Chapter 14

41.2K 487 22
                                    

Hello KheKheZ, thanks for giving BMP a chance! Salamat sa loooooong comments mo. With that, enjoy this 14th chap! :)

 

x

CHAPTER 14

 

 

 

Kareeza’s POV

“Ma, okay na naman siguro ‘to diba?” tumingin si Mama sa blue navy dress ko. I laughed lightly when she tapped her chin na para bang principal. I always trust Mama’s instinct when it comes to fashion kasi kahit nasa bahay lang ito wearing shorts and plain white shirt, andun parin yung fashion. I don’t know how Mama did that.

“You’ll look great with that dress, Yui.” Tumango nalang ako saka humarap sa malaking salamin dito sa kwarto ko. Mama bought this dress when I was seventeen at akala pa niya hindi na ito magka-kasya sakin.  Well, what can I do? Ang hirap ko kasing patabain.

This the fourth dress na pinakita ko sa kanya and thank God pumasa na ito. Gastos na rin kasi kung bibili pa ako since mabilis ko lang naman ito gagamitin. It’s a one-shoulder blue navy dress with a white top and sequins. Kahit simple lang tingnan, still, it gets attention. Sinadya ko rin na hindi masyadong revealing ang dress ko kasi baka bumusangot na naman ang mukha ni Nate. I laughed at the thought. Napaka-seloso talaga ng taong yun kaya minsan ang sarap niyang asarin.

“So, when’s the competition, Yui?” nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Mama. I fixed the dress first. I placed it in my walk-in closet before facing Mama.

“Next week, Friday. Be there Mama ha?” tumango lang siya.

Oo. Tanggap ko na na kasama na ako sa singing competition na iyon. Kahit pa siguro bugbugin ko ng mura ang bestfriend ko, wala na akong magagawa kasi tinawag na ako ng dean at nakalista na ang pangalan ko sa program. During my first practice, medyo nahirapan pa ako. It’s been four years for Pete’s sake since I last joined this kind of contest. Itanggi ko man, alam ko sa sarili ko na na-miss ko ang pagkakanta.

Nagulat ako nang niyakap ako ni Mama. “I’m just happy na sumubok ka na ulit.” I smiled weakly.

“I’m trying my best, Ma.” she nod with a hmm-sound, agreeing. We stayed like that for almost ten minutes. After that, we went downstairs para sa lunch namin. My body tensed when I saw Popsy at the living room, watching some sort of a basketball game. Dumiretso agad ako sa kusina kung san si Mama. As much as possible, I don’t want any distractions.

“Don’t worry. Popsy will be there too.” Napangiti ako ng mapait. I shook my head. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makukuha ang tiwala ni Popsy sakin ulit. He was giving me cold treatment since that day. I can’t blame my father though kasi kahit nga ako, hindi ko pa napapatawad ang sarili ko.

We ate in silence and I find it awkward since Popsy is here. Matagal-tagal narin bago kami sabay kumain. Minsan ako yung wala, minsan naman si Popsy. This is the main reason why gusto ko nalang kumain sa labas – para narin iwas gulo.

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon