Epilogue

35.7K 896 68
                                    

Thank you po sa lahat! Maiksi man ang number of chapters nito ay nagawa niyo paring sumabay. Thank you, as in sobra! To my beloved Cincos, alam ko. Alam kong maganda ako. Hahaha!

P.S. Sana po suportahan din natin si Socorro kahit walang hiya siya. Please click the external link. :)

x

EPILOGUE

 

AFTER THIRTY SIX MONTHS

I was busy checking the arcade out. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nakasanayan ang bagong mukha nito. Mula kasi sa pagiging gawa nito sa kahoy noon ay gawa na siya tiles at semento. Seryoso? What the hell did I miss?

Pailing iling kong tinitingnan si Socorro na ngayon ay panay ang tango sa mga estudyanteng nakakakita sa kanya.

“Ang laki ng pinagbago mo, couz. Si Embry ba?” Usisa ko.

Mabilis niya akong inirapan bago nilagok ang isang shot.

Alumni kasi ngayon at bilang President ng university ay malaki ang bahagi niya para maging successful ang event.

Ang bilis ng panahon.

Parang kahapon lang ay naging parte ako ng school na ito. Hindi ko lubos maisip na sa mga panahong ‘yon ay bumalik ako dito mismo sa lugar kung saan muli kong binuksan ang nakaraang akala ko ay matagal nang nakasarado.

“Don’t start, couz.” Pagsusungit niya.

Humagalpak ako sa tawa at sinimsim ang isang vodka.

“Hindi ka ba hahanapin sa loob ng Gymnasium?” Pag-iiba ko.

Pasimpleng umiling si Socorro. “Not really. Besides, hindi naman talaga kami ang host. Tsaka, I want to unwind. Ang sakit sakit na ng likod ko.”

 

Tumango ako at pinagmasdan si Socorro na nag s-stretch. Ang sarap niyang pagtawanan dahil sa kabila ng concealer ay halata parin ang pagiging haggard niya.

Napangiti ako ng palihim. Sa kabila kasi ng mga nangyari kay Socorro, hindi ko aakalain na magiging ganito siya ka responsable. Ang laki na ng pinagbago niya. May pakialam na kasi siya iba.

“Alam mo couz, kung gaano inulan ng gwapo ang school, ganun din ang pagbaha ng pangit!” Biglang sabi ni Socorro.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at ni isang letra ay wala akong makapa. Anak ng.. Sinabi ko ba kanina na nagbago na siya? Napailing nalang ako at tumawa sa inasta niya.

“Tumigil ka nga!” Panimula ko. “Kung makapagsalita ka parang wala kang…”

“Aaaaaaaaahh!! Don’t say bad words!” Tinampal niya ang bibig ko at pinanlakihan ng mata.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now