Chapter 16

40.5K 484 18
                                    

Sorry for the long wait guys. May pinagdadaanan lang. Hehe. Hi itsmezZz, thanks for reading BMP! Here’s your dedication. :)

Yung mga naghihingi ng dedications, intayin niyo lang tsaka make sure naka-follow po. I love you guys! :)

 

x

CHAPTER 16

 

 

 

Kareeza’s POV

“May kanta ka na?” sinamaan ko siya ng tingin. Siyempre meron na! Tangina talaga ang babaeng ‘to. Bukas na nga ang competition tapos ngayon pa siya magtatanong. Humagalpak siya ng tawa sa reaksyon ko. Tss. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa sitwasyon na ‘to. “Get a grip, besty! Andun naman kami---aray!” napakamot siya sa ulo niya bago inayos ang salamin niya.

“Tumigil ka na nga!” saway ko sa kanya. Sumimangot lang siya sakin.

“Natural magtatanong ako eh nung last meeting natin, pinapractice ka sa harap ng buong class pero ayaw mo. Yung dean naman gusto kang marinig, kumanta ka nga pero pinalabas mo ako.” sumimangot siya sa sinabi niya. Tumawa nalang ako. Nangongonsensya pa!

“Surprise nga kasi, Micaela. Alin ba dun ang hindi mo maintindihan?” pinandilatan niya ako ng mata. Tumawa nalang ako bago pinapak ang natitirang Milo sa mesa.

Isang linggo kasi kaming walang pasok ngayon at nasa sa amin na ‘yon kung pupunta kami ng school. At dahil boring sa bahay, mas minabuti ko na rin na pumunta dito. Tungkol naman dun sa pagpapakanta sakin, totoo yun pero hindi ako pumayag. Hindi naman talaga sopresa yon, KINAKABAHAN lang talaga ako! Natatakot ako. Baka kasi pumiyok nalang ako ng walang sa oras. Bukod kay Mama, si sir Dean lang ang nakarinig saking kumanta. Maraming IT instructors ang gustong magpakanta sakin sa harap ng klase pero inaayawan ko talaga.

“Pakshet talaga, besty. Ang sarap talaga ni dean pero shukeme eh.” Tumawa ako nang makita ko na namang naglalaway ang bestfriend ko sa dean naming bading. Gwapo naman talaga si sir Giovanni pero yun nga, bading siya. But don’t get me wrong, kahit bading siya, napakapormal parin niya. Aware naman ang lahat sa totoong gender niya pero sir Giov never took advantage of it. May iba kasing gays na vulgar pero iba ang dean namin. Nagsusuot parin ito ng formal attires katulad ng ibang deans. Well, I have no against to gays or lesbians naman kasi tao din naman sila. They also deserved all the good things in the world.

“Baliw ka talaga. Pati dean pinapatos mo.” Tumawa nalang ako saka umiling. Parang kanina lang nakabusangot ito pero ngayon, parang irong buang dahil kay sir dean.

“Hoy, gwapo lang siya para sakin pero iba parin ang pinsan ng boyfriend mo.” Napairap nalang ako ng wala sa oras. Ang lande ng nerd na ‘to. Pakiramdam ko tuloy kaya ako tinakasan ng kalandian kasi lumipat ito sa kanya.

“Teka, asan ba si Nate?” nagkibit balikat nalang ako. Huli ko siyang nakita nung umiiyak ako palabas ng school. I know I’ve been rude back then kasi tinaboy ko siya. Napabuntong hininga nalang ako. Galit siguro iyon sakin kaya hindi niya ako kinakausap. Umiiwas karin kasi. Napailing nalang ako. Oo nga naman. Iniiwasan ko rin siya. Bakit? Hindi ko alam. Basta gusto ko munang dumistansya sa kanya. I know I’m being unfair to him pero wala akong magagawa. Gusto ko pag nag-usap na kami, okay na ako.

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon