Chapter 1

70.7K 933 77
                                    

CHAPTER 1

 

 

 

Kareeza’s POV

 

“What the hell Micaela! Bakit hindi mo sinabi saken na SSG President pala yung hinalikan ko kanina?!” Halos umusok na ang ilong ko dahil sa sobrang inis at kahihiyan. Hindi naman sa pinagsisisihan ko ang paghalik sa kanya, it’s just that I don’t need huge involvement and attention. Well, hindi ko naman ipagkakaila na attention seeker ako but not to the extent na pati sa mga officers ay maging kapansin-pansin ako.

“What’s wrong ‘bout that? Are you threatened Yui Kareeza?” Pangungutyang tanong ni Mica saken. I just rolled my eyes as we walk to our next class.

 

“Tang’ina mo rin Micaela ha! Hindi porke’t masarap siya e magpapa-involve na ako sa kanya!” sabay irap ko sa kanya. Jahe lang. Kung alam ko lang na presidente pala yung lalaking ‘yon e di sana hindi nalang ako pumayag. Grr.

“Alam mo Kars, your family is one of the prestigious names today pero kung makapagsalita ka daig mo pa ang tambay e.”

 

Ayan, sinesermonan na naman ako dahil sa lengwahe ko. Peste! Ano bang meron sa pananalita ko?!

“Wag mo ng pakialaman ang bibig ko at tsaka..” I glanced at my watch. Shit. “..bilisan mo riyan! We are fvcking late!” Singhal ko sa kanya.

We ran all the way to the second floor at ngayon ko lang nakita ang kahalagahan ng elevator in times like this.

“Mic----akin na nga yan!” Agaw ko sa ibang mga gamit niya. Ano bang nakain ng babaeng ‘to at ang daming dala?! Daig pa ang high school student! At tsaka, pwede naman niyang gamitin ang projector ng school ah! Hindi yung ganito.

“Tsk.” Hindi nalang ako umimik. Alam ko kasing ma-ooffend ko lang siya.

 

“Sorry Kars, may report kasi ako ngayon.” I rolled my eyes.

“Tumigil ka nga Micaela Amanda Sandoval!” Singhal ko uli at pinagpatuloy ang pagpunta sa lab namin.

Lab? Yes. IT major kasi kami. Bakit nga ba yan course ko? Kasi air-conditioned lahat ng rooms. Ayoko sa mga maiinit kasi nanlalagkit ako. Third year college na kami at nasa second semester na ngayon kaya kahit kakapa-enroll lang namin ay masyado na kaming subsob sa trabaho.

Pinihit ko ang door knob para makapasok na kami.

“TANG’INA!” I glared at my best friend pero inayos lang niya ang eye glasses niya. Peste! Halos mawala na ang takong ko dahil sa kakatakbo, ‘yon pala wala ang prof namin!

“Ewan ko talaga ba’t naging best friend kita!” Ngumisi lang siya sakin.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now