Chapter 28

27.1K 394 43
                                    

x

Chapter 28

FLASHBACK

Nate’s POV

“Hi Nate!” Napalingon ako kay Karen na tumatalon habang pumapasok sa loob ng bahay. Ngumiti ako sa kanya at binasa ulit ang mga reports na bigay ni Mama sa’kin.

“Napasyal ka? Wala si James dito.”

“Wala lang. Boring kasi sa bahay.” Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango.

“Nga pala, Nate. May ugly girl sa labas kanina pero pinaalis ko na.” Hindi ko na siya sinagot pa. Mga gypsies lang siguro yun na naghahanap ng mga pagkain.

Umupo si Karen sa tapat ko at kumuha ng isang mansanas. Pinaglaroan muna niya ito bago sinubo at sumandal sa sofa. Tahimik lang ako habang iniintindi ang nakaka dugo ng ilong na mga reports. Inangatan ko ng tingin si Karen. Nagulat ako na nakatingin pala ito sa’kin habang nakangiti. Kung hindi ko siguro siya kilala ay kikilabotan ako sa kanya.

Hindi kami masyadong close ni Karen. Kilala ko lang siya bilang kapatid ni James. She was adopted by James’ parents dahil sa kagustohang magkaroon ng anak na babae. I’m months older than Karen kaya halos magkapareho lang kami ng year level. Nevertheless, that still doesn’t change the fact that she’s James’ baby sister. Malapit sila sa isa’t isa, I don’t know the story behind it pero ramdam ko kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa.

“Ang boring naman.” I chuckled and looked at her.

Tinigil ko saglit ang ginagawa ko at sumandal sa upoan.

“Call your friends then. Alam mo namang wala ka talagang mapapala dito.” Umiling ako sa kanya at tumawa ng bahagya. She pouted her lips which I find cute.

“Tayo nalang ang lumabas, please?” She gave me a puppy look. I shook my head.

“Karen, there are some things that I still need to accomplish. Where’s James by the way? Sa kanya ka nalang sumama.”

 

Humalukipkip siya sa harapan ko at umirap.

“Alam mo maaga kang tatanda niyan.” Tumawa lang ako sa sinabi niya.

I know Karen’s asking for my attention. I know those moves. Hindi naman ako manhid. Karen’s pretty and I like her pero bilang kapatid lang. Malaki rin ang respeto ko sa pamilya niya kaya kailan man, I can’t give her what she wants.

After a couple of hours, umalis na si Karen sa bahay. Alam kong nagtatampo yun pero masyado lang din talaga akong abala kaya hindi ako pwedeng umalis nalang basta. I looked at my wrist watch. Gabi na pala. I stood up and grab the paperworks. Napatingin ako sa isang papel na tumakas mula sa mga folders. Napabuntong hininga ako bago ito pinulot.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now