan nang dumaan sila sa harapan ko. Di pa rin kasi matigil ang pag agos nang luha sa pingi ko.

Pero nag angat ako nang tingin nang biglang bumukas ang pinto kung saan ipinasok ang anak ko. Agad akong tumayo at lumapit sa doctor. Pati si Ole ay lumapit din.

''Mister, Misis --- the baby is now okay -- but he will stay here for his fast recovery since he was having a post traumatic stress disorder.''

Lihim akong nagpapasalamat sa dios na okay na ang anak ko. Naramdaman kong nakaakbay na sa akin si Ole. He slightly pressed my shoulder.

''Normal lang na nag ii- iyak ang baby sa ngayon. Parents should be by his side always. At asahan natin sa ngayon kung madalas siyang nagugulat. Nasa nursery muna siya.''

Tumango ako habang nasa dibdib ang aking kamay. Nang makaalis naman siya ay agad akong napayakap nang mahigpit kay Ole. Biglang nawala ang bigat nang nararamdaman ko ngayon. I heard him sigh kaya agad naman akong natigilan. Kumalas ako sa kaniya at humingi nang sorry.

''Hinding hindi kita mapapatawad kapag may nangyari sa anak ko.''

He just said and walked. Hindi ko alam ang isasagot. Ni hindi sumagi sa isip ko na sa akin niya ito isisi. Pero totoo nga naman, dapat ako ang sisihin kapag nagkaganoon. Ako ang ina.

Humugot ako nang hininga. Kailan ko ba mababago ang isang tulad niya? Paano ko ba itatanggi na kahit sinasaktan niya ako ay di ko na siya kayang kamuhian? Dahil habang tumatagal ay nahuhulog na ako sa isang tulad niya.

Inayos ko ang kwarto kung saan kami nakalagi. Nasa nursery pa rin kasi hanggang ngayon si baby Kiko. Palagi naman namin siyang pinupuntahan. Lalo na si Ole, siguro nga ay natatahmik ang iyak nang bata kapag nandyan siya. Minsan ay di na rin ito natutulog kasi palagi lang itong nakamasid sa anak namin.

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now