Chapter 28: The Second Intramurals

62 11 0
                                    


<Caspor Residence, 3 years ago>

Isang madilim na gabi. Tinabi ko na ang aking PE uniform at inihanda ko na ang Red jersey ko dahil bukas na ang labanan ng badminton sa school. Mukhang check na ang lahat so kailangan kong matulog ng maaga para may energy ako bukas. I lied down on my bed and pilit kong ipikit ang aking mga mata sa sobrang gusto ko nang matulog.

Ring... ring...
Ay, kalabaw. May nag-text. Iniabot ko ang aking cellphone then I opened it's inbox.

1 new message, from Allen bessy much
Uy, teh! Galingan mo bukas. Napepressure na rin kami ni Angie. Huwag kang kabahan ah. Labyu. Tulog ka na para mapanaginipan mo si Kian.!

Sus, kung maka-advice. Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako! Baka mamaya kung makakalaban namin ni Kian is mas magaling pa kay Elmira na tumira. Huhuhu. Mahiga na nga lang sa kama. I want a silent atmosphere! Zzzz...zzzzz.....

Ring... ring...
Haay! Sino naman ito? Iniabot ko ulit ang aking cellphone at binuksan ko ulit ang inbox nito.

1 new message, from Angie bestfriend forevs
Nor, gusto lang kitang kumustahin. Badminton match na bukas. Galingan natin! Dagdag grades yan! Tulog ka na at gabi na. Bye!

Haaay itong mga bestfriend ko, kinukulit nila ako kahit gabing-gabi na. It is better na matulog nalang ako. Zzzzz..zzzz.... Pag hindi ako nakatulog, patay sila sa akin!

<11:48pm>

Arf! arf! arf!
Biglang napagising ako dahil yung mga asong gala ay biglang nagsisitahol sa kalsada. Siguro meron silang hinahabol. Buti pa sila. Eh ako walang humahabol sa akin. Joke. Matulog na nga. Humuhugot pa ako. May laban pa ako bukas. Zzzzz....zzzz......

<1:35am>

Klalalalalalalalalalalalalalalalang!
Mas lalo akong na-bad trip at nasira ang tulog ko dahil biglang nag-alarm yung alarm clock ko. Mali kasi yung pag-set ng time niya kung kailan siya mag-aalarm. Ano ba to! Bakit ayaw ninyo akong patulugin?! Ayaw niyo ba akong manalo bukas?! Huhuhu. Matulog na nga lang! Zzzzzz......zzzzzzz......

<On the next day....>

TITILAOK.
Haaaay. Gusto ko pang matulog! Bitin eh! Ilang beses nasira ang tulog ko kagabi. Pinilit kong bumangon at maghanda para sa intrams. Masama ata ang araw ngayon ah. Bad mood din akong kumain ng breakbast, nagbihis, pati pagpasok sa Meitan ay bad mood pa rin ako. Habang naglalakad ako in a zombie way dahil sa sobrang antok, nasalubong ko sila Allen at Angie na reding-ready na sila sa mga laban nila. Kaya lang, naging awkward ang atmosphere dahil sa akin.

"Elnor, anyare sayoo?" tanong ni Allen.

"Puyat bes."

"EH BAKIT KA KASI NAG-PUYAT? ANO KA SINUSWERTE?!" ayan sumigaw nanaman siya. Then, Angie approaches me.

"Alam mo kung ano ang sulusyon diyan bes?"

"Eh ano?"

Hinila ako ni Angie papuntang school canteen at bumili siya ng limang sachet ng Milo. Kumuha siya ng mug, she opened one Milo then pinagtimplahan niya ako.

"Ito bes, Milo. Favorite mo. Diba sabi sa commercial nagbibigay energy yan?" okay, update na update talaga si Angie sa mga commercial. Ako naman, yes nalang ako ng yes sa mga sinasabi niya. Hindi ako gaano nanood ng TV. More on YouTube ako.

The Way He Smashes Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon