13

13.8K 343 12
                                    

Kinaumagahan ay biglaan ang labas namin sa hospital. Hindi ako kinakausap ni Ole. Wala namang bago. Kahit ang dami kong tanong sa kaniya ay di ko magawa dahil hindi naman din niya ako binibigyan nang atensyon.

Nawawala na din ang atensyon niya sa anak ko na kung dati rati naman ay hindi siya maihiwalay sa bata. Nanatili akong tahimik kahit gustong gusto ko na siyang suyuin. Kahit gusto ko ulit maramdaman ang halik niya. Pwede na kaya? Mahigit dalawang buwan naman na mula ng isilang ko si baby Kiko.

Gusto kong mapangiti sa sarili. Namamanyak na naman ako. Ilang araw na kasi akong ganito, nagpipigil lang.

Palaging nagkukulong si Ole sa Office niya. Naiintidihan ko siya ngayon. Palagay ko ay alam ko na ang mga dahilan kung bakit siya ka lamig at mainitin ang ulo. May ninlilihim siyag problema.

Ang rebelesasyong nalaman ko kahapon ang sagot sa mga matatagal ko nang tanong. Alam kong magbabago  pa siya.

Nang araw ding iyon ay nagpasiya akong pumunta sa Ob- gyne ko. Dala ko si Kiko na may follow up check up din. Di ko na inistorbo pa si Ole. Baka pagbuntungan pa kami nang lalaki.

Ang sabi nang doctor ay pwede naman na daw kaming mag kontact nang asawa ko. Gusto ko pa ngang mapangiwi nang magtanong ako. Awkward kasi, ako yung babae tapos ako pa talaga yung nagtatanong. Natural lang daw na may ganitong nararamdaman ako, lalo na't nagde-dede sa akin si Kiko.

Nang makauwi naman kami ni baby Kiko ay noon naman lumabas nang office si Ole. Di niya ako tiningnan sa halip ay kinuha niya sa akin ang baby. Kahit kaylan talaga, ang sama nang ugali nang isang ito.

Nang humapon naman ay umalis si Ole. Hindi niya naman sinabi kung saan ang punta niya. Sana nga lang dalawin niya talaga ang kaniyang ina.

Nag aalala naman ako nang mag alas nwebe na nang gabi ay wala pa siya. Baka kako nag- iinom na naman sa labas at mapa away. Mainitin ang ulo ni Ole, kapag napipikon sya tiyak may masusuntok niya iyon.

Alas dyes nang may narinig akong sasakyan sa baba. Napangiti ako. Sinilip ko muna ang sarili sa salamin. Sumilay ulit ang ngiti ko sa labi. Sout ko kasi yung itim kong lacey nighties. Balak ko kasing paamuhin ngayon ang asawa ko. Matagal tagal na rin kasi kaming hindi nagtatabi. Naalala ko pa noong huli kami nagsiping, hindi iyon labag sa puso ko.

Mabilis akong lumabas nang kwarto nang marinig ko bumukas ang pinto. Pero napalis agad ang ngiti ko nang makita ang asawa kong ngiting ngiti habang binubulungan nang kung ano ang isang babae. Hindi ko iyon kilala pero alam kong isa itong bitch sa tabi tabi. Lasing si Ole kaya ngiting ngiti siya.

Gusto kong sitahin yung babae na kung makahawak sa dibdib nang aking asawa ang mukhang linta. Na kung makangiti ay mukhang sanay na sanay itong mang akit nang lalaki. Sexy naman ito kaso halatang mas may edad eto kesa sa asawa ko.

Humagikhik si Ole na wari'y walang ako na nakatingin sa kanila.

Bumaba ako nang hagdan at sinalubong silang dalawa. Inagaw ko sa kaniya ang lasing na lalaki. Pinagtaasan naman ako nang kilay noong babae.

''Salamat sa paghatid mo sa asawa ko. You can go.''

''What?! Ang sabi niya ay tabi kaming matutulog!'' Nakasigaw nitong sabi.

Naging isang linya ang labi ko. Nakakainis, ang kapal ng mukha.

''Hoy! Who ever you are! Nasa pamamahay kita! Gusto mo bang ipadampot kita sa gwardya? --- kapal kapal neto.''

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now