Chapter 4

50.8K 791 84
                                    

CHAPTER 4

 

 

 

Kareeza’s POV

Nakatulala lang ako habang bitbit niya ako na para bang hindi siya nabibigatan sakin. Tss. Oo na, siya na ang malakas. Napailing nalang ako ng palihim dahil sa sobrang pagtataka, bukod kasi sa pagtulong niya sakin ay binuhat niya pa ako. Pumikit ako habang inaamoy ang shirt niyang mabango. May print itong Nate Corpuz at SSG President sa may likoran. Pinilig ko ang ulo ko ng kaunti at inamoy ulit ang shirt niya. Amoy papa cologne. Hahaha. Lol.

Napasinghot ako ng kaunti at hinawakan ang pisngi ko, dun ko lang napagtanto na kanina pa pala ako umiiyak. Bukod kasi sa masakit ang ulo ko, sumasakit din ang singit ko dahil sa pang-iinsulto niya sakin kanina. Nakakainis! Dapat galit ako sa kanya e pero heto na naman ako, parang tanga.

“Wa’g ka ng umiyak…” Tiningnan niya ako saglit at naglakad ulit.

Umiling lang ako. Hindi pa rin ako makapagsalita. Akala ko ba matapang ako? E bakit pagdating sa kanya tiklop agad ako?

“H-hindi ako umiiyak.” Pinilit ko pa ring umirap kahit hindi naman kailangan.

Tiningnan niya ako ulit at ngumisi siya. Ay panty! How can someone be so handsome like this?

“Eh ano’ng tawag mo diyan?” Nguso niya sa pisngi ko.

Napatingin ako sa labi niya. Nate, pwedeng sa labi ko nalang yang pag-nguso mo? Daliiii na! Lol.

“Tears of joy yan.” Pagdadahilan ko. Kumunot naman ang noo niya.

Damn those thick and attractive eyebrows of his. Damn those red lips and well-shaped nose of his. Shit. Napatingala ako at nakita ko na naman ang messy hair niya. Hoooh! Ang gwapo niya!

“Tss. Ikaw lang ang babaeng nakita kong natuwa dahil sa bully.” Sabi niya pa sabay iling.

Ngumuso lang ako para pigilan ang pag-ngiti ko. Akala ko pinanganak ang lalakeng ‘to na may sama ng loob pero hindi pala. Whole package na talaga siya pero hindi maipagkakaila na masama ang ugali niya. Ang sama ng tabas ng dila niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Akala niya siguro nakalimotan ko na ang ginawa niya sakin. Binatokan ko siya.

“Aray! Why the hell did you do that?!” He hissed.

Muntikan na nga akong malaglag. Oo nga pala, bitbit niya pala ako. Mamaya ko nalang siya babatukan ulit.

“May kasalanan ka pa sakin!” I gritted my teeth at inirapan ulit siya.

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Napabuntong hininga nalang ako at matalim na tiningnan ang mga estudyante sa paligid. Sana pala nagpeke-pekean akong nahimatay para mas dramatic at sweet. Hahaha. Nababaliw na nga talaga ako.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now