Chapter 54: Behind Those Scenes

101 13 7
                                    


<Angie's point of view>

I was having a good night sleep nang bigla akong napatalon sa aking higaan dahil nagriring ang cellphone ko. Elnor is calling. Bakit naman tumatawag si Elnor eh gabing-gabi na?! Nilalabanan ko ang aking antok at katamaran ko para maabot ko ang cellphone ko. I answered.

"Hello, Elnor. Gabi na haaaaaay. Bakit?" sabi ko ngunit naririnig ko si Nor na umiiyak.

"Bes, anyare?!" tanong ko.

"Angie, Si Kian..."

"Bakit si Kian? Niloko ka ba niya? Nag-away kayo? Na-"

"Hindi! Andito ako sa DMH.... na-ospital si Kian." she said. Naging wide eyes ang mga drowsy eyes ko when I heard the news. Finally, naglakas loob akong magtanong.

"A-anong s-sakit niya?"

Nang maitanong ko iyon, hindi nakapagsalita si Elnor dahil mas napangibabaw yung iyak niya. Then, she answered; "Non-hodgkin's lymphoma, c-canser iyon, Angie."

"T-teka, tama ba ang n-narinig k-ko?" I said. Dahil sa narinig ko ay tila nanginginig ang boses ko. Pinipigilan kong umiyak because I feel bad for Elnor. Siya ang isa sa pinaka-strong na tao na nakilala ko.

"Oo, may cancer siya. N-ngayon ay icoconfine n-namin siya. B-bisita nalang kayo dito ni Allen." she said. A tear escaped in my eye. Nahawa na din ako kay Elnor. Kung sino man ang naghihiwa ng onions, tumigil na or ako ang maghihiwa sa mga daliri ninyo! Ayokong umiyak, please. Ayokong umiyak.

"Sasabihin ko ito kay Allen right away. Pupunta kami diyan bukas ng umaga." I replied.

"Bye." Elnor said and she ended the call. Agad ko namang di-nial ang phone ni Allen. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot na siya. Hoping na hindi ko siya nadisturb.

"ANGIE NAMAN EH! PANIRA KA NG BEAUTY REST KO! BA'T BIGLANG NAPATAWAG KA? YOU'RE SUPPOSED TO BE IN BED THIS TIME!" okay, ayan na si Ariana Grande. Same as always. But I have to talk to him dahil emergency at sobrang sensitive yung topic.

"Allen, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko ah?" I said.

"Bakit? Buntis ka?" Arrgh! Wala akong time na makipag-joke, Allen. Mayghad!

"Hindi! Naospital si Kian! Cancer!"

Nang sinabi ko ang balita, biglang tumahimik ang paligid. Pinatay ba ni Allen yung tawag? Hello ako ng hello then, he finally responded, "WHUUUT! Si Kuya Kian?! May cancer?! Anong stage?!"

"Walang sinabi sa akin si Elnor pero may tawag sa cancer ni Kian eh. Ahhh...ummmm...." patay! Nakalimutan ko ang tawag sa sakit ni Kian. Yung word na cancer lang kasi ang naalala ko. Ano na kasi yun?! Alalahanin mo, Angie...

"Ah..ummm...Non.. Non.. ah.. Non-napkin diploma yata." I said hoping na tama ang sinabi ko. Biglang tumawa si Allen, making me realized na mali ang sinabi ko. Di lang mali, kundi maling-mali.

"Ano?" tanong ni Allen. Alam kong nagkukunwari lang niyang hindi narinig yung sinabi ko. He's just telling me this para ulitin ko yun.

"Ah! Basta may cancer siya! Bumisita tayo sa Damonca bukas ng umaga." I said.

"Sige, kita tayo sa may terminal papuntang Damonca. Babush!" he replied.

The Way He Smashes Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon