Chapter 69: Ang Muling Pagkikita

95 11 4
                                    


Lumapit ako sa may pwesto kung saan ang mga parents ko pero hindi ko sila makita. My parents really love jokes but this is not a good joke to just leave me here! I searched around the entrances of the gymnasium.

"Ma! Pa!" I called out pero it's useless. Ang ginawa ko na lang ay bumili na lang ako ng tubig in a nearby foodstand.

Bumalik ako sa may pinaka-gym kung saan ginaganap ang contest. I went to the higher deck dahil doon ay makikita mo ang buong arena. Baka sakali na makita ang mga parents ko dito.

Kailangan ko nang magpahinga dahil may mga rounds pa. Kakalabanin ko ang mga nanalo sa mga ibang sets kanina. Tumayo ako at nanood na lang. Naalala ko tuloy yung nasa may veranda ng Dela Rosa Mansion kami ni Kian when we watched the sunset. But that was years ago.

"I found her....." a voice behind me said. At first, I didn't mind that voice. Hindi naman ganun ang boses ng Papa ko.

"Uhm.... Miss Elnor J. Caspor?" the same voice said. Ako pala yung kausap niya. Siguro magpapapicture lang yan o magpapapirma. I didn't face or reply at him. I tried to ignore him because my parents said that I should not talk to strangers lalong-lalo na pag mag-isa ako. Wala pa kami sa Pinas!

"Alam kong ikaw 'yan." Argh! Ang kulit! Teka, nagtatagalog? Ibig sabihin, pinoy siya. I forced myself to face that perso—oh...

When I saw his face, I don't know what I'm going to say. Tila parang nanigas ako at hindi ako makagalaw. Nang ngumiti siya, biglang lumakas ang tibok ng heartbeat ko na parang nagtraining ako for two hours straight. He is here, si Tristian.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. I hugged him back. At last, bumalik na rin si Tristian. I really missed him so much. Suddenly, I heard him... crying? He looked at me with tears forming in his eyes. Bakit siya umiiyak?

"Tristian, tears of joy ba yan? Huwag ka namang umiyak. Para naman akong namatay at nabuhay ulit." I said habang pinupunasan ko ang mga luha niya gamit ang aking mga kamay.

He just looked at me. Our eyes didn't break contact, muntik pa kaming nag-staring contest sa lagay na iyon. Bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Doon ay mas lalong nag-ingay ang puso ko. Something weird is going on here. Then, he suddenly kissed my forehead. Naalala ko tuloy yung same kiss noong nasa ospital kami ni Kian. Para akong cheese na nasa oven at nag-uumpisang mag-melt. After a few seconds at hindi na ito kinaya ng puso ko, I backed away.

"Tristian—"

"Elnor, paunahin mo muna ako." he interrupted and I let him speak.

"I'm..... I'm not Tristian." iyon ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Hahahaha! Nice joke, Tristian. Hanggang ngayon, may sayad pa rin siya at hindi na niya ako mauuto. Sino siya garud? Si Kian? I looked at him again at nakita ko na parang seryoso ang expression niya. Mukhang hindi siya nakikipagbiruan.

"Ako 'to.... si Kian. Kian John C. Dela Rosa! Your first badminton coach." he said. I can't believe the words came out from his mouth. Hindi kaya nananaginip nanaman ako? Nakatulog ako kanina bago ako lumaban. Alah! Kung panaginip ang lahat ng ito, edi yung nakita ko si Elmira or yung nanalo ako sa first round ay hindi totoong nangyari? Please, ayoko na yung paggising ko ay bigla na lang ako iiyak sa aking kama dahil hindi totoo ang mga nakikita kong magagandang pangyayari!

"Time pers!" I said, interrupting him. "Paano mo mapapatunayan sa akin na ikaw nga si Kian? Halos ayoko nang maniwala sa mga nakikita ko eh! I'm just dreaming right now!"

"No, you're not dreaming, Elnor!" he said.

"Edi paano? Paano mo mapapatunayan sa akin na ikaw nga yan?"

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now