Chapter 33: The Cake Contest

77 12 0
                                    


This is it. Patuloy na akong naglalakad papunta ng altar-altaran. I moved forward, backward, forward ulit, Haha. Mukha na akong nag-cha cha-cha. Joke. Nag-shower ng mga flower petals na muntik ko pa nalanghap at mabahing. Nakita ko rin na naka-red na dress sina Angie at Kristel. Sila ata ang maid of honor at flower girl. Si Allen naman ang best man. Naka-upo sila sa may pinakaharap. Nang nakarating na ako sa harap. Kian and I hold hands. Yung pekeng pari ay isa sa mga classmate ni Kian.

"Good day everyone. We are gathered here today to celebrate the union of Kian Dela Rosa and Elnor Caspor." pag-uumpisa ng paring peke. Alam niyo kanina pa kaming nagtitinginan! Ang tagal pa ng speech ng pari at gusto ko nang matulog sa sobrang antok.

"Ngayon, sino ang tumututol sa kasalang ito?" best question ng mga pari. Meron ba?

"AKOOOOO!" nagtinginan kaming lahat sa pinagmula ng boses na iyon.

"Ako di ba? Di bat sinabi mo na ako lang ang lilibre mo?!" ay, panira. May magkakaibigan na nakikipag-agawan kung sino ang ililibre ng isa nilang kaibigan.

"Oy, kayo!" biglang tumayo si Allen pointing at them. "Do not interrupt! May ikakasal dito oh. Bulag ba kayo?! Shigeh na, tsupe!"

Agad nag-sialisan ang mga nag-ingay. Natakot sila sa boses ni Allen. Agad naming pinagpatuloy ang kasal-kasalan.

"Mabuti naman at walang tumututol. Asan na ba ako?" ipinagpatuloy ng pari. Kinalabit ko si Kian habang busy si paring peke na magbasa.

"Matanong nga. Sino ang nag-umpisa nito?"

Kian smiled at me. "Do you need to know?"

"Of course, I need to."

-Angie's point of view-

"Eh? Ikaw ang nag-set up ng lahat ng 'to?!" wow, effort netong si Allen. Ni ako ay walang kaalam-alam sa mga binabalak niya. Haay. Councilor nga siya ng Supreme Pupil Government. Hindi ko nga rin alam na ako ang maid of honor sa kasal-kasalang Dela Rosa-Caspor.

"Oo. Dahil nga sa sinabi mo. Noong lumalaban sila Elnor at Kuya Kian. Yung 'playing as one'?" Doon pala siya nakakuha ng idea. Kasalanan ko rin pala eh. By chance kasi, may marriage booth ngayong intramurals. Kaya pala siya umalis nung championships dahil nagreserve na siya ng slot for Elnor and Kuya Kian para sa booth na ito. Di lang yun, gumawa pa siya ng mga wedding invitation para marami ang dadalo. Awaited pair pa yung dalawa.

"Don't tell me, Allen. May nuptial pa?"

"Of course, meron! Yung simpleng kainan lang. Cake ang handa."

"Mayghad, Allen! Magkano yung cake na yun?" nanlaki ang mga mata ko when I asked him dahil ginawa na nilang makatotohanan ang kasal.

"Round cake lang siya. Mga 200 pesos."

"Alah, saan ka kumuha ng pambayad? Nangupit ka yata sa budget ng Pupil Government." baka lang ha? Malay niyo ginawa pala niya.

"Di noh. Si Kian na ang sumagot." Aluhh. Siya? Lahat? Watda! Siya pa talaga ang sagot sa mga gastusin? Kawawa naman ang tao. Oo, mayaman si Kuya Kian pero kahit saang anggulo mo pa titignan ay siya at siya pa rin ang kawawa.

*Ring...ring...ring!!!!!
+639123456789 calling...

"Excuse me." our discussion got interrupted na biglang nag-ring ang cellphone ni Allen. Umalis muna siya sa seat niya and answered his phone. Ako naman, I continued watching. Ang haba-haba ng speech ng Pari graaaabe. Nakikita ko na rin na parang naantok na ang bride and groom. Bigla bigla nalang lalakasan ang boses ni pekeng father para magising yung mga nakikinig sa kanya.

The Way He Smashes Her HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя