Chapter 12: Changes In Time

101 16 0
                                    


<Damonca Elementary School, Writing Competitions>

"Everyone, please pass your papers in the center aisle then forward.''

Nag-call na ang proctor namin and we passed our papers. Inexamine niya ang mga papers and pinalabas na kami. Yung mga winners? To be announced tomorrow. Ipapadala nila ang mga results sa school. I'm excited! Going back the ''big house''!

''Bes, pupunta ka na?''

''Oo, Mikie. Atat na atat na nga ako eh.''

Hoy! Teka! Bakit iba ang format—? Mikie! Anong ginagawa mo sa notebook ko?

"Hahahaha. Tinutuloy ko lang yung story mo, Elnor."

Haist! Debale, trustworthy naman siya. Thanks bestie! Naka-sulat ka din. Anyway, as I say, I am now going.

"Elnor?"

"Bakit, bes?"

"Sure ka? Eh makulimlim ang langit!"

Tumingin ako sa itaas, tama nga si Mikie. Parang uulan nga. Sa sobrang itim ng mga ulap, siguradong malakas ito.

"Wala akong pake! Walang makakapiligil sa akin! Pupunta ako bes." Pabebe daw oh. Sure talaga ako. Kahit bagyo pa ang makakatapat ko, pupunta pa rin ako! Keri!

"Elnor, aalis ka na?" dumating si Ma'am Desalla. Coach naming mga representatives ng DCJC.

"Opo, Ma'am."

"Sayang, may Chowking treat pa tayo diyan sa bayan."

"No thanks, Ma'am. May pupuntahan po ako."

"Okay. Well, ingat ka."

"Opo. Thank you."

Nag-abang ako ng tricycle. Then, naalala ko ang address ng Dela Rosa Residence. Basta, malaki ang bahay, green ang gate, yun na yun.

After a short ride, bumaba and disisit! I'm here! Hahahahahahahahahahahahaha! I laughed and laughed dahil sa sobrang tuwa. Lumapit ako sa gate.

"Visitor's name?" sinabi ng speaker. Miss you, bestfriend! huhuhuhu.

"Elnor Caspor." I replied.

"You may enter." the gates opened widely. There is so much excitement in me today. Despite na umaambon, yung ngiti ko ay parang sunshine at abot hanggang langit. Pumasok ako. Pagtapak ko, nagmamadaling nag-linya ang mga maid at nag-bow sila sa akin na tila may isang princesa na papasok sa kanilang palasyo.

"Um, hindi niyo na po kailangang gawin yan."

The maids nodded. Binuksan nila ang door papasok ng main room.

"Hello! Anybody home?" I shouted pero walang sumasagot.

"Tito Kiko! Tita Jolina! Kian! Nandito na ako!" ini-isa-isa ko na ang mga pangalan but still, no one answered. Bigla nalang lumakas ang ulan sa labas. Pumasok ako sa may main room. Maganda pa rin ito ngunit bakit puro furnitures nalang ang nandito?  Wala ng frame o pictures na nakasabit. Sa Kitchen area, nandoon pa rin ang round table pero wala na itong table cloth at settings. As in malinis! Ang ngiti ko ay biglang naglaho. Tumingin ako sa paligid, naging malungkot na ang bahay.

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now