Chapter 2

58.5K 852 62
                                    

CHAPTER 2

 

 

 

Kareeza’s POV

“Kars! May regalo ako sa’yo!” Kumunot ang noo ko dahil sa tili niya. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong hiningi sa kanya.

 

“Ano ba yan?” Tanong ko sabay subo ng ice cream.

“Ang unfair talaga! Bakit ba ikaw panay ang kain mo pero hindi ka naman tumataba samantalang ako.” Napabuntong hininga nalang siya.

“Maganda kasi ako kaya ganun.” Ngumisi lang ako kaya napairap siya. Pinakita ko sa kanya ang malaking subo ko sa ice cream, inismiran lang niya ako. Pikon talaga. Humalakhak lang ako habang nilalantakan ang ice cream.

Matagal ko na kasing napapansin na hindi ako basta-basta tumataba which is a very good thing. Kahit sandamakmak na pagkain ang lantakin ko ay wala paring nababago sa pigura ko. Sabi naman ni Mama ay maswerte daw ako. Iilan lang kasi sa mga babae ay may ganung kapasidad.

Hindi rin ako mahilig mag-gym, bakit pa? E kahit wala akong kalaman-laman sa katawan, alam ko namang kaya ko paring bumali ng leeg ng isang lalake. You see, I don’t turn heads, I BREAK THEM.

“O siya nga pala, ano ‘yong surprise mo?” Tanong ko sabay lantak ng isang gallong ice cream. Favorite ko kasi ‘to especially cookies and cream. Tiningnan ko lang si Mica na nakangisi. Inabot niya sakin ang isang maliit na brown envelope.

“Ano ‘to? Pay slip?” Pagbibiro ko.

“It’s more valuable than a pay slip bessy. See for yourself.” Nakataas pa ang dalawang kilay niya habang sinasabi ‘yon.

I put down my spoon and ice cream para mabuksan ang envelope. I saw Mica’s mouth waters.

“Wa’g mong pakialaman ang ice cream ko.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Ang damot mo!” I ignored her. Kinuha ko muna ang hankie ko para punasan ang kamay ko.

My eyes widened as I saw what’s inside the envelope. Tumawa lang si Mica sa reaction ko.

“What the fuck Micaela! Ilang gallons ng ice cream ang gusto mo?” Humalakhak lang siya sa reaksyon ko. This is the best gift ever!

“Oh please bes. A simple thank you will do.”

 

Ngumisi lang ako sa kanya saka niyakap ng mahigpit. She really does know how to please me kaya magkaibigan kami e. We may have different attitudes but we seriously know how to work it out.

“Saan mo nakuha ang picture ni Nate?”

 

Bribing Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon