Chapter 39: Turning Back The Time

56 12 2
                                    


<Meitan Montessori School, 3 years ago>

"Elnoooor!" pagkatapos ng intrams, I encountered a new set of school days. Puro project making kami nina Allen at Angie dahil mag-eexam na at malapit na rin ang fieldtrip. Bumili si Allen ng mga decorating materials at ibinaba niya ang mga ito sa desk ko.

"Ito na lahat?" sumilip ako sa mga plastic bag ng mga materials to check them.

"Ok na yan! Ok na rin ang research at yung additional features na pinagawa mo sa amin." Haaaay, sa wakas! Konting disenyo nalang at matatapos na ang aming product. Medyo pahirapan kami sa paggawa dahil mosaic ang gagawin naming project. Ako yung taga-gupit ng mga art papers at yung dalawa kong kasama ang mga taga-dikit. But I wonder why I always stare the "wedding ring" kuno namin ni Kian. Pag nagsusulat ako, pag naglalaba, pag nagluluto, even pag naliligo ako.

"Mrs. Elnor C. Dela Rosa este Elnor Caspor!" nawala ang aking focus when Allen's voice caught my attention. I hid my right hand, kung saan naka-suot ang ring, at my back.

"Y-yes?"

"Your prince awaits at the gym." okay, but why? I left the classroom and went to the school gym. Pagdating ko doon, wala naman siya. Niloloko ba ako ni Allen?

"Wala naman!"

"Eh?" sumunod si Allen para tignan ang gym. "Sure ako bes, andito lang—" he stopped nang nakita niyang walang tao sa gym aside from the two of us. "No way! He's here a while ago! Sabi niya may importanteng sasabihin daw siya sa iyo."

Sasabihin? For me ba kamo? Napagdesisyunan ko na maghintay muna baka bumalik yun. 5 minutes passed, nothing happened. "Allen, siguro bumalik na tayo sa classroom."

"Pero, bes..." kahit anong papilit ni Allen sa akin ay bumalik na ako sa classroom. Parang nag-iba ang paligid ngayon. Pagkatapos ng intrams, hindi na nagpaparamdam si Kian sa akin. Nagkakasalubong naman kami pero puro "hi" and "hello" lang nakakarating ang mga converstaion namin. Gusto niyo idagdag niyo nalang ang mga tuldok para mas maganda.

Dumating ang examinations, nagkasalubong kami ulit pero quiet lang ang atmosphere. As in wala ng batian. Anyare dun? This is a good example for climate change. Days passed, matataas ang nakuha ko sa exams ko pero hindi niya ako binati ng "congrats", "galing mo!", "you did a good job!", wala. Recess time, no convo at all. Lagi ko lang kasama sila Allen at Angie. Bumalik lang sa dati. Madalas absent si Kian sa classes niya. Lubog-litaw nalang yun. Nagpapractice nga ako ng badminton para sa provincial pero hindi ko siya kasabay na mag-practice. Isang araw...

"Caspor, please put all these old books at the storage area." inutusan ako ni Miss Antoniette ng isang task na magbibigay opportunity sa akin for something. Pumasok ako sa storage at nilapag ko ang mga lumang libro sa isang lumang shelf.

"Katsak!" bigla nalang na may nagsara sa pinutuan ng storage. Paglapit ko doon, I turned the doorknob, arrgh! It's locked! Nag-panic tuloy ako. Paano ako makakalabas dito. Kung sino man ang nag-lock nito ay papatayin ko kayooo!

"H-hoy! Tulong! Palabasin niyo ako dito! Hindi 'to nakakatawa–!"

"Elnor?" I stopped screaming when I hear a familiar voice. Hindi mula sa labas, kundi galing dito sa room na'to mismo. I turned my back in a slow motion way.

"K-kian?" yep, it's him. What is he doing here? Fear exchanged to happiness. So, it's my chance to talk to him and let him explain what is going on. W-wait. Why ang sama ng tingin niya sa akin? No-no-no! Happiness exchanged to Fear. Bawi! Waah! Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko dahil sa sobrang takot.

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now