Chapter 15

41.8K 509 36
                                    

Malapit ng mabulgar ang mga bagay-bagay. Salamat po sa support niyo guys and gays! Lol. Sinipag akong mag-update. Bakit kaya? Hahahaha!

Hi StunningM! Thanks for reading BMP! This is for you! Again, for dedications hintayin niyo nalang and make sure na naka-follow po kayo. :)

P.S. Click the external link for questions and recommendations.

 

x

CHAPTER 15

 

 

 

Kareeza’s POV

“Ang kapal talaga ng talampakan ng babaeng ‘yon! Naku! Pag ako di nakapagtimpi, hinding hindi ko siya aatrasan kahit umabot pa kami sa trial court!” bumuntong hininga nalang ako bago pinapak ang pang limang Milo sa tabi ko. Wala ako sa mood para sagutin ‘tong mga pinagsasasabi ni Mica sakin. Hindi ko alam kung ano’ng gustong iparating ni Popsy sakin. Ni hindi ko alam kung bakit niya pa sinabi yun. Para lang ba ipamukha sakin kung gaano ako ka-sutil? Napailing nalang ako. Congrats to him though kasi nagtagumpay siya.

I shook my head again bago inubos ang laman ng Milo. Hindi mo na kailangang sabihin Popsy kasi alam ko naman kung ano ang kasalanan ko. Napailing nalang ulit ako saka umayos ng upo. Panay parin ang talak ni Micaela at masyado nang naiirita ang tenga ko dahil sa boses niya.

“Mabuti nalang at na-suspend siya. Hanga na talaga ako kay Nate!” tinaponan ko ng tingin si Micaela. Tama ba yung dinig ko? Pina-suspend niya si Karen?

“P-paano?” pagtatakang tanong ko. Inirapan lang ako ni Micaela.

“Of course! Presidente nga diba? Kahit VP yung salot na yon, mas malakas parin ang kapit ni Nate!” napasapo nalang ako sa noo ko. Sana hindi nalang siya nag-abala. Mas lalo tuloy lalaki ang gulo. Napahilot nalang ako sa gilid ng noo ko.

“Teka, asan ba ang boyfriend mo? Balita ko monthsary niyo kahapon ah. Yiiiie! Magkwento ka besty!” sinamaan ko siya ng tingin ng sundotin niya ang tagiliran ko. Pinanliitan niya ako ng mata saka ngumiti ng napakalapad. “Hala! Nag L2L kayo noh?!” napangiwi ako ng sumigaw na naman ito. Tanginang boses talaga.

Umusog ako palayo sa kanya kasi sumasakit na ang tenga ko. Umirap nalang ako sa reaksyon niya bago binuksan ang pang-anim na Milo. “Ano’ng L2L na naman ba yan, Micaela?” tumingala ako para papakin ang Milo.

“Eh di LIPS TO LIPS!” nabuga ko ng wala sa oras ang Milo at natapon ito sa pantalon ko. Pakshet! Pinilig ko ang ulo ko at ngumuso para pigilan ang pagngiti.

“Yiiie. Totoo nga!” sinapak ko si Micaela dahil ang lakas lakas kasi ng boses niya. Andito pa naman kami sa field, for Pete’s sake! Uminit ang pisngi ko ng tinukso na naman ako ni Micaela. Ang lakas talaga mag-asar ng babaeng ‘to! Tumawa nalang ako kahit pulang pula na ang mukha ko dahil sa hiya.

Kainis! Naalala ko kasi kung paano ako ngumisi hanggang sa makarating ako sa bahay. Nginisihan nga ako ni Mama tapos…

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon