Chapter 11

42.9K 609 66
                                    

Hi hgiel26, thank you for reading Bribing Mr. President! This chapter is for you. :)

Sa ibang nanghihingi ng dedications, antay antay lang ha. Isa-isa lang. LOL.Tsaka, make sure na naka-follow po kayo. Sa mga manghihingi pa, you can PM me or perhaps hit the comment box.

Happy 15K reads BMP! Cheers!

P.S. Pakibasa po ng ibang stories please…  Mas maganda po yun kesa sa BMP kasi mas hasa po sila pagdating sa action scenes, drama scenes at bed scenes. Hahaha! Thank you and here’s the 11th chap! :)

 

x

CHAPTER 11

 

 

 

Kareeza’s POV

“Ang lalim natin jan ah.” napalingon ako kay Hanz na nakangiti, sumimangot naman ako sa kanya.

Pinabayaan ko nalang siyang tumabi sakin. Mabuti nalang din siguro ‘to kesa magmukmok ako. Ang bigat parin kasi talaga ng pakiramdam ko. Ewan ko ba, gaya kasi ng sabi ko, pagdating kay Nate, bago lahat.

 

Napabuntong hininga nalang ako. Ang sikip na kasi ng dibdib ko. Dapat kasi di ko nalang pinansin ang ex ng tita ko, dapat nag-explain nalang agad ako sa kanya. Kasalanan ko rin kasi ‘to eh, napaulanan tuloy ako ng maaanghang na salita galing kay Nate. Ang bobo mo talaga, Yui Kareeza.

“LQ?” napalingon ulit ako sa kasama ko.

Nakakunot ang noo ko sa kanya samantalang siya naman ay nakangisi at humalakhak. Napangiwi na naman ako nang makita ko ang hikaw sa dila niya. Paano niya kaya na-handle yan?

“Hindi nga masakit.” Ngumisi lang siya kaya napairap ako. Tss.

Pinagpag ko ang damit ko bago tumayo. Nasa tabi ng basketball court kasi ako ngayon at tumatambay kasi…wala lang. Gusto ko lang sigurong mapag-isa.

Bahagya kong tiningnan ang cellphone ko, napasimangot na naman ako. Wala parin kasing text galing kay Nate, ni simpleng tawag wala din. Ano ba yan, kakasimula pa nga lang namin ang dami ng problema.

Kumain na kaya siya? Niligpit ko ang cellphone ko saka kinuha ang mga gamit ko. Akala ko sabay kaming magla-lunch? Baka busy siya. Oo nga pala, SSG President pala siya. Nature na sa kanya ang pagiging busy.

“Lunch tayo?” napatingin ako kay Hanz na nakangiti. Muntik ko ng makalimotan ang presensya niya ah. Tsk. Kanina pa ako bangag eh. Kainis naman eh. Di naman ako ganito sa dating mga boyfriends ko. Hay. For the nth time, pagdating talaga kay Nate, bago lahat.

Tinaponan ko ng tingin si Hanz at tumango. Nakita kong lumiwanag ang mukha niya kaya napailing nalang ako. Jeez.

“Di naman siguro magagalit ang boyfriend mo diba?” napatigil ako sa paglalakad. Shit! Bakit nga ba di  ko naisip ‘yun? Haaay! Kainis!

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon