Chapter 64: His and Her Message

66 12 4
                                    


<Elnor's point of view>

"Dear beloved friends and visitors, we are gathered here today to celebrate the union of Kian John Dela Rosa and Elnor Caspor." inumpisahan na ni Sir Cris ang kanyang opening speech para sa amin ni Kian na nakatayo sa harapan niya. Well, masasabi ko na may skill din siya sa pagpapari. May konting preaching muna siya.

I looked at my back, andoon sila Allen, Angie and Kristel and..... andaming tao! Jusme, nagpipicture pa sila baka mamaya paggising ko, viral na yung wedding-weddingan namin. Yung iba ay nakita ko sa may badminton court kanina.

"Elnor, Kian, humarap kayong dalawa and message para sa isa't-isa." Sir Cris said and we faced each other. We look at each other's eyes. Una, ay nag-bato-bato pik muna kami para malaman kung sino ang mauuna sa message. Scissors ako at Bato naman si Kian so siya ang mauuna. Hiniram ni Kian ang mic kay Sir Cris.

"Una sa lahat, gusto kong kumustahin ka Elnor." he started at tumingin ako sa kanya, raising my eyebrow.

"Umm... mukhang matatalo ka yata sa tournament dahil natalo kita kanina." he continued and I gave him a threat by showing my fist. He backed away dahil akala siya siguro ay susuntukin ko siya. Hindi ko naman kayang gawin iyon dahil nga may sakit siya.

"Kulang pa yata ang practice mo kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." he said jokingly at nakita ko ang mga reaction ng mga taong nanonood. They are wondering why ganoon ang mga sinasabi ng "groom-kuno". "Sa lahat ng hindi nakakaalam, I was diagnosed for three years. I am experiencing a type of a cancer called Non-Hodgkin's Lymphoma."

I am certain na may mga tao na na-shock sa sinabi ni Kian. Yung iba ay jaw-dropped, yung iba ay naluluha, yung iba ay nagvivideo pa rin. Then, may naririnig akong may nagbubulungan. Pinag-chi-chismisan kami! C'mon people!

"Sinabi ng doktor na one month na lamang ang buhay ko. Actually, hindi ko na iniisip ang mga bagay na iyon pero gusto ko lang na... na.... yung mga huling araw ko ay maging masaya kasama ang special someone ko, at ito nga, kasama ko siya nagyon." he said at inakbayan niya ako. The crowd gave an "Awwwww" in chorus. Ako naman ay hindi ko maitago ang aking ngiti. Tila ako kay nilalamon na ng kilig. Then, Kian faced me again.

"Elnor..." he said at napatigil lang siya dahil siya'y umiiyak. Nilabas ko yung pamunas sa may bulsa ng dress at pinunasan ko ang mga luha niya pati na rin ang pawis niya. I motioned him to try his best to stop crying dahil masama ito sa puso.

"Basta isipin mo na lang na mananatili ka sa heart ko. Tandaan mo lang na bahagi ka ng buhay ko. Salamat sa... sa lahat.... mula sa una nating pagkikita noong elementary pa tayo hanggang sa kung saan na tayo ngayon, salamat at andito ka pa rin sa tabi ko. Kahit kalbo na ako, pumangit at nang-hina na ako, salamat dahil hindi mo ako pinabayaan at iniwan. You're so special to me, Elnor at alam mo iyon." he said at niyakap niya ako.

Nagiging horror booth na yata ang marriage booth dahil sa dami ng nagsisigawan dito. Then, it's my turn. Binigay sa akin ni Kian ang mic and I braced myself. Warm-up ka muna, Elnor. Inheyl, hexeyl...

"Noon ay lagi kong kinukwento sa mga kaklase ko sa DCJC ang love story nating dalawa. Pati mga period, coma, exclamation point ay nakwento ko din sa kanila. For me, parang hindi sa badminton nag-umpisa ang lahat eh." pag-uumpisa ko.

"Saan?" Kian asked pero hindi nila narinig dahil hindi iyon nahagip ng mic.

"Sa katangahan ko nagmula. Paano kung hindi tayo nabangga sa gym noong araw na iyon edi sana walang 'tayo' ngayon." I said at nag-"Aiyeeee" ang crowd, including sila Angie. Pinagpatuloy ko yung speech.

The Way He Smashes Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon