Chapter 13: Operation Cookery: Kian's Problem

100 13 1
                                    


<Caspor Residence, 6:34 pm>

"Mama."

"Anak, kanina ka pa nakamukmok. Anong nangyari ba?"

Nag-uusap kami ni Mama ngayon via Messenger. I told her everything na pumunta ako sa Dela Rosa Residence after the Writing Competitions but wala ng tao dun. Puro maids nalang. Medyo nalungkot pero move on din sa nangyari. But good for me dahil nahanap ko ang First Clue galing kay Tikbalang.

"Eh wala na pong tao sa may bahay na yun."

"They say na umalis na sila, anak?"

"Opo. And I want to ask you sana kung meron po kayong nalalaman kung nasaan na po sila ngayon."

"Aminin mo, namimiss mo si Kian, anoh?" Mama naman! Lagi siyang umaalis sa usapan! Napapalitan lagi ang topic.

"Yes, Mama." sabay takip sa bibig ko. Yas? Yes? Yis? Ewan! Bakit ko yun nasabeeeeeh? Huhuhuhu. Nag-walling nalang ako sa kuwarto ko. Ayaw kuminis! Joke.

"Good thing, you said that, Honey. Unfortunately, wala na rin akong balita kila kumareng Jolina." Awwts! Where on Earth are they? Gustong-gusto ko pa naman silang makita, lalong-lalo na si Kian. Siguro may kinalaman din dito si Tikbalang. Lagi niya akong minumulto and I'm sure sinusundan din ata niya si Kian. Who knows? Baka ang goal niya ay magkita kami ulit ni Kian. Kung yun man ang layunin niya, then Thank you in advance sa kanya kahit nakakatakot ang pangalan niya.

"It's okay, Mama. But do you know any places na maari silang pumunta?"

"I have no idea, anak. I will try to recall everything. Tanungin ko na lang din yung papa mo. Close kasi sila nina Tito Kiko mo. But now, natutulog na yung papa mo at ang lakas pang humilik! Alam mo naman yun, pagod-pagod na siya and overtime ulit siya tomorrow. Sa totoo lang, miss na miss ka na niya, Elnor, sweetie."

"I miss both of you! Kailan po kayo babalik dito sa Pilipinas?" I asked this question a countless times to my parents every time I miss them. Na-iinggit ako kasi sa mga classmates ko sa DCJC na kasama ang mga parents nila. Basta patuloy pa ako nag-hihintay...

"So far, anak, wala pa kaming sapat na budget para sa flight pauwi diyan. Miss na miss ka na namin. Don't worry, pag naka-ipon kami ng Papa mo, we will shall surely return!"

"Douglas McArthur?" nah just joking. Sinusubukan kong patawanin ang sarili ko.

"Wait, Mama!"

"What is it , anak?" yung question na hindi niya sinagot sa akin three years ago. Bakit sila close ng Dela Rosa family aside from business and...

"Kaano-ano ko po si Kian?" luhh...kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

"Um, anak. You must know this. Kayong dalawa.... Kayo ay mag—" Tuuuut, Tuuut.

Argh! Long awaited answer sinabi na ni cellphone! No connection. Hahahahahahaha! Yahoo! No connection kami ni Kian! Yay! Bigla nalang nag end call yung audio call namin ni Mama. Naging Active 1m ago na si Mama. Sign lang yung No connection. Sana totoo nga. Imagine ko nalang na sinabi nga ni cellphone ang answer. I tried to call ko ulit si Mama but she is not responding. Nag-leave nalang ako ng "Goodnight, I love you." message. Hayayy. Miss na miss ko na parents ko and panira pa yung internet. Debale, natapos ko naman na ang homework and I Better Sleep na. May classes ako tomorrow....

Umm okay. Hindi pa ako naantok. Balikan ko muna ang nakaraan. I lied down and started thinking. Naalala ko ang pinakamasayang weekend na na-experience ko.  Sunday midnight yung 11th Birthday celebration ko, August 24. And the next events will be more exciting. After the celebration, natulog then nagising.... ang lamig sa may kwarto ko nun dahil air-conditioned ito. Tinamad kaya akong magising nun...

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now