11

13.9K 330 17
                                    

Mahal na mahal ni Ole ang bata. Ilang araw na mula nang makalabas kami nang ospital. At hanggang ngayon ay di niya pa rin ako kinakausap. Kung magtatagpo man ang tingin namin ay naniningkit lang ito.

Gustong gusto ko nang tumakas at isama ang anak ko pero sa hindi ko malamang dahilan ay napagdesisyonan kong manatili. Alam kong kailangan niya ako. Naalala ko pa noong mga panahong nagtyaga din ako kay Liam. Nanatili ako sa tabi niya dahil kailangan nya ang isang tulad ko.

Alam kong may pag asa pang magbago siya. Handa akong magtiis dahil siya ang ama nang anak ko.

Nakamasid lang ako sa kaniya habang pinapainitan ang bata. He was hummed a lullaby while carrying my son. Minsan ay gusto kong mapangiti. Bagay na bagay sa isang malaking taong tulad niya ang nagkakarga nang sangol.

But I've shook my head, dapat nga ay namumuhi ako sa kaniya. Dapat nga ay kinasusuklaman ko siya. Pero hindi ko rin alam kung bakit ganito. Lumalambot ang puso ko tuwing nakikita ko siyang kinakausap ang bata kahit nagmumukha na siyang tanga.

Halos hindi ko na nga rin mahawakan ang anak ko dahil hands on si Ole dito. Ang gwapo nang baby ko, bakit sa ama niya pa nakuha ang mata, ilong at labi. Sana ay hindi nakuha sa ama ang magiging ugali nang anak ko. Baka maaga akong mamamatay pagnagkaganoon.

Iniwas ko ang aking tingin nang humarap na si Ole para pumasok. Mataas na din kasi ang sikat nang araw. Di niya ako tiningnan pero inabot niya naman sa akin ang baby. Papaliguan ko na kasi ito.

''Love, kumain ka na.''

Pero nilampasan niya lang ako. Oo, Love ang tawag ko sa kaniya. Gusto ko kasing patunayang gusto ko na talaga nang simula. Pero wala, napakalamig niya pa rin.

''Hello, anak. Masungit ba ang daddy mo? Ganoon talaga yun, pero mahal ka niya.''

Ngumiti ako sa hangin at dinala na siya sa taas.

Sabado ngayon at paniguradong papasyal dito sina Via kasama si Kira the bitch. Di ko talaga maiwasang mapa ikot ang mata kapag naalala ang babaeng yun. Kahit irapan ko siya ay di  naman siya tinatablan.

Nasa poder na ni Kira si Via. Isang gabi ring naglagi sa labas si Ole at naglasing noong malaman niyang hindi pala siya ang totoong ama ni Olivia. At dahil kapatid naman ni Kira ang mommy ni Via ay doon na ito naglalagi. Pero dumadalaw naman ito kapag ganitong sabado.

Ito ang unang pagkakataong makikita nila ang baby ko. Sabi ni Olivia ay excited na daw siyang makita ang baby. Masaya naman ako kasi hanggang ngayon ay mommy pa rin ang tawag nito sa akin.

At ito namang si Kira the bitch ay palagi naman ang kapit sa bisig ni Ole. Nagsasama pa rin naman sila kapag may utos sa kanila galing sa office of the American President.

Siguro nga ay sanay na rin si Ole na ginaganyan kaya parang wala lang sa kaniya kahit nasaharap ko. Mga wala ngang respeto,eh.

Nang makababa na kami ni baby ay nadatnan kong pinapilitan ang pinto. Iyon yong pinagsusuntok ni Ole. May mga taong nag aayos noon. Ang oa din kasi, hindi ko alam kung nagseselos ba siya o ano. Hindi ko kasi mabasa ang mga nararamdaman niya. Hindi ko din naman nararamdamang may gusto siya sa akin.

Nang ilagay ko sa baby crib si Francisco o baby Kiko ay akma akong aakyat ulit sa hagdan nang marahas akong hawakan ni Ole sa braso.

''Aray!''

''Look at yourself. You didn't even wear braa, may ibang tao dito tapos ang ikli ikli nang shorts mo. Who are you flirting with?!''

Marahas niyang tanong. Napatingin ako sa dalawang taong nasa may pinto. Gusto kong ngumisi sa kaniya, eh kung sabihin mo na nga kasing nagseselos ka lang. Shorts nga eh, kaya maikli! Hinablot ko ang aking braso at ngumiti nang malambing dito. Landiin ko din kaya?

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon