Chapter 9

47.1K 662 27
                                    

Gusto ko lang sabihin na please do trust me on this. Salamat. Anyway, this is for you Star_Wisdom, thanks for reading BMP! :)

 

x

CHAPTER 9

 

 

 

Kareeza’s POV

Shock was just an understatement. Sobra pa dun ang naramdaman ko. Tulala lang ako at kung di ko naaninag ang mukha niya sa harapan ko, malamang habang buhay na akong ganito. Nakangiti parin siya habang pinagmamasdan ang mukha ko.

“M-mahal mo ako?” Tumango lang siya sa tanong ko at tumawa ng mahina.

Siguro para na akong tanga kasi makailang ulit ko na itong tinanong sa kanya. Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses ko na yung tinanong sa kanya.

“Mahal mo ako!? MAHAL MO AKO?!” Sigaw ko sa kanya.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit na mahigpit. Naramdaman ko rin yung yakap niya sakin. Ang saya ko. Sobrang saya ko.

“I love you.” Bulong niya sakin kaya mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko.

Jusko. Wala naman akong naalala na lumakad ako ng paluhod sa simbahan. Di ko rin maalala na nag-donate ako ng napalaking pera sa chapel namin. Ni hindi ko rin lubos maisip na nagdadasal ako bawat gabi. Pero bakit sobra sobra naman yata ang natatanggap ko? Bakit sobra naman yata itong binigay ng Diyos sakin?

All my life naging magaspang ako sa iba, aminado ako dun. Aminado din akong hindi ako mabuting tao at alam ko ring marami na akong nasaktang ibang tao. Pero ano ‘to? Ano ‘to?

 

“Gulat parin?” tumango lang ako habang nakayakap parin sa kanya. Narinig ko siyang tumawa ng mahina at hinigpitan pa lalo ang yakap sakin.

This is beyond happiness. Sobra pa sa nanalo sa isang lotto jackpot. Sobra pa ‘to sa pagiging top sa school. Sobra pa ‘to sa flat one. Lord naman eh! Nakakainis! Bakit mo ba ako binibigla ng ganito? Gusto kitang sakalin! Joke. LOL!

Nang medyo nangawit na ako sa yakapan namin, kumalas na ako. Nakangiti parin siya sakin na para bang mas natutuwa pa siya kesa sakin. Naku Nate Corpuz, kung alam mo lang! Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya!

“Kain tayo? Nagutom ako bigla eh.” Tumawa lang siya sa sinabi ko. Pati tawa niya, nakaka-adik.

Bahagya niyang ginulo ang buhok niya at naglahad ng kamay sakin. Napalunok ako habang tinitingnan ang buhok at kamay niya. Enebeyen.

“Let’s go?” Aniya.

Tumango lang ako at hinawakan ang nakalahad niyang kamay. Shet. Hindi naman bago sakin ‘to eh pero bakit pagdating sa kanya, ibang iba talaga? Hindi naman kasi siya ang first boyfriend ko pero bakit parang iba parin ang dating sakin? Lahat bago pagdating sa kanya.

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon