Eska

12K 221 13
                                    

Seeing my son like this is like I'm in hell.

Walang ama ang sasaya na nakikitang nagkakaganito ang anak.

''I saw it with my own eyes, dad! I saw it!"

He cried. He sob. Puno ng luha ang mukha. Halos hindi pa nga siya nagamot dahil sigaw na siya sigaw.

''Son.. '' yun lang naman ang kaya kong sabihin sa ngayon.

''Oh my - bakit nangyayari ito!?''

Cielo is dead with my grandson on her womb, right infront of my son.

Ang sabi ni Kiko ay papalabas na sana siya sa isang tinadahan ng Babies Supplies, habang si Cielo ay nasa loob lng sa kotse. Nakita niya pa daw na nakangiti sa kaniya si Cielo but then isang malaking truck ang bumangga sa kotse niya.

Ni hindi ko kayang isipin yun.

Nasa hospital pa rin kami at kanina pa namin nalaman na wala na ang mag ina niya pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin kami na buhay siya. She's a good mother, kasama namin siya sa bahay habang inaalagaan ni Kiko.

''Anak.. '' it was my wife at nasa dibdib niya ang aking anak, kapwa sila umiiyak.

Ano ba ang dapat kong gawin? Gusto kong pawiin ang sakit na nararamdaman ng anak ko. Nakayanan ko naman ang lahat ng mga pasakit sa buhay ko mula noon, but seeing him this way... It is more than that.

-__---

Months and years goes by, naging malamig na si Kiko. Hindi ko siya napigil na pumasok sa military. Ni hindi niya kami kinokontak kapag nasa bakbakan siya.

Lalo kong nakikita ang sarili ko sa kaniya noon, -so me. Nakakalungkot. Nakakapanibugho. Wala naman akong gustong sisihin dahil walang may gustong mangyari iyon sa kaniya.

Siguro ito ang karma ko. Karma sa nga pinag gagawa ko kay Ellaiza noon. Ito ang karma na hindi ko napaghandaan. At wala nang mas sasakit pa sa katotohanang ang panganay ko ang napagbuntungan ng karmang ito.

I sigh.

''Ole, uuwi daw si Kiko! My gosh! Si Eska na daw ang susundo! Magluluto ako ng sinigang!''

Nagitla ako isang umaga sa balitang 'yon ng asawa ko. Nagtaka ako, hindi pa naman panahon para sa bakasyon ni Kiko. Pero agad iyong napawi at napalitan ng ngiti.

Europe. Gusto kong magbakasyon kami. Gusto kong makasama ng matagal tagal ang nga bata, kasama si Ellai.

Nang may humintong sasakyan sa labas at parehas kaming napatayo ni Ellai. Kitang kita ko ang galak sa mukha ng asawa ko, kahit ako ay masaya rin naman.

Yakap ni Eska ang kapatid niya sa bewang, may luha sa mukha. Si Kiko naman ay may ngiti habang nakaakbay sa bunso namin.

''Welcome back, anak! Dios ko! Ang itim mo na! Bah, malaki na rin anv braso mo ah! Manang mana sa Ole ko!''

Humalakhak si Kiko, genuine.

''Mom, I've missed you.''

Nagyakapan ang dalawa.

''Dad.. ''

Sa akin naman yumakap ang panganay ko, agad namang nangilid ang luha ko.

Sana ay mabilis akong nagpatawad noon, edi sana'y mas hindi ako naging baliw at naging makasarili.

''I've missed you, son.''

''I'm sorry, dad.''

------

''Kiko! We're late!''

I was looking at Kiko's room at hinihintay siyang makababa na.

Sabay kaming papasok ngayon sa kompanya at I am so grateful kasi iiwan niya na ang pagiging sundalo.

Si Ellai naman ay bihis na kahit si bunso. Lahat kami ay nakaabang na sa kaniya.....

...pero lahat naman kami ay nadismaya nang lumabas si Kiko sa kwarto niya.

He's wearing a pair of white shoes with black pants, naka coat naman siya pero puting v-neck shirt ang panloob niya. Newly shaved facial hair at naka gel ang buhok papunta sa likod.

Ellai gasps, Eska groaned.

''Kuya! Walang audition ng Kpop doon! God!''

Hindi niya isinout ang kagabi pang inihandang damit ng mommy niya.

''That's fine. Hurry, nandoon na lahat ng board.''

I said with a smile, sumimangot si Ellai sa akin.

''Mom, gwapo naman ako di ba?''

Sabi ni Kiko habang pababa na. Hindi sumagot si Ellai sa halip ay nagpatiuna na itong lumabas. I laughed, it's fine, at least hindi na gyera ang pupuntahan niya ngayon.

--------

''Mom! Si kuya, naririnig kong may kausap sa phone! I know 'twas a girl!''

Napangiti ako sa sinabing iyon ni Eska. Walong taon na rin mula ng mangyari ang insidenting iyon. Pitong taon din siyang naging malamig at ngayong tao lang ay bumalik na ang dating siya.

''Talaga? Hwag ka nang magselos, malaki na ang kuya mo.''

She pout and sigh.

''Hindi naman sa ganun, mom pero syempre -''

''Francheska, cheer up, kotang kota na ang kuya mo sa nakaraan. Anyway, tumawag ang tito Mon mo, isauli mo na yung boyfriend ni Dell. Iyak ng iyak ang pinsan mo! Gosh! Alam mo namang may sakit sa isip yun, mana sa tatay!''

Eska laughed, kaya napangiti ako. Maganda kasi si Eska kaya madalas napagbintangang nang aagaw ng lalaki.

''Mom! Ang boyfriend niya ang habol ng habol sa akin noh! Gusto ko kapag nagka boyfriend ako, yung katulad ni dad!''

''Hwag ang katulad ko, bunso.''

Sumalubong ng halik sa akin si Ole, kararating niya pa lang galing sa trabaho.

''Daddy naman, idol kaya kita! Actually, I just have my application form from Military training -''

"What?!"

Sabay naming pasigaw na tanong ng asawa ko.

"You won't do that, Francheska. -"

I heard her snort.

''Trust me, dad."

"Anak, hindi nga kasi pwede. Mahirap doon -"

"I know. Please, ngayon lang ako hihiling -"

"No." Ole walked out.

Nakita ko agad ang paglungkot ng mukha ni Eska.

"Mom, I really wanna go in military -"

"Hindi nga pwede. Hwag matigas ang ulo anak. Please, iba nalang -"

"I'd tried to suit my self in the company pero alam kong hindi ako para doon, mom. Susubukan ko lang naman. Kapag hindi ko kaya ay lalabas naman ako -"

Minsan ay gusto ko siyang intindihin, pero hindi, ayoko. Atokong maranasa  niya ang hirap sa pagiging militar. Babbae siya at siya ang prinsesa ng buhay namin.

Hindi pwedeng mangyari ang gusto ni Eska. At hanggang kaya ko ay pipigilan ko siya.

"Hindi pwede, Eska."

-----

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now