Chapter 23: Pre-Intramurals: Battle of Two El's

68 12 0
                                    


<Derona Central Junior College, present time>

"Haaaay naks, Elnor! Ang ganda-ganda na nga ng daloy ng kwento ninyo ni Kian tapos may papsok na isang 'di inaasahan na tao. Maldita pa! Buti naman nakipag-break si Kian dun sa babaeng yun. Ano na ulit kasi ang pangalan niya?.... El....?"

"Elmira Montenegro po."nasa kalagitaan kami ng kwentuhan namin nina Janice, Mikie at Rica. Nasa loob kami ng classroom and vacant period namin ngayon. Dapat Math class kami today kaya lang absent yung teacher. Kinukwento ko sa kanila ang mga nangyayari sa kwento ko noon.

"So sinabi mo a while back na dalawang tulog nalang, intrams niyo na yun. I think sa sobrang inis mo ay hindi ka yata magkakaroon ng peace of mind."

I tapped the shoulder of Mikie, agreeing her statement. "May tama ka."

Matanong ko lang nasa isang pelikula ba ako? Pelikula ng sarili kong story pwede na. That quetsion is still nagging at my mind kahit nangyari na ito three years ago. Ang pinakanakakainis at pinakamaganda na taong na-encounter ko. And first time ko in my life na nakipag-away dahil lang sa isang lalaki. Ba't ganun?

"Klalalalalalalalalalalalalang!"nag-ring na ang school bell. Recess time na namin. Imbes na dumiretso sa canteen, pinagmasdan ko ang badminton court na nasa gym ng DCJC. Palakad-lakad. Patingin-tingin. Those days....

<Meitan Montessori School, 3 years ago>

"In fairness sayo, girl. You are like Gabriela Silang. Nang pinatay kasi ang kanyang asawa, ginawa niya ang lahat upang ipagpatuloy ang mga sinimulan ni Diego Silang!"Allen commented as he opened his biscuit wrapper na binili niya sa school canteen. Naka-upo kami nina Allen at Angie in a bench malapit sa room ng mga Grade 4. Doon kami madalas na nagkakaroon ng private meeting or secret planning magkakaibigan.

"Ano naman ang related sa sitwasyon ko ngayon, eh hindi naman patay si Kian tulad ni Diego Silang! I just accepted Elmira's challenge for Kian's sake."

"For Kian's love kamo!" komento ni Angie while eating siomai. Since ang mission naming BFWAT (Best Friends With Attitude ang meaning, parody naming magkakaibigan. Squad name na rin namin yun) is Operation Against Elmira. Medyo baduy ang operation pero swerte ko naman meron akong mga kaibigan na susuportahan ako no matter what.

"So, what is your plan? How can you beat her?"Angie asked. Ako naman, nagbabasa ako ng MAPEH book and about badminton. 100% sure ako na lalaban kami sa sport na yun. I'm gonna beat her for sure. Speaking of Elmira, isang rin siyang Grade 5 student pero dapat Grade Six siya ngayon. Naulit lang siya sa Grade Five dahil puro bagsak ang grades niya lalong-lalo sa character niya. Crush niya dati si Kian pero Kian doesn't like her back. Pinipilit niyang magpapansin pero none of her 'hokage' moves worked. Her feelings towards Kian ay nasobrahan at nasobrahan kaya ganyan siya ngayon. Ang ganda niya pero nasayang lang sa ugali niya. Nakapagtataka lang. Hindi ako kasing ganda ni Elmira para pagsabihin ako ni Kian na ako ang "the girl he likes". Mas matanda pa siya sa akin ng isang taon! Maraming pupils ang nag-iisip ngayon na nagcha-child abuse si Kian. Dapat same grade level and same age lang . Napansin ko rin sa tagal ng pagsasama namin ay minsan hindi ko na siya tinatawag na ''Kuya''. Well, sinabi niya sa akin dati noong ako ay nasa bahay nila na huwag ko na daw siyang tawaging 'kuya'.

Naitanong ko din sa sarili ko na "Elnor, anong meron sa'yo na wala kay Elmira? Bakit sa dinami-dami ng mga girls diyan ay ikaw ang maswerteng napili ng isang badminton champ sa iyong eskwelahan?". I have no idea at all! Matanong nga si Kian pag nag-kita kami or after the challenge.

"Eh guys so far, wala pa. Sure ako na makikipag-laban kami sa badminton. I will just smash the shuttlecock on her court or maybe sa face na rin niya para masaya."

The Way He Smashes Her Heartحيث تعيش القصص. اكتشف الآن