4

15.6K 351 11
                                    

''Where have you been?!!''

His voice boomed inside the house. Sa sobrang takot ko ay napaatras ako. Nangilid agad ang luha ko. Sa ilang araw mula nang makabalik kami nang Pilipinas ay ngayon ko lang siya nakitang galit na galit.

''H-ha? S-sa bahay nina mom and dad.''

Nanginginig ang boung kalamnan ko. Pati ang pagsasalita ko ay apektado na din sa sobrang takot.

''Liar!!''

Inilang hakbang niya ang pagitan namin and he grab my neck. Napaigik ako. Dios ko!

''You cannot lie to me, Ellaiza!''

''N-Nasasaktan ako.''

Umimpit ako. Pinipigilan ko ang ginagawa niyang pagsakal sa akin. He's really a beast! He's a monster! He grinned at my face.

''Then tell me, sino ang kasama mo?''

Tumulo ang luha ko sa pisngi. I never wished to live like this in my whole life!  

Di ako sumagot. Papaano ba ako sasagot kung hawak niya ang leeg ko? Sobra naman yata ang parusang bumalik sa akin?

Binalya niya ako sa sofa. Nauntog pa ako sa bandang matigas, masakit iyon. Di maawat ang pag iyak ko. Di lang kasi ako nasasaktan physically but mentally. Sana pala pumayag nalang ako noong kunin niya ang kompanya namin.

''I know you're with that guy again! Do you want me to put a bullet on his head?''

Agad akong nag angat nang mukha sa kaniya. Paluhod akong  naglakad at humarap sa kaniya.

''Please! Please, Ole. Tinapos ko lang naman yung sa amin. Hwag mo na silang pakialaman. Huwag na natin silang pakialaman. Please.'' I beg and almost hugged his knees.

Mula nang magsama kami ay ngayon ko lang siyang nakitang galit na galit. Kilala ko siya. He's the type of guy na arogante, pikon, ma-pride at walang puso. Pero bakit niya ba ako ginaganito?

Sana kapag sasabak ulit siya sa gyera ay mamatay na siya. Dapat mamatay na siya!

---

Iyak pa rin ako nang iyak habang naglilinis sa sarili. Ni hindi ko na sinilip ang kwarto ni Via.

Kasalanan ko din naman kasi ito. Naging makasarili ako. Ginusto kong maging akin lang si Liam.  Nagpabuntis ako at pina ako sa kaniya ang bata. Bakit ba, nagmahal lang naman ako ah?

Nang matapos akong magbihis ay lumabas ako nang kwarto nang masiguradong tulog na ang walang pusong tao.

Kumuha ako ng isang bote ng wine at umupo sa verandas. Napatingin ako sa mga bituin sa labas. Nangingilid ulit ang luha ko sa mata.

Tapos na talaga ang lahat sa amin ni Liam. Parang kailan lang noong sabay pa kaming mangarap. Parang kailan lang nang nakaplano na lahat nang mga bagay bagay sa buhay namin. Sana ikakasal na kami.

Lumagok ako ng isang baso nang red wine at suminghap. Ang daming bagay ang gusto kong pagsisihan. Gusto kong balikan at baguhin. Pero wala na, wala ng dahilan iyon ngayon dahil wala na rin naman kami ni Liam.

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Donde viven las historias. Descúbrelo ahora