Chapter 32

27K 649 133
                                    

x

Chapter 32

 

Third Person’s POV

 

Nate was silently thinking inside his office. Halos tatlong araw na ang nakalipas simula noong  insidente sa kanyang unit at sa bahay nila Kareeza and quite frankly, the said incident still haunts him. Alam niya kasing malaki ang kasalanan niya kahit na hindi niya ginusto ang nangyari sa kanilang dalawa ni Karen. Of course, nothing happened. Pero kung siya siguro ang nasa posisyon ni Kareeza ay talagang magwawala siya.

He was really proud to Kareeza that time because it took all the guts to restrain herself from hurting them. Nakatingin lang kasi ito sa kanilang dalawa. Ni ho, ni ha ay wala siyang narinig rito. Iritado niyang hinampas ang mesa at pumikit nang napaka riin. Kung pwede lang sana ibalik ang lahat.

He’s really frustrated and at the same time annoyed. Pagkatapos kasi ng mga nangyari ay hindi na niya kinausap si Karen. Hindi niya kasi maintindihan kung ano'ng pumasok sa utak ni Karen nang mga panahon na 'yon. Ilang beses na siyang sinubukang kausapin nito pero umiiwas siya. Wala rin kasi siyang planong imikan ito hangga’t hindi sila nagiging okay ni Kareeza.

Kareeza is really important to him. Aminado siya sa lahat ng mga pagkukulang niya sa dalaga at sa totoo lang, balak na niyang kausapin si Kareeza at hilingin na itigil na ang pagbabago nito. Bakit? Heck, wala siyang pakialam kung araw-araw nagmumura ang babaeng ‘yon, wala narin siyang pakialam kung ano pa ang klaseng damit ang suotin nito, wala na siyang pakialam sa lahat. Because all he care about is her, only her.

Oo, aminado talaga siyang hindi siya sanay sa ugali ni Kareeza ngunit alam niyang sa kaloob looban niya na iyon ‘yung naging dahilan para mahalin niya ito.

Sa halos tatlong araw na pagpipigil niyang tawagan o kausapin si Kareeza ay mahirap. Sobrang hirap. But don’t get him wrong, hindi ibig sabihin na hindi na niya ito pinag-uukulan nang pansin ay sumuko na siya. Hell no. Magka gulo na lahat pero hindi siya titigil at susuko. He was just giving Kareeza the chance to breathe. Sa sobrang dami ba naman ng kasalanan niya ay hindi niya ipagdadamot kay Kareeza ang katahimikan na gusto nito.

Sa totoo lang, miss na niya si Kareeza. Kung pwede lang sumulong na siya sa bahay nito pero alam niyang hindi pa ‘yun ang tamang panahon. Kailangan muna niyang ayosin ang gusot na naging dahilan nang matinding pag-aaway nila.

Yes, you heard it right. For him, it was just an argument, a simple conflict between the two of them. Kahit kailan ay hindi sumagi sa kanya na wala na sila ni Kareeza.

Agad siyang napahilot sa kanyang noo. Ang dami niyang problema bukod sa kanilang dalawa ni Kareeza ay nagkatampohan din sila ng kanyang Mama.

Nabalik si Nate sa ulirat nang biglang pumasok ang matalik na kaibigan ni Kareeza, si Micaela. Walang alinlangan itong umupo doon mismo sa tapat ng kanyang inuupoan. Bahagya siyang nagulat sa pagpapakita nito at mukhang may ideya na siya kung ba’t ito nandito. Kilala niya si Micaela kahit hindi sila masyadong close. Bukod kasi sa pagsama sama nito sa kanila ni Kareeza ay nakwe kwento din kasi ito ni Kareeza.

“Nate, si Kareeza? Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita at nakakausap.” Bumuntong hininga ito pagkatapos.

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon