Chapter 19

34.9K 389 33
                                    

Again, for dedications, PM me at sa mga nag-change ng UN too. Thanks!

Sorry for the long wait. Enjoy this chap! :)

 

x

CHAPTER 19

 

 

 

Kareeza’s POV

“That was weird, besty.” Ani Micaela.

Hindi ko na nagawa pang sumagot o kahit tumango man lang. My gaze was still locked at Siobhan. Weird, yes. Very. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa asta niya. It’s a been a long week at swerte na nga lang dahil sa nakasama ko siya pero dapat bang ganun ang isalubong niya sa’kin?

After staying for a couple of minutes ay napagdesisyonan na namin ni Micaela na umalis doon sa field at dumiretso na sa last subject namin – Keyboarding. Minsan talaga naiisip ko kung dapat ba akong matuwa sa subject na ‘to. One time kasi nag-conduct ng blindfold exam ang professor namin. Magtitipa kami sa computer keyboard kung saan nakatakip ang mata namin. I didn’t know how it happened pero walang lumabas na letters sa MS Word ko. Pangalawang beses ko pang ginawa ang exercise na ‘yon pero wala talagang lumalabas sa MS Word. Siniguro ko naman na naka-hover talaga ang mouse sa MS Word ko pero pagkatapos kong gawin ‘yon na naka-blindfold na ay hindi na siya gumagana. Sa inis ko noon, halos baliin ko na ang computer keyboard namin.

I sighed. I just hope that would be the last time na masusubokan ko ang exercise na ‘yon. Baka kasi pag naulit pa ‘yun ay mawalan na talaga ako ng bait.

“Hi, Kareeza!” Bati ni Karen sa’kin, sa loob ng lab, na nakangisi.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. I looked at my bestfriend at ganun rin siya. My mouth was a bit parted too – dahil siguro sa gulat. Oo nga pala, kaklase ko siya sa subject na ‘to pero hindi ‘yon ang ikinagulat ko. We all know that Karen and I are not in good terms. Sa simula palang, alam ko ng hindi kami magkasundo but the way she reacts now? Weird.

I reluctantly nod at her, as a response, I guess. Ano bang magagawa ko kung talagang speechless ako?

“What’s with peeps today? Ang we-weird!” Bulong ni Mica sa’kin.

Hindi narin ako sumagot at patuloy na umupo sa pwesto ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano sa asta ni Karen. I closed my eyes firmly. Iniisip ko kung bakit ganun ang asta niya sa’kin na para bang magkaibigan kami. Maybe she finally came into her senses? I shook my head before opening my eyes. I don’t really know. Ayokong mag-assume at ayoko ring magpadalosdalos. Mahirap na.

“Besty..” Napalingon ako kay Micaela. “Kailan pa siya nakabalik galing sa pagkaka-suspend?” Nakatingin na siya ngayon kay Karen. Umiling lang ako sa kanya.

Yes. The last time I checked, suspended si Karen dahil sa nangyari noon. Ni hindi ko na rin mabilang ang araw kung saan naging tahimik ang buhay ko dahil sa pagkawala niya. And now that she’s finally back, para bang tinuboan siya ng halo at naging mabait sa’kin. She really hates me, halata ‘yon maging sa ibang estudyante, kaya malaki ang pagtataka ko at naging mabait siya sa’kin. Eh kahit nga tingnan niya ako noon ay napakahirap na para sa kanya. I can’t help but feel uneasy.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now