24

12.5K 306 10
                                    

Boung linggo akong nag abang. Hindi pa rin siya gumigising. Awang awa na ako kay Ole dahil pumapayat na ito. May tama nang bala sa likod ni Ole at dumaplis ito sa spinal cord niya. Ang sabi nang doctor ay maari niya daw itong ikalumpo o pwede din daw'ng mapektohan ang lakas niya pag nagkataon.

Nagsisisi ako. Kung sana ay hindi na ako lumabas nang gabing iyon. Kung sana ay hindi ko na hinayaang magtagal pa kami doon. It is my fault. Nang dahil sa akin ay nananatili siyang tulog hanggang ngayon.

''Ellaiza, you need too sleep. Kailangan mo ring magpagaling  anak.''

Mom iyon ni Ole na katulad ko ay nag aabang kung kailan siya gigising.

''I'm okay, tita.''

She nod.

Kaya ko namang magtiis. Kahit ano pa ang mangyayari ay hinding hindi ko siya pababayaan. Ngayon pa ba? Ang sabi niya ay mahal niya ako. Ramdam na ramdam ko yung gabing yun. Nagsasabi siya nang totoo. Ang masakit nga lang ay bakit umabot sa ganito?

Hinawakan ko ang kamay niya at pinunasan. I never failed a single minute talking to him. Kahit wala siyang malay, ang sabi kasi nang doctor ay kailangan niya din daw iyon.

Binilin ko na muna si baby Francisco kina mom and dad. Bawal sa ICU ang bata. Okay naman daw ito sa kanila. Hindi naman maawat ang luha ko kapag napapatitig ako sa mukha nang asawa ko. Bakit ba kasi umabot pa sa ganito, Ole?

Ang daming nagbago. Kung dati ay umiikot lang ang mundo ko sa relasyon namin ni Liam, ngayon ay kay Ole naman at sa anak ko. Mahal na mahal ko ang taong kahit minsan ay hindi nagpadama sa akin nang pagmamahal. Mas natutunan ko ang kung paano ang magtiis at magmahal nang mas malalim.

Sising sisi ako kung paano ko siya isumpa noon. Nagsisi ako kung bakit umabot sa punto na hiniling kong mamatay na siya.

Dios ko. Patawarin mo ako.

Nagitla ako nang biglang pumasok sa loob nang kwarto si Kira. Kakaalis lang no'n ni tita. Nagulat pa ako nang hablutin niya ako sa balikat. Nanlilisik ang mata at galit na galit.

''Anong ginawa mo sa kaniya?!''

May diin at pangigil ang bawat salita niya sa akin. Ilang araw na ba? Eksaktong siyam na araw na mula nang mangyari ang trahedyang sinapit namin nang asawa ko pero ngayon lang siya nagpakita.

I shook my shoulder at pinantayan ang galit niya. Gusto ko nga sanang isipin na siya ang may pakana nang lahat nang ito.

''Ikaw? Anong ginagawa mo dito?''

Napaigik ako nang idiin niya ang kaniyang mga daliri sa balat ko. Malakas si Kira, mas malaki siya sa akin kaya nagagawa niyang sakopin ang boung braso ko nang kaniyang kamay.

''Don't you dare me, Ellaiza. You don't know me. Hwag kang umastang matapang dahil kayang kaya kitang patayin.''

''Bakit Kira? Ilang tao na ba ang napatay mong walang kalaban laban? --- Nasaan ka ba nang may nangyari sa best friend mo? You're nowhere to be found, kaya hwag kang umastang parang alam mo ang lahat ---''

Isang malutong na sampal ang inabot ko sa isang palad nang babae. Ramdam ko ang pamamanhid nang mukha ko. Agad namang tumulo ang aking luha.

Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Hindi ko alam kung hanggang kelan niya ako titigilan. Bakit sa twing nasa paligid siya ay palagi nalang akong nasasaktan.

Sarado ang bawat sulok nang kwarto. Salamin na makapal at nakababa ang kurtina sa loob. Hindi kami rinig at kita kung may mga nakabantay man na doctor o nurse sa labas.

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Where stories live. Discover now