Chapter 19: The Way Out

79 16 0
                                    


<Derona Central Junior College, Bio Lab>
-Elnor's point of view-

Dahil sa paper fight namin ni Tristian, napa-OSA kami. Paano nga ba kasi at kanina po ito nagpapansin. Argh! Ang parusa, maglilinis kami sa Bio Lab bago umuwi. While cleaning, bigla nalang ito nag-panic si Tristian at hinihila niya ako palabas pero I was about to pick my sooo heavy bag nang humangin ng malakas and nagsara ang door ng Bio Lab. Minention ni Sir Gamboa na pag nasara and door ay mala-lock. Ilang beses ko nang kinarate pero walang nangyari. We are completely....kulong.

"Tristian, it's no use. We are trapped."

"I know." sinabi niya yun ng mahina and a "parang guilty" na voice.

"We must do something! Like make noises!"

"Elnor, malakas ang ulan. Hindi tayo maririnig." nga pala, may bagyo pala. Hayyy...

"Anong gagawin natin?"

"Gamitin mo yung ID, Elnor." uy! Nice idea. Kinuha ko ang aking ID card at pinapasok ko ito. But kahit anong gawin ko, hindi effective.

Napaupo nalang kaming dalawa sa may corner. Since, hindi ko dinadala ang cellphone ko sa school at na kay Sir  Gamboa ang cellphone ni Tristian, wala kaming pang-contact. Sobrang stirct kasi ng school. Bawal ang gadgets during class hours. Tumahimik ang paligid. Naging awkward ang sitwasyon.

"Pssst." I'm calling Tristian's attention. Kanina pa siya tahimik.

"Bakit, Elnor?"

"Ayos ka lang?"

"Buti naman at kinumusta mo ako kahit na nadamay ka pa sa kalokohan ko."

"Gaya-gaya ka pa ng linya!" medyo may konting asaran pero alam ko na hindi rin niya gusto ang nangyayari ngayon. I am making a way para namang mag-ingay kahit chat-chat or kwentuhan lang. Di ako kasi sanay pag tahimik ang atmosphere.

"Pssst! Tristian?" I am calling him again.

"Bakit, Elnor?"

"Kwento ka naman."

"Huh?"

"Mag-isip ka ng topic." I am encouraging him to speak kasi baka may related siya kay Kian. Bakit kasi magkamukha sila? Hindi naman sila kamag-anak or any relation. Taga-Damonca si Kian and Taga-Derona naman si Tristian. And their names ends with -ian. Singer si Kian and guitarist naman si Tristian. Pero ewan ko lang kung kumakanta din yung isa. They are both playing badminton pero ang pagkakaiba lang, medyo may pagka-sayad(?) yung isa. Alam niyo na kung sino yun....

"Tell something about yourself?"

"Oo. Sigeh. Ako ang mauuna. Pwedeng pahiram yung speaker." hinalungkat niya ang kanyang bag at iniabot niya sa akin ang mahiwagang speaker na portable. Nagandahan ako kasi sa song na pinatugtog niya sa akin nung nasa library kami. Yung masterpiece ni Yiruma na 'Kiss The Rain'. Tamang-tama dahil naririnig ko ang lakas ng buhos ng ulan. Maliit lang ang space ng bio lab and feeling mo nasa isang maliit na room ka at dinig na dinig mo ang lakas ng kulog at kidlat. Napapatago nalang kami ni Tristian sa isang table dahil medyo takot kami sa kidlat. Nag-umpisa akong nag-kwento nung nag play na ang 'Kiss The Rain' sa speaker ni Tristian.

"Galing ako sa isang pamilya na may kaya. Masaya naman ang buhay kahit maiit lang ang bahay. Noong ten years old ako nang umalis ang mga magulang ko para mag-ibang bansa. And I am taking care of myself alone."

"Si Kian ay?" aba, tinanong pa niya yun ah. Habang naglilinis ako kanina ay tinatanong na niya sa akin about sa crush-life ko! Ano naman ang concern niya dun?

"Si Kian.....er.....ewan. Matagal na kaming hindi nagkikita. Hindi na siya nagpaparamdam."

"Ano ba ang nangyari?"

"Biglaan eh."

"Sorry to hear that, Elnor." and mukhang nalungkot siya sa sinabi ko. Wala na talaga akong balita sa kanya eh. Isang nakakakungkot na totoong pangyayari.

"Ako naman... well, ikaw lang makakaalam nito."

Ako? Makakaalam? Saan? Well, interview muna pag may time.

"Ang totoo, Elnor.... sa simbahan ako lumaki."

"Wow. Banal." as in yun nalang ang comment ko! Hindi halata eh. Nambabato sa akin ng papel kanina, lumaki sa simbahan? Naturuan ba 'to ng good manners? Yumuko nalang siya and parang pinipigilan ang tears niya.

"Si Father Pete ang nag-alaga sa akin. Tinuring niya ako na parang tunay niyang anak. Sinabi niya na iniwan ako ng mga parents ko sa simbahan noong sanggol pa lang ako. Buti naman at tinanggap pa rin ako dito sa DCJC kahit may konting aberya sa birth certificate ko." Naiiyak na ako sa kwento ni Tristian. Kaawa-awang Kian-kalokalike. Natahimik nalang ako and focused lang ako sa kinukwento niya. I feel empathy on him.

"Kahit malayo ang parents mo, masuwerte ka pa rin dahil nandiyan pa rin sila para sa'yo. Pero ako kasi, never ko pang nakilala ang parents ko. Bakit ganun? *sniff*" Tulad ko, di na rin niya napigilang umiyak. Inakbayan ko nalang para damayan siya.

"Ayos lang yan. Ang isipin mo na lang, marami pang tao ang nagmamahal sayo. Tandaan mo yan." isang tao na hindi nakilala ang kanyang mga magulang. Naawa talaga ako ng sobra kay Tristian. Siguro may meaning din ang pagkasayad niya dahil maybe wala siyang kalaro dahil sa simbahan lang talaga siya.

"Ahem, ahem, AHEM!"

All of a sudden, napansin ko nalang na namanalat ang voice niya. Siguro dahil sa sobrang iyak. Medyo malamig pa ang paligid dahil umuulan. Naghalungkat ako sa bag kung ano man ang pwede kong ibigay sa kanya. May kinuha ako na something na naka-topperware and inabot ko ito sa kanya.

"Elnor, ano 'to?"

"Sliced green apples. Binili ko sa SM. Favorite food namin iyan ni Kian. Hindi ko ito nakain nung recess kasi dumiretso agad ako sa library."

"Green? Eh di hilaw pa 'to!"

"Hindi. Ganyan talaga. Masarap yan kaysa sa mga apple na binibili kung saan-saan."

"Okayy... try ko." tumikim siya ng isang slice. I observed him tasting it. And bigla nalang kumuha siya ulit, then another one, another one, another.... until he ate the last slice.

"Hilaw ba?"

"Hindi. Ang sharrap. And parang okay na ulit ang voice ko."

"One of Kian's secret before. Pag napapaos siya, yan lagi ang medicine niya."

"Galing ng crush mo noh?" Magaling talaga! Nakalimutan ko itong sabihin na aside na talented sa sports si Kian, talented din siya sa music especially sa pagkanta. Medyo shy type lang kasi and mas focused siya sa career niya sa badminton noon.

Pagkatapos ng isang emotional na pag-uusap and a konting recess, napansin ko na tumigil na ang ulan. The weather is now calm. Binalikan na namin ang pintuan. Biglang umikot ang knob and open sesame! Dumating si Sir Gamboa. Sa wakas! Makakalaya na kami!

"Guys! Thank goodness. Ang tagal niyo na. Nag-aalala ako sa inyo. Just as I predicted, nakulong nga kayo."

"Thank you talaga, Sir!" we thanked him simultaneously. Pagkatapos, sabay na kaming lumabas na Tristian sa may school gate. Bumalik na rin ang dating average attitude niya. Pakaway-kaway pa nga sa akin yun nung nakasakay na ako ng tricycle. Yieeeeeee! Pero bakit ako kinikilig? Tumingin ako sa salamin na dala ko. Ako ay nangangamatis!Watda flying shuttlceock! T-teka saan ko nakuha ang line na yun?

Next Elnor's hint: A self-composed song

Stay tuned!

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now