Chapter 59: Saan Talaga Siya Nanggaling?

80 11 0
                                    


<On the next day....>

Riiiiiiiiiiinnnnnnnngggg! The school bell rang and dismissal na. Lahat ng mga kaklase ko ay nagsilabasan na sa classroom maliban sa akin, sila Janice, Mikie at Rica. Cleaners for today kasi kami. Walis dito, walis doon, punas dito, punas doon.

Rica handed me the broom and ako naman ang magwawalis. I passed on Tristian's desk. I stopped there for a while at tinignan ko ito. Lumapit ako kay Janice, siya yung taga-linis ng mga desks.

"Pahiram sandali yung basahan, ikaw muna sa walis." sabi ko.

"Sige." tugon ni Janice nang iniabot niya ang basahan. Habang busy yung iba, pinunasan ko ang maalikabok na desk ni Tristian. I did everything to make it clean as new. After ng ilang punas, kumintab ito sa sibrang linis at binalik ko na ang basahan sa kanya.

"When Tristian will come back, siguradong matutuwa iyon pag nakita niya ang desk niya." sabi ni Rica habang nililinisan niya ang blackboard.

"Sabi niya hindi na daw siya babalik. Yung lang dahil kahapon lang niya sinabi sa akin." I said.

Pagkatapos ng pagwawalis, pumunta ako sa aming classroom cabinet na punong-puno ng alikabok. Nilapitan ko ito at inumpisahan ko na itong linisan.
Binuksan ko ito at doon nakatago ang mga folder na ginamit namin ilang buwan na ang lumipas. Also, the folders are also dirty.

Habang ini-isa-isa kong linisin ang mga ito, ang next na nililinisan kong folder ay yung kay Tristian. Well, I bothered to check kung ano ang nasa loob ng folder niya. I opened it at andun ang mga schoolwork niya. Muntik na akong natawa dahil mali yung spelling niya sa word na "disgusting". Ang sinulat niya kasi dito sa papel niya ay "discusting".

Then there's a paper that caught my attention, meron siyang drawing na stickman. I am sure it is a girl dahil may palda siya. Yung 'stickwoman' ay may hawak na badminton racquet at trophy sa kabilang kamay. Ay, alam ko na kung sino ito. It's me.

Pagkatapos magkalkal ay may nahulog sa folder ni Tristian. Maliit ngunit makulay ito. Iyon ay isang.... dahon?

I picked it up and inobserbahan ko ito. Isa itong totoong dahon na parehas sa mga dahon ng mga puno sa Meitan Cliff. Teka, nakarating din si Tristian sa Meitan Cliff? Kung oo, kailan? Nag-wish din ba siya? Naalala ko tuloy na Kian wished Tristian to exist. This gave me clues sa origin ni Tristian. The way he disappeared last time, he disappeared through leaves hindi ba?

I have to go and check it out. After cleaning the classroom ay agad akong pumunta ng Derona Cathedral baka sakaling maabutan ko pa si Tristian doon. Nang ako'y nakarating, nakasalubong ko si Father Pete, yung adoptive father ni Tristian.

"Magandang hapon, hija. Sayang hindi mo naabutan si Tristian. Isang oras na ang lumipas nang umalis ang batang iyon." he said as he pat my head.

"Good afternoon po, ibabalik lang po ito sa kanya." sabi ko nang ipinakita ko sa kanya ang dahon na nahanap ko kanina sa folder niya.

"Maraming ganyan si Tristian, hija. Siguro iniwan niya yan para sa iyo." sagot ni Father Pete.

"Nahanap ko lang po ito sa classroom namin." then there's one thing na pumasok sa isip ko, "Father, paano niyo po nakilala si Tristian?"

He smiled and he started talking, "Tatlong taon ang nakaraan, nakita ko si Tristian sa labas ng simbahan na naka-upo at gutom na gutom. Tinulungan ko ito at pinakain ko siya. Dahil natuwa ako sa bata at pangarap kong magka-anak ngunit hindi ko pwedeng magpakasal dahil pari nga ako, napagdesisyunan ko na ampunin ko siya. Sa pagdating niya, mayroon siyang tatlong dahon na parehas sa dahon na iyong hawak. Sinabi niya sa akin na iyon daw ang bilang ng mga taon siya'y magtatagal dito sa Derona."

The Way He Smashes Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon