Chapter 24: The Dramatic Entrance

77 14 0
                                    


<Derona Central Junior College>

"Elnor! Elnor! Gising!"napamulat nalang ang mga mata ko nang may naririnig akong mga boses na tumatawag sa akin. Napabangon ako sa aking desk. Wait. Bakit ang gulo ng hair ko and may laway pang tumulo sa bibig ko?

"Good morning, bes!" pag bati sa akin ng mga classmates ko. Nakatulog ako?! otu4ifhwufwuhg! Paano na yung discussion sa Araling Panlipunan? Wah! Nakatulog ako and napanaginipan ko yung first day of intramurals sa Meitan noon... yung naging Gabriela Silang ako at that time.

"Elnor, don't panic wala pa ang teacher."pagpapaliwanang sa akin ni Janice. Whew. Buti naman kung ganon. Akala ko katapusan na dahil wala akong makukuha na notes sa discussion ngayon. Ang lamig kasi ng aircon kaya nakatulog ako. Then, dumating na ang teacher namin.

"Good morning class, tatalakayin natin ngayon ang bago nating paksa ay tungkol sa Katipunan. Bago muna tayo pumasok, sino na ulit and dalawang mag-asawa na nakipag-laban sa mga Espanyol sa Vigan upang makamit natin ang kalayaan? G and D ang initial ng mga names nila."

Wait, alam ko ang sagot! Akooooo........oh. Tinaas ko ang aking kamay ngunit inunahan ako ni Janice. "Diego at Gabriela Silang po."

"Good." hahahahaha. Natatawa na talaga ako. Sadyang naka-drugs ang tadhana at oras. Speaking of Gabriela Silang, yun din ang favorite bayani namin nina Allen at Angie noon. Mas favorite kaysa kay Jose Rizal. Naging codename ko pa nga yun sa squad namin eh. Tuloy binabalikan ko ulit ang nakaraan! Naboboring pa naman ako sa history....

Samantala...

Dismissal na namin. Nagsilabasan ang mga estudyante. I was about to wait for a tricycle nang dumating sina Janice, Mikie, at Rica. Ano nanaman ang meron at bakit parang excited sila?

"Elnor, may pa-handa si Tristian ngayon!"

"O, anong meron?"

"Birthday niya!"

Woah. Edi happy birthday! Teka, bakit sila ang nag-iinvite sa akin? Hindi yung birthday celebrant mismo? Naks, wala pa naman akong gift para sa kanya. Hindi ko kasi alam na birthday niya ngayon.

"Nahihiya kasi siya sayo eh. Kaya kami nalang ang nag-iinvite."

"Bakit naman siya mahihya? Siya naman ang may birthday--" naputol yung question ko nang may dumating na white car. Nandoon si Tristian sa loob, waving. He is giving us a ride. No need to worry dahil pupunta naman kami sa simbahan. Naalala ko kasi yung sinabi niya sa akin na lumaki siya sa simbahan. Tumahimik nalang ako. After five minutes na biyahe, narating na namin ang church kung saan siya nakatira. Nandun na rin ang iba naming mga kaklase. Bumaba na kaming lima sa may kotse and sa loob ng simbahan, kitang-kita mo ang lawak at ang ganda nito. Pakatapos ng paglalakad, sa likod ng simbahan, doon may munting bahay kung saan nadoon ang handaan.

"Elnor, guys, kain muna kayo." Tristian offered me a seat and pumasok muna siya sa bahay nila. After nag-pray para sa pagkain, agad akong pumila at kumuha ako ng spaghetti and pansit sa mga pagkain na naka-handa sa hapag-kainan. Gutom na ako! Tapos, yung 'daddy' niya, si Father Pete, in-on niya yung TV nila na medyo malaki and nilagay niya ang CD sa DVD player.

"Mga bata, habang hinihintay natin si Tristian, manood muna kayo."

"Opo, Father."

Pagkatapos naming kumuha ng pagkain, ang palabas sa TV ngayon is Kung Fu Panda 3. Mahilig din ako sa cartoons (I am still young!) so I am so excited to watch it. Sa film, nag-start sa isang turtle named Oogway and biglang dumating ang villain ng movie, Kai ang name niya.

"Ows. Turtle nag-kukung fu? Eh diba mabagal ang pagong?" komento ni Janice.

"This is only a cartoon. Just watch..."

The film is sooo nice! Nakakatawa. Napanood ko na rin yung mga prequel niya. Fan talaga ako ng Kung fu Panda. Tawa kami ng tawa nina Mikie dahil sa sobrang kulit ni Po. Siya yung bida sa movie.

"Now, that's what you call a dramatic entrance!" yun ang line sa movie na nakakuha ng aking attention. Pero sa gitna ng movie, naputol ang attention ko dahil nag-announce si Father Pete.

"Okay, makinig po kayong lahat. Andito na po ang ating birthday celebrant!"

"Ayun na si Tristian!" sinasabi nina Janice sa akin. Excited sila at wala naman akong ka-excite-excite dahil wala akong gusto kay Tri--wow...

Nag-open ang door and naka-black suit si Tristian. He smiles as he stand in front of us. Now that's what you call a dramatic entrance. Andaming lumapit na mga classmates na bumati sa kanya. I looked at him and napansin kong...... ang gwapo niya. Naalala ko tuloy yung time na nasa Dela Rosa mansion nang nakita ko si Kian na naka-tuxedo din siya. They look the same every angle they look. Miss na miss ko na si Kian pero si Tristian ang dahilan kung bakit ko siya namimiss. Siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagto-throwback sa mga events three years ago. I am not saying na reincarnation ito dahil hindi pa naman patay si Kian. Baka kambal niya? Ah hindi, only child lang nina Tito Kiko at Tita Jolina si Kian. Sinabi pa nga ni mama eh. Impossible na kambal niya si Tristian dahil nga one year older si Kian kaysa sa kanya.

"So Tristian, anak. Please choose one of your classmates to do a dance with you."biglang nawala sa mind ko ang pinag-iisipang kong topic dahil sa sinabi ni Father Pete. Pipili si Tristian ng makakasayaw niya? Ano 'to? Debut? Eighteen roses?

Tristian roamed around sa aming mga kaklase and tapos nagsalubong ang mga mata namin. When he look at me, lumapit siya sa pwesto namin nina Mikie. Luh, anong ibig sabihin neto?

"Elnor, pwede?" he gave me a hand. Ano sasayaw ka ba Elnor? Nahihiya ako sa mga classmates ko. Tumingin ako kila Mikie but they are telling me to do it.

"S-sure."napipilitan lang po ako, okay? At pag sinabi kong "No.", baka masaktan pa yung tao. Hayaan mo muna, Elnor. 14th Birthday naman niya. Make him feel special kahit isang araw lang. Kahit sa sobrang inis ko sa kanya dahil sa mga kalokohan niya, well, pinagbigyan ko na. All eyes are laid upon us. Nagulat lang ako nung nag-play ang music na "I won't give up" na instrumental violin version while the two of us are dancing.

"Elnor, kumusta ka na?"pang-aasar na tanong niya sa akin.

"Birthday na birthday mo, may prank ka nanaman."

"Actually, hindi naman ito prank Elnor eh. Nag-request ako kay Papa Pete about this."

"And ba't pinili mo ako bilang partner mo sa ballroom dancing mo?"

"Dahil special ka sa akin, Elnor." Napamulat ang mga mata ko when I hear those words. Iniinis niya ako tapos sasabihin niya na special ako sa kanya? Uminom ba ito ng gamot?

"Anong ibig mong sabihin?" curious kong tanong sa kanya. He told me na ilapit ko ang tenga ko dahil meron siyang ibubulong sa akin.

"Special child." ay, @#$%GVHHBdgjkh! Dahil sa sobrang inis sa sinabi siya, tinapakan ko yung paa niya.

"Araaaaay! Para saan yun?!"

"Prank ko. Happy Birthday!" wow ah, sa gitna ng sayawan may asaran. Buti naman natapos agad ang dance. Pag balik ko sa pwesto kung saan ako kumakain kanina, wala na ang mga kasama ko dito. Saan naman nag-punta ang mga crazy gurls na yun? Naghanap ako sa simbahan pero wala naman sila. Bumalik ako sa bahay nina Tristian and I just noticed na sa may isang room na malapit sa place kung saan ang handaan, napansin ko na.... andaming badminton rackets na naka-display sa room na yun. Don't tell me kay Tristian ang lahat ng ito?! Pumasok ako sa silid na yun and pinagmasdan ko ang mga rackets. Spoiled ata ni Tristian. Andami niyang collection ng badminton equipment dito.

"Elnor, anong ginagawa mo diyan?" nagulat lang ako nang malaman ko na nandoon si Tristian sa may door ng room. Naku, napakialaman ko yung collection niya. He looked at me na parang nagagalit siya.

Oh no.

Next Elnor's Hint: A Grade 4 pupil

Stay tuned!

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now