Chapter 29

27.4K 467 38
                                    

As you can see may mga labels na ang previous chapters. Nakikita ko kasi na may nagugulohan. So, thanks for reading again! Malapit na palang magba-bye si Nate at Kareeza and I hope you’ll support my next story too, Bribing Ms. President. The prologue will be posted after this story.

I love you guys! ~ Bella

 

x

Chapter 29

PRESENT

Kareeza’s POV

 

Nasa condo ako ni Nate ngayon, inaalagan siya. He’s been sick for two days already. At first, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Never in my whole life that I cared someone like this – kahit si Brent o James. Naiinis nga ako sa sarili ko eh kasi mukhang ako pa yata ang may sakit. Hindi ko alam kung paano siya papainomin gamot. Dammit. Ganito ba ako ka ignorante? Masyado kasi akong dependent sa mga magulang ko. I sighed heavily.

“Stop thinking about it. It’s fine.” He chuckled.  He tucked some of hairs then kissed my forehead. Hindi ko mapigilan ang mapa-ismid. He’s making fun of me.

“Tigilan mo ‘ko, Nate. Tss.” Tumawa lang siya nang makita akong umirap. Ano bang malay ko sa mga measurements ng gamot? Hindi ba enough yung isang tablespoon nalang?! Naiirita ako. Nakakairita.

I felt him pulled me closer. He buried his face on my neck. Napasinghap ako when I sensed him inhaling my scent. Kainis! Hindi ba dapat galit ako? Nilingon ko siya at inirapan. Tumawa lang siya at pinagpatuloy ang pag-amoy sa leeg ko.

“N-Nate, tumigil ka nga. Ang landi mo.” Pinilit kong ilayo ang sarili ko sa kanya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang paghawak sa’kin. Nasa couch kami ngayon. We are supposed to be watching a movie pero mukhang deadma na dahil sa akin na nakatuon ang atensyon niya.

“I love you, Kareeza.” Napangiti ako sa sinabi niya. It’s like something warm touched my heart. Ilang beses na niyang sinabi sa’kin ang salitang ‘yon pero bakit ibang iba parin? Hanggang kailan ba ako mai-immune?

“Thanks for fighting. I’m sorr---” I paused him using my index finger.

“Stop apologizing.” I smiled at him. Sumimangot siya sa’kin, natawa ako.

I pulled him for a hug. Ilang beses na talaga niyang sinabi sa’kin ‘yon. Alam kong guilty siya pero wala na talaga sa’kin yun. Alam kong masyado lang siyang natabunan sa galit kaya niya nagawa ‘yon at naiintindihan ko ‘yon. Kaya nga lumaban ako para sa amin because I know that there’s still a tiny hope saying that we could still be together. Alam ko sa sarili ko may panlaban parin ako – at yun ang pagmamahal ko sa kanya.

I love, Nate. Walang duda doon. Kahit malaki ang binago niya sa’kin, wala akong pakialam. Many people said that love is all about acceptance but I guess they’re wrong. For me, love is all about changing yourself for the better. Nagbabago ka hindi lang dahil sa kanya kundi pati narin sa sarili mo. And I must say that I changed a lot. Marami ang nagbago sa’kin and quite frankly, I’m starting to love it. Sinabi rin sa’kin ni Mama na kahit siya ay nagulat sa pagbabago ko. Not that she’s mad about it, she’s perhaps proud of me.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now