Chapter 10: A Trip To Damonca

117 12 1
                                    


<Dela Rosa Residence, 3 years ago>

"Caspor, welcome to my house."

Shocked and delighted. Ganyan ang naramdaman ko when I enter the big house of the Dela Rosa's. Ni-welcome ako ni Kian by giving me a rose then he lend me a hand. Parang prince na i-eescort niya yung princess papasok sa kanyang castle. KYAAAAAAAH! Yung papasok na kami sa bahay, naka-align ang mga maid nila. Nung nag-pass kami ni Kian (na naka-holding hands), nagba-bow sila. Royal family ba mga ito o kamag-anak nina Princess Diana o ni Queen Elizabeth? Tinour muna ako ni Kian sa bahay nila, dumaan kami sa living room nila na parang ballroom ang dating na may malaking chandelier na naka-bitin sa taas. Pinuntahan namin yung backyard nila, doon, makikita mo na may swimming pool at badminton court doon. Kinalabit ko si Kian.

"Kuya, maglaro tayo doon mamaya." tinuro ko yung badminton court sa labas

"Sure. Why not?" Awww.... excited na ako mag-laro ulit ng badminton. Pumunta naman kami sa may parang park ng bahay, sa may pathway nila, isang flower tunnel. Grabe. I walked backwards and then balik sa forward and paikot-ikot ako habang naglalakad while si Kian naman, pinagtatawanan ako.

"Inggit ka noh?"

"Buti ka pa!"

And then, pag-labas mo, may fountain, bench, may cement part na kung saan na pwede kang mag-bike or mag-jogging. I love biking! Jusme! Anong klaseng bahay to? Lahat yata ng likes ko, ay nandito na lahat! Kinalabit ko ulit siya.

"Pagkatapos natin mag-badminton, mag-bike naman tayo."

"Sige pa. Kung tutuusin, mas gusto ko pang mag-bike kaysa mag-badminton, eh."

Ows. I smiled at him. Swerte niya. Ang sarap ng buhay niya. Swerte niya sa lahat...pero kontento na ako kung anong meron ako! Bumalik na kami sa may loob ng bahay. Sa dining area nila, grabeh! Jusme. Round and table, andaming table settings! Per person, tatlong patong-patong na plates, tatlong wine glass, tatlong pairs at tatlong uri ng utensils, table napkins, everything andiyan na. Gusto ko nang mahimatay. Parang nasa Great Britain na ako! Dumaan naman kami sa room kung saan daw silang nagbobonding magpamilya by watching TV. Tengene! LED flat screen ang TV and andaming movie DVDs ang nakatago. Si Kian naman ang nagalabit.

"Caspor, pagkatapos mag-bike, movie tayo."

"Okay. Yung 'Frozen" ang panoorin natin."

"Sure. I love to."

Kaya lang parang spoiled na ako dito. Andaming gusto kong kong activities na gawin! Habang nandito, sulitin ko na! Dinala Naman ako ni Kian sa second floor. Doon, may pinasok kami na music room. Because I am a music lover, inexplore ko ito. May iba't ibang uri ng guitar, may violin, may drums, may piano, may trumpets pa.

"Dito ako nag-papractice ng drums."

"Kaya pala ace ka sa drum and lyre, kuya.

"Mamaya jamming tayo."

"Sigeh! Gusto ko yan!" hindi ko na mamemorize kung ano na ang gagawin ko dito. Too much excitement will kill you! hahahaha. joke. Mamatay na ako sa sobrang.....haaaay. This is heaven!

"There's more! Mas gugustuhan mo 'to."

Meron pa?! Jusme, Kian. Ayoko na. Sobra-sobra na! Parang ako na ang pinaka-spoiled na babae sa buong mundo! Sino ba ako para ipakita mo sa akin ang "big house" mo? Dinala niya ako sa isang room. Pero bago kami pumasok, blinind-fold muna niya ako. Mahuhulog na ang bituka ko sa nangyayari sa akin. I felt we have entered already.

"Pwede mo nang tanggalin."

Tinanggal ko ang blindfold. Nanaki ang mga mata ko sa sobrang shocked and surprised. Alam niyo kung nasaan kami? Nasa room kami ng mga libro! Isang napakalawak na library na may malaking shelf that contains thousands of books. Naalala ko tuloy yung scene ni Belle saka ng beast sa big library ng castle ng prince. Since, I am a geek and a nerd, gusto kong yakapin ang mga books! Mas malala pa'to sa National Bookstore.

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now