Chapter 31

26.5K 608 75
                                    

Countdown na tayo? :)

 

x

Chapter 31

 

 

Kareeza’s POV

 

 

Halos madapa ako habang tinatakbo ang exit ng Vinocco building. Pinilit kong wa’g intindihin at pakinggan ang tawag ni Nate sa likoran. Tama na talaga. Kailangan ko na talagang matuto. Masyado na kasi akong sinasagad ng lalaking ‘yon. Ano bang akala niya sa isang katulad ko? Lumalaklak ng anesthesia at hindi man lang marunong masaktan? Kinagat ko ang labi ko nang rumehistro na naman sa aking utak ang nangyari kanina sa loob ng unit ni Nate. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi. Kaya lang hindi ko alam kung para saan ang pagsisising ‘yon. Nagsisisi ba siya dahil sa ginawa niya o nagsisisi siya kasi hindi siya nag-ingat at nahuli ko siya?

Napamura ako sa iniisip ko. Ba’t ko pa kailangang malaman? Para ano? Para humanap na naman ng rason na palagpasin ang pananakit niya sa’kin? Walang hiya. Tama na. Hindi porke’t uso ang katangahan ngayon ay makiki ride in narin ako.

Agad akong nag-abang ng taxi para makaalis na sa makasalanang building na ‘to. Walang hiya. Doon ko pa naman sinuko ang kimchi ko tapos.. Hay! Ay ewan ko!

Napatili ako nang may biglang pumarada na Montero sa harapan ko. Kumunot ang noo ko kasi hindi pamilyar ang sasakyang ‘yon. Akala ko aalis na ito sa harapan ko pero hindi kaya naisipan kong lumapit doon mismo sa salamin. Agad namang bumaba ang bintana ng sasakyan.

“Akala ko kung sino..” Pabulong kong sabi.

Napabuntong hininga ako at sumakay na sa kotse ni Siobhan. Pinilit kong ngumiti sa kanya nang maaninag ko siyang nakatitig sa’kin. I don’t why he “did” that but I’m thankful. Alam kong nag-aalala rin siya sa’kin kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya kasi di niya ako pinabayaan.

“Di pa ba tayo aalis?” Tanong ko sa kanya. Sinilip ko pa siya saglit para makita ang reaksyon ng mukha niya pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Dinig na dinig ko ang malalalim niyang hininga na para bang nagpipigil siya.

Kalaunan ay pinaandar na niya ang kotse niya.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Wala rin naman akong balak umimik. Ang daming sumasagi sa isipan ko. Kung ano na nga ba ang ginagawa ni Nate at Karen ngayon. Kung okay lang ba siya. Kung nasaktan ba siya. Mabilis kong kinagat ang dila ko at pumikit nang mariin. Ibang klase. Posible pa palang mag-alala ka sa isang taong nanakit sa'yo.

Ibang lebel na yata ang katangahan ko. Nakakatakot na ah.

Huminga ako nang malalim nang magtubig na ang mga mata ko. Bakit ganoon? Wala naman akong natatandaan na nagkulang ako sa kanya. Siguro sumobra ako? Nasakal ba siya? E walang hiya naman! Sana sinabi na niya lang. Masakit na kasi.

 

Tumingin ako sa labas ng bintana at pasimpleng pinahid ang luhang tumakas sa kanang mata ko. Of all people I know, si Nate lang ang pinaka huling taong naisipan ko na gagawa nang ganito. But at the end of the day, nagkamali na naman ako.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now