Chapter 34: Intrams Ever After?

82 12 0
                                    


-Allen's point of view-

"Kuya, ito po ang bayad." pagbaba ko ng tricycle, todo-takbo with all I can papuntang Gate 1 ng school to school building 3 kung nasaan ang Cookery Club room. Nasa Third floor pa yun ng building! Si Angie naman ay pumasok siya sa gate 2. Kanya-kanyang paraan para mauna.

Nagulat nalang ako dahil nasa stairs na si Angie. Siya na ang nangunguna!

"Hoy! Angie, hintay! Paunahin mo yung maganda!"

"Sinong maganda sa atin? Ako diba?"

Patakbo ako nang paakyat ako sa may hagdanan. Nilalakihan ko pa yung mga hakbang ko at least makakahabol ako. Nang umabot kami sa third floor...

"Ahhhhhh!" biglang nadapa si Angie. Nag-sihulog din ang mga binili niya. Gusto kong kunin yung opportunity para mauna pero nangingibabaw kung pagkalalake ko.

"Ayos ka lang, Babe?" I asked her helping her to stand and to arrange her things.

"Ayos lang ako. Salamat ah."

"Lalang yun." and imbes na mag-unahan, sabay na kaming pumasok sa Cookery Club room. In an blink of an eye, nasira yung atmosphere of sweetness namin pag pasok.

"Mananalo ako!" pag-puri ni Angie sa kanyang sarili. Hashtag GGSS— Galing na galing sa sarili.

"Tignan lang natin, girl." inilabas namin ang mga ingredients na gagamitin. Gagawa ako ng graham cake. Sa isang square na tray, ipinatong ko yung mga grahams. Sa mixture ng condensed milk at fruit cocktail, inilagay ko ito on top of the grahams. Repeat steps hanggang sa naging layered na siya.

-Angie's point of view-

May sweetness na nangyari kanina but hindi ako magpapauto dun. Agad ko nang inilabas ang aking mga ingredients. Gagawa ako ng mga cupcake. Hindi ko na kailangang mag-bake dahil bumili ako ng cheesecake. Use the whip cream as the icing. Yung sprinkles ang pinakatopping nito. All I need is... ilagay ko lang ito sa ref. By chance, Allen and I put our products in the refrigerator ng sabay. Graham cake ang ginawa niya. My cupcakes are better!

"Angie, nilalagay ba yung cupcakes sa ref?!" galit(?) na tanong ni Allen sa akin.

"Gusto kasi nina Elnor at Kian ng malamig eh!"

"Alah! Pag nagtagal ang relasyon ng groom and bride, baka may manlamig sa kanilang dalawa!" may ganon? Ang lawak ng imagination ni Allen.

"Sige, huwag na natin ilagay yung mga cake natin sa ref! Ibigay na natin sa groom and bride!"

"Huwag! Paano yung Graham cake? Kailangan talaga ito ilagay sa ref!" okay, advantage ko na to.

"Edi kunin ko nalang yung cupcakes ko. Ako ang mauuna!" kukunin ko sana yung mga cupcake ko sa ref nang bigla akong harangin ni Allen.

"Hindi mo makukuha ang cupcakes mo!"

"Makukuha ko!" suddenly, sa sobrang inis (at gigil) ko sa kanya, kumuha ako from my whip cream mixture ng isang sandok ng whip cream at nilagyan ang damit at mukha niya. Look at his face... priceless!

-Allen's point of view-

"Oh my gosh! Nooooo! Not my beautiful face!" I complained. Paano nga ba kasi, nilagyan ni Angie ng whip cream yung damit ko! Hindi niya pwedeng makuha yung mga cupcakes niya sa ref. Para makaganti, yung natitirang condensed cream ang ginamit kong defense. Oo, pinaliguan ko siya ng condensed milk. Nalagyan yung red dress at buhok niya.

"Allen, ang lagkit!" pagrereklamo ni Angie trying to remove the condensed milk sa hair niya. Mas malala ang ginawa niya! Minake-upan niya ako ng whip cream!

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now