9

14K 326 13
                                    

Pahirapan.

Patigasan.

Hindi ko masabing may nagbabago na kay Ole. May mga time na stress sa siya kompanya niya at kapag ganoon ay di na niya na ako pinapansin boung magdamag at nakakalimutan niya na ako.

Lalo na kapag nalaman niyang may kasamahan siyang namamatay sa gyera.

High temper din ang lalaki. Sumpungin at kapag di ko din siya pansinin ay ganun din siya. Parang siya itong buntis sa amin.

Katulad ngayon nasa iisang higaan lang kami. Alam kong gising pa siya dahil panay ay buntong hininga niya. Buti nalang tapos na yung paglilihi ko kundi nasa kili kili niya pa ang pagmumukha ko.

Bumangon ako at dumretso sa baba. Uminom ako nang tubig.

''Ano na naman kaya ang problema nang isang yun? Ang hirap sa kaniya ay hindi niya sinasabi sa akin!''

Naiinis ako. Wala na nga akong nakakausap dito kapag wala si mama tapos ngayon ay di rin niya ako kinakausap.

Ang ginawa ko ay sa sofa ako natulog. Malaki naman yung sofa kaya kahit anong galaw ko ay hindi ako mahuhulog. Presko din kaya okay na kesa may katabi kang nagtutulog-tulugan.

''What do you think you're doing, Ellaiza?!''

''Ay! Kalabaw!!''

Agad akong napatayo nang makita ko si Ole na nakatayo sa gitna ng salas. Nasa bewang niya ang kaniyang kamay. Boxers lang ang sout niya, nakabalandra tuloy ang namumuong abs nito. Inukit nga yata ito ng napakagaling na artist.

''Ano ba! Nanggugulat ka ah!''

Inirapan ko siya. Naiinis ako, matutulog na sana ako eh!

''Why are you sleeping in there!?''

Wala akong mahagilap na sagot. Umupo lang ako doon at nasa carpet lang ang tingin ko. Nagtatampo nga kasi ako pero wala naman akong karapatan kasi naanakan niya lang ako.

''Kasi mainit sa taas. Malaki na ang tyan ko, pakiramdam ko ay hindi na tayo magkasya doon. Mas komportable ako dito, Ole.''

''Then let me sleep here. You go upstairs.''

Umupo siya sa tabi ko na ikinagulat ko. Woah! Gentleman?

''Mainit nga kasi doon.''

''Full naman yung ac ah? --- mainit? O nag iinarte ka na naman?''

Kumulo ang dugo ko. Mabilis akong tumayo at pinandilatan siya ng mata.

''Ole, hindi ako nag iinarte --''

''You're acting like one. What do you want me to feel, kung dito ka matutulog and you're pregnant?''

He's serious. Walang ngiti. Walang bahid nang emosyon sa mukha. Ilang araw na ba mula nang magkaganito siya? Siya pa itong mukhang nagbubuntis sa taray. Inis ko siyang inirapan saka umakyat sa taas.

Sinilip ko siya bago ako umakyat. Malaki si ole, mukha siyang higante sa maliit na higaan. Umirap ulit ako. Bahala siya sa buhay niya.

----

I was just thinking all day. I didn't know what i really feel. Nalilito ako. All my life, I never feel this. Even Olivia's mom. I live like this. I grow up in this world like this.

But Ellaiza is different. I have hated her for chasing a coward. I hated her for losing my child. I have hurt her because I just really hate her.

But since the day we've been together, is life. Hindi ko naman alam kung bakit ako nagkakaganito, pero alam kong may nagbago sa akin. Sinasaktan ko siya. I even, convinced myself just to get even with her.

Pakiramdam ko ay napakatapang niya. Akala ko kapag sasaktan ko siya ay mawawala na ang kakaibang tibok sa puso ko. Akala ko kapag aalis ako ay makakalimutan ko ang bawat bahagi nang katawan niya. Ang boung akala ko na kapag nakikita ko siyang nahihirapan ay maiibsan ang sama nang loob ko sa kaniya sa ginawa niyang pang gagamit sa akin.

But I am wrong.

Puro mali ang lahat ng akala ko. Ako ang tipo ng taong hindi naniniwala sa pag- ibig. Kung may tao man akong minahal ay walang iba kundi ang anak ko lang, kahit hindi naman talaga. Love can make people weak. It'll make you a loser. Kahit sarili ko nga ay di ko magawang mahalin ang iba pa kaya? Well, maliban kay Via. Bago ko lang napag alamang hindi ko anak ang bata. I did the DNA and it's negative.

Nagawa kong makapatay ng ilang kalaban iyon sa Syria nang malaman ko ang katotohanang iyon. Via's mom framed me up. Pero wala eh, minahal ko na ang bata.

Akala ko ay di ko na mararamdaman ang ganoong pakiramdam.

Not until Ellaiza talk to. Lalong bumulis ang tibok nang puso ko no'n. Wala sa plano ko ang pumayag sa kaniya pero hindi ko alam ang nangyari sa akin nang gabing iyon. She wanted a new start so,I did.

Ako si Ole Cazepien. Ayokong may umaapak sa pagkatao ko. Ayokong pinagsisinungalingan ako. Ako yung taong nawawala sa sarili kapag nasasaktan. I really hate the feeling. Ayoko nang maulit at ulit- ulitin pa yung sakit na dumaan sa buhay ko bago iwanan nang nga magulang.

Seloso ako, ang akin ay akin. At kapag nalalaman kong may umaaligid sa taong akin ay nagiging baliw ako at kaya kong pumatay dahil doon.

Kaya ako umiiwas ngayon dahil alam kong mali sa akin. Ayokong dumating ang araw na ako mismo ang papatay sa taong yun. Ayokong ako mismo ang dahilan para mawala siya sa akin.

Kaya't hanggang kaya ko pa ay iiwas na ako. Ayokong maging baliw lalo na kapag hulog na hulog na ako.

Dahil alam kong masasaktan lang ako. At kapag nangyari iyon ay parehas ko pa silang patayin.

I don't wanna lose her.

Kahit alam kong kahit kailan ay hindi siya magiging akin. But i wanna get even. I am selfish and heartless.

Isa lang ang plano ko kapag naipanganak niya na ang anak ko.

Isa lang.
----

Falling Inlove With a Heartless Soldier / Completed Donde viven las historias. Descúbrelo ahora