Chapter 25

30.8K 507 48
                                    

Sorry for the long wait. Una po sa lahat, once or twice a week po ang update ko sa BMP. Pangalawa, gusto kong magsabi ng thank you sa lahat ng sumuporta sa kwento ko. Hihi.

For dedications, hit the comment box, my message board or PM me nalang para mas madali. :)

P.S. Maraming typos kaya pagpasensyahan muna. Edit ko lang yan mamaya. Loveyah guys! Mwa.

x

CHAPTER 25

 

 

 

Kareeza’s POV

“Kareeza, tumayo ka na.” Umiling ako kahit ramdam ko na ang iritasyon sa boses niya.

I know this is stupid and crazy but the hell I care. Wala na akong pakialam pa sa mga bagay na mangyayari sa susunod. All I want is his forgiveness and a second chance. Loving Nate is unhealthy. It’s like you’ve been ripped into pieces. Lahat ng bagay na meron ka noon nawawala – kasama na doon ang katinuan – pag minahal mo siya. But no matter how bad I get from loving him, wala akong pinagsisihan. Sa mga nababasa ko sa libro, most female protagonists get tired over the long haul and I can’t see the point in that. Bakit ka magsasawa? Bakit ka mapapagod? Kung mahal mo ang isang tao, you’d do anything just to earn him back. Excuses are not allowed.

Minahal ko si Nate na may nakakabit na maraming aral. Natutonan ko na hindi lahat masasaya. I’ve learned that loving him implies no excuses. Nalaman ko na walang perpektong relasyon. At kung ang isang tao ay susuko na, you have to do your part just to save your relationship. I’ve learned that when it comes to love, you have to compromise and sacrifice – that it’s all about doing the opposites. Kung ang isa napagod na, make him feel at ease. Na kung ang isa sa inyo susuko na, fight for him.

“K-Kareeza, don’t make this any harder for me, for us.” Sa unang pagkakataon narinig kong pumiyok ang boses niya. Tumikhim pa siya para hindi ko mapaghalataan na nasasaktan din siya sa mga nangyayari.

Tumingala ako sa kanya mula sa pagkakaluhod. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita ko kung gaano siya nahihirapan. I know he’s torn between his best friend and me. Pero mali ‘yon. Mabuting tao si James Francis and he can’t afford seeing his best friend like this. Alam ko na kahit wala na ang best friend niya, gusto na nitong maging masaya ang mga tao sa paligid niya. He’s not selfish at ‘yon ang gusto kong makita ni Nate. I want him to realize na wala siyang dapat pagpilian.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Napangiti ako nang bigla siyang nag-iwas ng tingin pero napawi agad ‘yon nang makita ko ang dark circles sa ibabang parte ng mga mata niya.

“When was the last time you sleep?” Napangiwi pa ako habang hinahaplos yon. “Hindi kita minahal para lang mag-ipon ng eye bags.” I lightly laugh.

Gusto kong mapangiti dahil sa katotohanan na hindi lang pala siya ang nahihirapan. Gusto kong matuwa dahil sa katotohanan na kahit papaano ay may halaga ako sa kanya.

Tahimik lang kaming dalawa ni Nate. Hawak ko parin ang dalawang pisngi niya. Kahit inaagaw na ng eye bags ang atensyon ko, hindi ko parin maipagkakaila na sobrang gwapo niya. God! how I missed him so much! Gusto ko na siyang yakapin pero nagdadalawang isip ako. Natatakot ako na baka magpumiglas na naman siya and I’ll end up getting rejected again.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now