Chapter 34

27.1K 709 130
                                    

x

Chapter 34

 

Third Person’s POV

 

Nate and his co-officer, Tristan, was busy checking his mobile to assess the problem. Kaninang umaga pa kasi sila nagsimula at sa mga oras ngayon, pakiramdam niya ay unti unti na siyang nawawalan ng pasensya. Pakiramdam ni Nate ay anytime soon, matatapon na niya ang kanyang cellphone dahil sa sobrang inis.

“Dammit! Kung kailan ko kailangan na kailangan!” Mura niya at padabog na hinampas ang mesa sa harap nito.

Humalakhak si Tristan at napailing. Sinamaan lang niya ito ng tingin.

“Bakit naman kasi nagpagawa ka nito? Besides, where the hell is Siobhan? Hindi ba siya ang may gawa nito? Dapat siya ang umayos! Pambihira. Hindi ako hasa sa mga ganitong bagay.” Napakamot na ng ulo si Tristan habang tine test ulit ang isang setting na kinabit sa GPS ng phone ni Nate.

Nate reached for his pocket at mabilis na ni-dial ang numero ni Siobhan. Talagang sobrang desperado na siya. Bahala na kung pagtawanan siya ni Hanz basta ang importante ay gumana na ang tracker na kinabit doon para ma trace ang whereabouts ni Kareeza.

Damn, right! He’s been tracking Kareeza for months now. Imagine? Sa unang pagkakataon ay ginawa niya ang isang bagay na kahit kailanman ay hindi niya pa nagagawa. In fact, it worked well at first pero kalaunan ay naging mahirap ‘yon sa kanya. Lalo pa’t may responsibildad siya sa eskwelahan at sa kompanya ng kanyang ina.

Nakailang ring na si Nate pero hindi sumasagot si Siobhan. Agad niyang inend ang tawag at ni-dial ulit.

“Dammit, dude may date ako!” Reklamo ni Hanz sa kabilang linya.

Umismid si Nate. “Wala akong pakialam. Ayosin mo ang tracker sa phone ko.” Matigas niyang utos sa taong nasa kabilang linya.

“Hoy, wala ka sa lugar para mag-utos! Tangina ka talaga. Ano bang ginawa mo kasi at biglang nagloko yan?!” Singhal niya kay Nate sa kabilang linya.

Nilingon ni Nate si Tristan na ngayon ay hirap na hirap na inaayos ang tracker sa phone nito. Sabagay, third year pa si Tristan at maaring hindi niya pa alam ang bagay bagay tungkol dito.

“Basta, ayosin mo.” Sabi niya nalang sa kabilang linya.

Narinig ni Nate na may kinakausap si Hanz sa kabilang linya. Hindi niya na mapigilan ang mapangiwi dahil sa mga hirit niya sa babae.

“Pambihira ka. Naturingan kang Presidente ng University pero may pa stalk-stalk ka pang nalalaman!” Pabalik na sabi ni Siobhan. Humalakhak ito na mas lalo nagpataas sa dugo niya sa katawan.

“Ba’t di mo nalang kasi harapin! O baka naman nahihiya ka na?” Patuloy parin ito sa pang-iinis sa kanya.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now