Chapter 55: Elnor, Elevator, Lots of Visitors

96 13 8
                                    


Elnor, you just realized that Kian went to the cliff three years ago, February 15 pa! Did Kian wished "someone like him" to be with me while he is gone and that "someone" is Tristian? Arrgh! I don't get it! Galing si Tristian sa Meitan Cliff or coincidence lang ba ito?! Hindi pa rin ako naniniwala sa magic na iyon dahil kathang isip lang ang mga iyon!

"Elnor? Earth to Elnor? Yuhu..." Alright, Kian's voice just snapped me from my mini dreamland. Is he talking to me habang nag-iisip ako?

"Opps. Sorry. Pumunta ng Pluto yung brain ko."

"Ayos lang iyon." He said. Then, suddenly Tito Kiko and Tita Jolina woke up. Kinumusta nila si Kian and they were about to leave dahil may aasikasuhin daw sila sa bahay nila. Ako naman ang in-assign nila na mag-bantay kay Kian. Pagsapit ng 8 ó clock, dumating ang nurse na magbibigay pagkain for breakfast. Binaba niya ang tray sa table na katabi ng higaan ni Kian at ito'y umalis. Ang menu nila is rice, egg, tomatoes, with fried tilapia. Bear Brand busog-lusog naman ang para sa drinks.

"Wow! Free breakfast! Kain tayo!" I said.

"Opopop! Anong 'tayo'? Para sa patient lang yan!" He said, pinagbabawalan niya akong lumapit sa pagkain. Eh hindi pa naman ako kumakain ng breakfast. Wala akong alam na malapit na lugar na pagbibilhan ng pagkain at hindi ko pa pwedeng iiwan si Kian dito mag-isa. Tiis-tiis muna, sandali lang sila Tito at Tita sa kanilang bahay and I hope may madalala silang pakain pagbalik.

"Nah, just kidding, Kian. Time to eat your breakfast master. Susubuan kita."

"Naku, kaya ko na yan. Mag-aabala ka pa. Huwag mo akong tratuhin as a patient, okay? I am trying not to act like a patient." He said as he put the tray on his lap. Napa-okay nalang ako.

Habang kumakain si Kian, sumisilip lang ako sa may pinto kung andiyan na ba sila Allen or Angie or sila Tito Kiko at Tita Jolina. Ang nakikita ko lang ang mga pasyente na may alalay na nurses or relatives nila. Yung iba naka-wheel chair, yung iba nasa may higaan na may gulong. I looked at Kian again, napapansin ko na sa lahat ng patient na nakikita ko, siya lang ang parang walang sakit. I mean, malakas naman si Kian the way he moves. Palibhasa badminton player, athlete, anak ng mga professional badminton players. Hindi halata na may cancer siya.

"You're cute when you're staring at me." he said as he snapped my thoughts again. Medyo kinilig ako sa sinabi niya, I admit.

"Uhm...kasi... you're handsome." I answered without thinking, Teka, Elnor what did you just said?! "Thanks, because of that I will not worry kahit maging kalbo pa ako. Actually, may mga nalalagas nanaman." he said at pinakita niya sa akin ang nalagas niyang buhok. Ngayon ay parang manipis na ang kanyang buhok kung titignan mo siya sa malayo.

"Bibilan kita ng bonet o kaya ng wig pag may time ako."

"Yung parents ko na lang."

"Sigeh." then things went awkward. Tapos na siyang kumain ng breakfast except lang sa Bear Brand drink niya na may cereals. Hanggang ngayon ay wala pang dumarating na bisita. "Psst! Elnor, kumain ka na?"

Haaay. Buti naman at tinanong din niya. My stomach beagn to make noises, "Hindi pa."

"Alah! It's now 8:30am. Kumain ka na. May malapit na karinderia doon sa tabi ng ospital." He said at binigyan niya ako ng twenty five pesos.

"Ayos ka lang diyan?" tinanong ko ulit siya.

"I'm fine! I can handle myself." sabi niya at nag-wink siya sa akin. Man, wala akong choice kundi bumili ng pagkain for me. Alam niyo, kanina ko pang gustong tanungin si Kian kung may sakit ba talaga iyon.

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now