Chapter 9: A Mysterious Letter

109 15 0
                                    


"ANO?! May nagsend sayo ng challenge letter na supposed to be dapat nabasa mo yun three years ago?! Tapos, isang tikbalang pa ang nag-send?!"

"Ang ingay mo, Mikie!" nakasakay kami sa isang UV Express papuntang Damonca. Ikwinento ko sa kanya about sa letter na nahanap ko sa bahay habang nag-lilinis. Sa sobrang bungangera niya, andami nang mga estudyante na kasabay namin na nagtitinginan kay Mikie.

"Oops. Sarreh. May balak ka na bisitahin yung love-of-your-life mo?"

"Excited na nga ako bes, eh."

"Good luck ulit!"

Disisit! Eto na ang tamang araw. I'm going to face him again. Since maglalaban lahat ng private schools sa probinsya, sure ako walang pasok ang lahat ng schools and I have big confidence that nasa bahay lang siya.

Medyo matagal pa ang biyahe. Mag-balik tanaw muna ako. I might remember who is "Tikbalang". Back yung sa scene na.... alam niyo na.

<Meitan School Gym, 3 years ago>

Yung scene na mag-kayakap kami ni Kian. And then, bigla nalang ako umalis. Hindi ko na kasi keri kung ano na ang ginagawa ko.

"Oh, syete! Sorry, Kuya."

"No, it's okay."

What ever I do, ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko ba alam yung dahil pagod ako sa ka-papractice ng badminton or dahil nayakap ko si Kian.

"Umm. Bukas ulit guys. Tinatawag na ako ng mga classmate ko."

"Sige, Kuya Kian."

Then he leaves, pero parang ang strange. Sinabi niya na tinatawag na siya ng classmates niya eh imbes sa classroom siya dumiretso, pumunta siya sa CR. Baka masi-CR lang talaga yun. Ewan ko pero bakit may nafe-feel akong bad aura na parang there is something wrong kay Kian.

"ELNOR! Mauna na kami sa classroom!"

"H-Hoy, Allen! Angie! Hintayin niyo ako."

<Caspor Residence, 3 years ago>

At last makaka-uwi na rin. Wala nang pasok bukas dahil Saturday tomorrow. After school, nag-text si Mama. May importante daw siyang sasabihin. Nag-open ako ng Skype para mag-video call ko sila. I missed my parents. Iba pa rin ang feeling pag parents mo ang kausap mo.

"Anak, kumusta naman ang buong araw mo?"

"Ayos lang po, Ma. Masaya naman sa Meitan. Happy-happy. Nasaan po pala si Papa?"

"Haaay, nako! Yung Papa mo, overtime siya sa trabaho! Andaming papers ang kailangan niya tapusin."

"Well, ma. I'm playing a sport in school. It's badminton."

"Wow, anak. At last nakakapag-laro ka na rin ng isang sport"

"Oo nga po, Ma. Thanks to him, natuto po ako."

"Him? Sino yung tinutukoy mo? Don't tell me, my kras ka na."

"Ah..eh." Kailangan ko talagang sabihin kay Mama? Baka magalit siya...

"Anak, I know that look. Hindi ako magagalit. Sa age mong yan, dapat may kras ka na. because kung wala ka pa, it means abnormal yung brain mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. Seriously? Abno agad? "Weh?"

"I believe me, anak. I'm sure you have."

Haay. Lord, yung mga classmates ko, hindi sila naglalakas loob na sabihin sa kanilang magulang yung mga crush nila. Buti naman may mother na understanding, I better say this...

"Well, his name is.... Kian John Dela Rosa."

When I spoke the name, Nanlaki ang mga mata ni Mama. "Ma, bakit po?"

"Dela Rosa?! My goodness! Nagkita kayooo? Taga-Damonca ba yun?"

"Yes, he is from Damonca. Ba't niyo pala natanong—"

"I knew it." I don't understand. Yung reaction ni Mama parang may nahulog na milagro sa kanya. She's happy dahil nagkita kami ni Kian? Kilala ba siya ni Mama? Don't tell me, mag-kaanak kami! Ikamamatay na yun ng puso ko ah. Teka, bakit ko yun sinasabi? Don't think negative thoughts!

"Nag-iisang anak siya ni Kumareng Jolina. Partners yung papa niya at yung papa mo sa business! No doubt dahil magagaling ang pamilyang Dela Rosa sa badminton. I can't believe na magkikita kayo ni Kian and you guys are studying in the same school."

"So, kaano-ano ko po si Kian, Ma?" bigla nalang nilabas ni Mama yung isa niyang iPhone. Para bang excited siya.

"Wait lang anak, ha. Tatawagan ko lang yung papa mo. Pwede palang humingi ng favor, debale wala kang pasok bukas. Pumunta ka sa palengke bukas. Bumili ka ng green apples, mga isang kilo. Tapos bumili ka ng mamon sa Goldilocks. Puntahan mo ang Dela Rosa Residence sa Damonca. Color green yung gate nila. Nasa mismong bayan yung address. Dalin mo yung mga binili mo at ibigay mo sa kanila. Sasabihin ko nalang kay kumareng Jolina na pupunta ka. Sige, anak. Bye, bye. Labyu." PRIK!

"Not so fast! Teka, teka, teka, teka, Ma! You didn't answer my question yet!" I said that but it's too late. Never mind. Medyo suspicious na ang galaw ni Mama today. I better sleep na. Pupunta pa ako ng palengke at luluwas pa ako papuntang Damonca.

<On The Next Day, Derona>

I am determined to finish my task. Pumunta ako sa Derona public market para bumuli ng green apples. Ano kaya ang lasa ng green na apple? diba hilaw pa yun? Siguro mahilig yung pamilya sa mga mamon at mansanas. Bili dito, bili doon. Pa-zigzag zigzag.

Jusme! Di ko inaasahan na andami kong bibitbitin. Done with the apples, and nakabili na rin ng heart-shaped mamon sa Goldilocks. Andaming tao na nakatingin sa akin na hirap na harap na buhatin ang mga dala papuntang terminal to Damonca.

"O Damonca, damonca! Aalis na!"

Sumakay na ako ng jeep. Sinabi na aalis na pero mga isang oras ako naghintay bago tumakbo yung jeep! Wah! Baka mamaya nainip na ang mga Dela Rosa sa sobrang tagal ko. Huhuhu. Mga isang oras din ang biyahe. Nag stop nalang kami yun sa may terminal ng Damonca. Sinabi ni Mama na nasa mismong bayan yung address and color green yung gate nila. Hinanda ko na rin ang aking tissue dahil baka ma-nose bleed ako sa laki ng "big house". I dont want to mention the word "mansion". I getting humiliated...

After 3 minutes of walking and searching, nahanap ko narin ang bahay. Wow. Ang ganda. I can' t believe... para akong nasa palasyo. Kitang-kita ang ganda at kinang ng bahay sa sobrang laki nito. I pressed the doorbell. DONG-DING.
Unique pa yung sound ng doorbell. Bigla nalang nagkaroon ng voice sa speaker nearby the doorbell. "Visitor's name?"

Wow, entrance palang malulula ka na. Hi-tech pa yata ang bahay na'to. Sosyal.

"Elnor Caspor." sinabi ko dun sa may microphone na naka-attach sa speaker. "You may enter." Yung sinabi yun ng speaker, nag-bukas yung gate ng automatic. Nag-dadalawang isip ako yung papasok pa ba ako o hindi. When the gates are widely open, I saw Kian, standing there... may hawak na rose. Para sa akin ba yan?

"Caspor, welcome to my home." he said habang inaabot niya sa akin ang rose. Now, this is what you call the "dramatic entrance". My heart beats so fast... can't help it. Nasa gates of Heaven na ba ako?

Next Elnor's Hint: Spaghetti

Stay tuned!

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now