Chapter 24

30.2K 482 67
                                    

Patawad sa typographical errors. Tamad mag backread si author. Thanks. For dedications, hit the comment box or my MB. You can send PMs too.

P.S. Ang ganda ko. Shet.

 

x

CHAPTER 24

 

 

 

Kareeza’s POV

Maaga akong pumasok sa school. Sinadya ko talaga ‘yon dahil gusto kong  makausap si Nate. Hindi ko alam kung saksakan na ba talaga ako ng katangahan o ano pero dinala talaga ako ng dalawang paa ko dito. Hinanda ko na rin naman ang sarili ko para sa kung ano man ang mangyari ngayong araw na ‘to.

“Nakakatakot pala siyang mahalin e – nakakamatay kasi.”

 

Kinagat ko ang labi ko at pilit pinalampas ang mga sinasabi ng iba. Bakit ba ang mga tao ngayon sobra sobra kung manghusga? They didn’t even know the whole story. Mga tao talaga ngayon sobra na kung minsan, kung makapagsalita para bang alam na alam nilang. Nagagawa na nilang manghusga kahit ang pinanghahawakan lang nila ay isang kakarampu’t na impormasyon.

Oo, nasasaktan ako sa mga sinasabi nila but I don’t care. I have Nate. Napabuntong hininga nalang ako. Yes, I do have him pero aware pa ba siya doon?

Kumatok agad ako sa pintoan ng office ni Nate. Mabuti nalang talaga at wala pang masyadong tao dito sa second floor ng school kasi baka kung ano na naman ang masabi ng ibang tao. I’ve been wrecked over the past couple of days, wala akong naging sandalan kahit sila Mama at Popsy ay walang alam sa mga nangyari. Ilang gabi rin akong umiiyak at laking pasalamat ko naman kasi walang nangengemeng magtanong.

Sa loob ng ilang araw mas lalo akong nalungkot dahil kahit isa sa mga text galing kay Nate ay wala akong natanggap. Alam kong obvious na kung ano ang dahilan pero gusto ko paring kumbinsihin ang sarili ko na baka nauunahan lang siya ng hiya at takot kaya hindi niya ako magawang tawagan o itext. Same goes with Micaela, kahit siya ay walang ginawa para makapag-usap kami. Did she know it already? Galit din ba siya? Umiling ako at pilit kinukumbinsi na naman ang sarili. No, Micaela loves me and she’s smart. She’ll understand me, I’m sure of it.

“Bakit?”

 

Kinagat ko ang labi ko at tinitingnan lang si Nate na nakakunot ang noo. Those dark lines under his eyes makes me want to think na iniisip rin niya ako. Na nag-aalala rin siya sa’kin. Gusto kong humanap ng butas sa katotohanang hinahampas sa sarili ko. Gusto kong isipin na kahit papaano ay minahal niya ako.

“B-babe? Can we talk?”

 

Please say yes! Please Nate? Please?

Kinagat ko ng mariin ang mga labi ko at nag-iwas ng tingin nang wala akong makapa na sagot galing sa kanya. Galit parin ba siya? Hindi pa ba sapat ang ilang araw para pakalmahin ang mga sarili namin?

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now