2

20.1K 400 3
                                    

Isang lingong nakaraan. Isang lingong matahimik na buhay. Isang lingong miss na miss ko na si Liam. Isang lingong walang balita kung ano na ang nangyari sa mga napag iwanan ko sa Maynila. Isang lingong hindi umuwi ang magaling kong asawa.

Minsan gusto ko na sanang umuwi nang Pinas eh, ang kaso kasama ko ngayon ang anak niya. Magaan naman ang loob ko sa bata kaso nga lang iba pa rin yung galing sakin yung anak na aalagaan ko. Hay, kung sana pinag bubuntis ko pa rin yung anak ko.

Mabilis kong natapos ang paghahanda nang lunch box ni Olive at nang makababa na siya ay hinalikan niya ako sa pisngi.

"Thanks, ma." Sabi niyang nakangiti at kumaway muna bago lumabas.

Napapangiti nalang din ako sa kaniya. Kulang kasi sa pagmamahal nang magulang yung bata eh.

Naglinis na din ako nang boung bahay nang may mga footsteps akong naririnig nang nasa kwarto na ako. Masamang tao! Yun agad ang pumasok sa isip ko. Mabilis kong kinuha ang baseball bat at pumwesto sa likod nang pinto.

Kinakabahan ako, napapapikit nalang ako at nananalangin na sana sa ulo ko matamaan yung masamang tao para patay agad.

Malapit na yung yabag, one, two, ----
Nakapikit akong pumalo sa pumasok. Malakas at mabilis.

"Shit! Aray! Aw! Stop!"

I was panting while looking at his face.

"Oh my god! I'm sorry! " agad kong binitiwan ang bat at naalarma sa hitsura niya. I'm frantic!

May dugong kumawala sa gilid nang mata niya at pati sa kaliwang bahagi nang kaniyang ulo.

"Help!" Sumigaw ako. Hindi ako mapakali. "Anong gagawin ko dyan?" Umalsa baba ang dibdib ko dahil sa kaba.

Marami nang dugo ang kaniyang polo na puti. Hindi ko na rin maaninag ang kaniyang mukha.

God! Anong gagawin ko?

Tumayo siya at dumeretso nang lakad sa banyo. Paglabas niya ay dala na niya ang medical kit. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagamot niya ang kaniyang sarili.

What have I done?

"Ano ba kasi ang iniisip mo?! Muntik mo na akong mapatay!"

"Eh, Hindi ko alam na ikaw yun eh! Isang ka kayang wala! Isa pa ni hindi ka man lang kumatok, para man lang nalaman kong ikaw pala yun!"

Naka pameywang siyang humarap sakin nang malinis na ang mukha niya.

"Kung sa gyera ay ni hindi ako nasusugatan, Shit! Sa sariling pamamahay ko pa!" Sigaw niya ulit at galit na lumabas.

Nagkibit balikat ako, atleast okay na siya. Nagpatuloy akong naglinis na at nilinis yung dugong kumalat. Pero totoo nga, sobrang kinabahan ako do'n. Pero parang wala lang sa kaniya?

"Ellai!!!"

Para akong sinaniban sa gulat. Nasa baba siya nang kwarto, Liam never shouted on me.

Dahan dahan ang ginawa kong hakbang. Sumilip pa ako sa kaniya mula sa taas. Naka pagbihis nang round neck shirt na puti. Manipis iyon at bakat ang muscles niya. Nakalabas pa yung kwintas niya. Dog tag ata ang tawag doon, umirap ako nang mamangha sa mighty body niya.

"Shit! Ellai!---"

"Bakit?"

Bumaba na ako nnang tuluyan at kitang kita ko ang busangot niyang mukha.

"There's no food! Ipagluto mo ako."

Biglang napaangat ang kilay ko. Ano ako dito? Utusan? Aba! Yaya pala ang kelangan nang isang 'to eh!

Tumingin siya sakin na parang hinihintay akong gumalaw. Gusto ko siyang sampalin talaga. Kapal neto!

Bumuga ako nang hangin.

"Uuwi na ako! Okay fine! Sabihin mo kay Liam lahat nang ginawa ko para mabuntis at ipaako sa kaniya ang bata! Kunin mo na lahat nang shares mo sa maliit namin negosyo! Maghiwalay na tayo!"

Inirapan ko siya at tumalikod na. Anong akala niya sakin? Walang hiya siya! Pero bigla rin akong napabalik nang hinablot niya ang braso ko.

"Aray!"

"You never walked out on me, bitch! I said, ipagluto mo ako!" Tinulak niya ako papunta sa kusina.

Hinding hindi ko inasahan na magagawa niya sa akin yun. Biglang tumulo ang luha ko sa lahat nang realisasyon sa buhay ko. Bakit bigla nalang akong sumama sa kaniya para magpakasal? Ang bobo ko!

Nanginginig ang kamay kong naghanda nang makakain niya. Natatakot na ako sa kaniya ngayon.

"At anong sinasabi mong maghiwalay? You don't know me Ellaiza. I can kill you. Subukan mong lumayas and you'll see." Tumalikod siya at umalis.

Nanlalambot ako, nanginig. Nakakatakot. Anong klaseng tao siya?

Hindi ko alam kung paano ko naluto yung fish fillet. Ang dami kong iniisip. Hindi ko nga alam kung ano ang lasa noon, basta ni - prito ko lang.

Nasa gilid lang ako , nakatingin sa kaniya habang kumakain. Ang hInhin niyang kumain, parang ang bait niya tignan. Parang siyang hindi marunong pumatay nang tao.

Napaigik ako nang tiningnan niya ako. Pero malambot na ang klase nang kaniyang tingin.

"I'll be staying for a week, how's Via?"

Yumuko pa din ako. A week? Ang tagal? Pwede namang hindi na siya umuwi!

"She's okay."

Napatingin ako sa orasan, nearly 2 pm. Hindi ko na nga napapansin ang oras dito  dahil boung maghapon ay malamig ang panahon.

Tumayo na siya at hinarap ako.

"Sumunod ka sa kwarto."

Ano daw??  Na estatwa ako at kinabahan.

------

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now